Chapter 37

1 0 0
                                    

Allison's POV

Mabuti na lang at napakiusapan ko si Anwyll, palagi nya na lang akong nakikilala. Kahit ano pang takip at pagpapanggap ko, sya at sya lang ang nakakakilala saakin.

Pagkatapos naming magusap ni Anwyll ay agad na rin naman akong umuwi at saka ko naman nadatnan na naghihintay na rin saakin ang butler.

Butler: "kinausap mo ang Hendrix na yun?" tanong nito saakin

Allison: "huh? Hi-hindi ko naman-"

Butler: "may tiwala ako sa mga desisyon mo Miss Allison, isa kang Moonrae at nasa dugo mo ang pagiging matalino. Kaya alam kong hindi ka magkakamali. Isa pa isa ang mga Hendrix sa pinakamatalik na kaibigan ng iyong ama"

Allison: "ng papa?"

Butler: "oo, ang papa mo at si Mr. Hendrix ay matalik na magkaibigan simula highschool. Pati nga ang mama mo hindi na alam kung papaano sila mapapaghiwalay. Nangako pa nga sila nuon na na ang mga anak nila ang magpapatuloy ng pagkakaibigan nila, kaso naging lalaki ang anak ni Mr. Hendrix samantalang ang ama mo naman ay dalawang babae. Kaya naisip nilang baka sakali na isa sa inyo ng kambal mo ang magkatuluyan sa Hendrix. Isa pa malaki din ang utang na loob mo sa mga Hendrix, kung hindi din sa kanila hindi ka rin makakalayo at makakapamuhay ng maayos"

Allison: "ano pong ibig nyong sabihin?"

Butler: "noon, walang mapagkatiwalaan ang papa mo sayo. Kahit sa sarili nyang bahay wala syang malapitan para ipagkatiwala ka, at duon lumapit si Mr. Hendrix. Sariling pera at properties nya ang pinagamit sa inyo ni Milenda para makapagtago lang sana pansamatala, ginawa yun ni Mr. Hendrix kahit alam nya na maaring madamay sya sa alitan ng mga Moonrae. Hindi nya iniwan ang papa mo"

Allison: "kung ganun, malaki pala ang utang na loob ko sa mga Hendrix"

Butler: "kaya nga hindi na rin nakakapagtaka na mabilis mong napagkatiwalaan ang Hendrix nayun. Pero I just want to warn, iba na ngayon. Hindi mo dapat binibigay ang buo mong pagtitiwala. Lalo pat nalalapit na maipakilala ka sa lahat bilang si Allison Moonrae"

Allison: "naiintindihan ko po"

Mr. Dowry's POV

Its Saturday, ngayon ko makukuha ang DNA result ng babaeng yun. Gagamitin ko ito bilang ebedensya para mapatalsik sya o di kaya naman ay makontrol. Maling mali ang desisyon nilang ako ang kinalaban.

Nurse: "Mr. Moonrae, ito na po yung result" wika nito sabay abut saakin ng isang envelop. Hindi na ko makapaghintay na buksan ito para makita ko na agad ang result. Kaya madali ko na itong binasa at tumingin agad sa ibaba ng papel. Ganun na lamang ang pagkagulat ko sa nakita kong result.

Mr. Dowry: "Ellisia"

Ellisia's POV

Its Saturday at meron kaming date ni Josiah, paganda muna sa loob ng kwarto bago pumunta sa meeting place naming ni Josiah. Nang bigla ko na lang narinig ang pagsisigaw ng daddy sa pangalan ko.

Mr. Dowry: "Ellisia! Ellisia!" sigaw nito na agad naman akong napalabas ng kwarto

Ellisia: "what is going on dad?" gulat kong wika na agad naman lumapit saakin ang dad na mukhang galit, habang ako ay nagtataka.

"PPPPAAAKKK!" isang malakas na sampal ang ibinigay saakin ng dad.

Ellisia: "dad?" gulat at takot kong wika

Mr. Dowry: "alam mo ba ang ginawa mo?!"

Ellisia: "hi-hindi kita maintindihan"

Mr. Dowry: "you said na nagpapanggap lamang ang nakikila nating pinsan mo diba?!"

Nerd vs. The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon