Josiah's POV
Pinakalat na nga nina Kalen ang mga poster sa buong school para mahanap ang babaeng yun. Sino ka ba talaga? Hindi ako titigil hanggat hindi kita nahahanap.
Wika ko sa sarili ko at dumating naman ang teacher pero wala parin akong pakialam dito hanggang sa magsimula na ang klase.
Teacher: "miss Marcellus, bakit ka late?!"
Aislinn: "huh? Sir may emergency lang po"
Teacher: "sige maupo kana"
Hindi parin ako mapakale sa pagiisip kung sino ang babaeng yun. Kaya inaalala ko ang bawat salita na iniisip ko sa kanya hanggang sa maalala ko na hindi ko pa nadedelete ang messages naming kaya pwede ko pa syang itext. Mabilis kong kinuha ang phone ko at sa wakas nakita ko ang number nya.
Message:
"sino ka ba talaga?"
"bakit hindi ka sakin nagpakilala?"
"sino ka ba?"
"nagpakilala ako sayo! Pero hindi ka nagpakilala"
Messages ko sa kanya at derederetso lang ang pagtext ko nang bigla namang may tumunog ng phone sa loob ng classroom naming sunod sunod.
*toot, toot, toot, toot, toot* sunod sunod na tunog nito kaya napatingin naman kaming buong klase kung saan nangagaling ang tunog na iyon at napahinto rin ako sa pagmemessage kasabay nito ang paghinto ng tunog
Teacher: "miss Marcellus! Gusto mo bang iconmpensate ko ang phone mo?!" galit nitong wika kay Aislinn, na ngayon ay nakaupo sa hulihan
Aislinn: "huh? Ah eh, sir. A-alarm lang po, pasensya na po sir" pautal utal nitong wika at saka hinanaaan ang phone nya
Bumalik na ako sa pagmemessage sa babaeng hinahanap ko pero hindi parin ito nagrereply kaya minabuti ko ng tawagan ito. Ganon na lang ang pagtataka ko ng bigla nanamang tumunog ang cellphone ni Aislinn.
Teacher: "Miss Marcellus!" galit nitong sigaw.
Aislinn: "pasensya na po, pasensya na" wika nito at saka ko pinatay ang tawag ko sa cellphone at namatay din ang tunog sa cellphone ni Aislinn. Sa pagkakataon na ito hindi ko na tinanggal ang paningin ko kay Aislinn dahil sa pagtataka kung bakit tumutunog ang cellphone nya, muli kong tinawagan ang cellphone number ng babaeng ito at muling tumunog ang cellphone ni Aislinn. Pero ngayon nakatingin na ako sa kanya at napatingin narin sya saakin, napalunok sya habang takot na takot na nakakatitig saakin.
Teacher: "Miss Marcellus! Kung hindi mo kayang patigilin ang cellphone mo! Itapon mo na lang!" galit nitong wika kay Aislinn na halos hindi naman magkaintindihan si Aislinn dahil sa kaba at takot.
Aislinn: "amm, ah eh ma-maam. Pasensya na po, pero may emergency lang po" wika nito sabay kuha ng gamit nya at mabilis na tumakbo papalabas ng room
Teacher: "Miss Marcellus!" sigaw nito pero hindi na sya pinakinggan ni Aislinn. Unti unti saakin bumalik ang lahat na nangyare noon, ang sinasabing pagiging nerd ng babae, ang mga pagkikita naming na hindi matuloy tuloy. Palaging nandon si Aislinn, hindi kaya maaring si Aislinn ang-
Mabilis na akong tumakbo papalabas at sinundan si Aislinn.
Teacher: "Mr. Bradford!" sigaw nito pero hindi ko na pinansin at nagpalingalinga ako sa kaliwa at kanan ko.
Josiah: "nasan na ba ang babaeng yun?" wika ko at saka ako naglakad sa kanan ko naghanap hanap hanggang sa makita ko syang mabilis na naglalakad papalayo habang kinukuting ting ang cellphone nya. "Aislinn? Aislinn!" sigaw ko dito na agad naman sya napalingon
BINABASA MO ANG
Nerd vs. The Boss
Teen FictionIsang kwento ng bagong estudyante na papasok sa isang mayamang paaralan, scholarship lang din ang kanyang inaasahan para makatagal sa paaralang ito. Isa lang naman ang hinihiling nya ang makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap pa...