Chapter 57

1 0 0
                                    

Mr. Dowry's POV

Sa shares na meron ako ngayon, hindi ko na kaylangan pang pakisamahan ang batang yun. Ako na ang mamahala sa kompanya, kunti na lang at mawawala na din ang mga Moonrae. Oo alam ko namang hindi talaga isang Moonrae si Jeadis, ginamit ko lang sya dahil hindi sya maaring galawin ng butler. Isa pa tunay naman ang DNA test na binigay ko sa kanila, yun nga lang hindi samples ni Jeadis ang nandun kundi ang kay Allison. Napakadaling paikutin ng lahat.

Pag iisip ko ng bigla namang si Mr. Bradford.

Mr. Dowry: "oh Bradford bakit ka napatawag?"

Mr. Bradford: "may problema tayo"

Mr. Dowry: "anong sinasabi mong problema? Nasa plano ang lahat-"

Mr. Bradford: "wag mo na kayang pakialamanan si Allison, diba nasayo na din naman ang pinakamataas na shares ng company"

Mr. Dowry: "ano bang sinasabi mo?"

Mr. Bradford: "si Jeadis kasi masyado syang naapektuhan sa tuwing nasasaktan at nahihirapan si Allison"

Mr. Dowry: "then do something with your daughter"

Mr. Bradford: "Dowry hindi ko naman pwedeng kontrolin ng kontrolin si Jeadis, hindi sya si Ellisia"

Mr. Dowry: "anong ibig mong sabihin, kinukontrol ko ang anak ko?"

Mr. Bradford: "I'm sorry nabigla lang ako"

Mr. Dowry: "wag mo akong tatakutin Bradford at subukan lang tumiwalas ang anak mo sisiguraduhin ko na ilulubog ko kayo. At isa pa kasama na kita dito nuon pa hindi ba?"

Mr. Bradford: "pasensya na, nagaalala lang ako kay Jeadis. Sige ako nang bahala"

Mr. Dowry: "good"

Allison's POV

Nagpasama kami ni Cliez kay Anwyll para puntahan ang butler ko, ngayon parang kahihiyan na lang ang nararamdaman ko dahil sa hindi ko pagtitiwala sa kanya.

Anwyll: "handa ka na ba?" tanung nito at tumango na lang ako sa kanya saka binuksan ang pintuan at pumasok kami. Duon ko na nakita ang butler ko na nakaupo.

Allison: "I just want to say sorry kasi hindi ako nagtiwala sa inyo. Mali yung ginawa ko hindi dapat-" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko at agad na nya akong niyakap

Butler: "okay ka lang ba? May ginawa ba sila sayo? Si Mr. Dowry? Hindi ka ba nya sinasaktan?" pagaalala nitong wika na ikinagulat ko

Allison: "o-okay lang po ako"

Butler: "mabuti naman"

Allison: "hindi po ba kayo galit saakin dahil sa hindi ako nakinig sa inyo?"

Butler: "parang anak na ang turing ko sayo kaya hindi ko magagawang magalit sayo. Isa pa pinangako kay Peter ang kaligtasan mo, kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling sinaktan ka ni Mr. Dowry ng wala ako sa tabi mo"

Allison: "Salamat po" mangiyak ngiyak kong wika

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyare habang wala sya sa tabi ko at kung anong ginawa ni Mr. Dowry sa kompanya.

Butler: "napakatuso talaga ni Mr. Dowry pati si Heryen ginamit nya"

Allison: "si Heryen?"

Butler: "oo yun ang tunay nyang pangalan, dahil ako ang nagpangalan sa kanya nun"

Allison: "po?" gulat kong wika

Nerd vs. The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon