Aislinn's POV
Hindi ko na napigilan pa ang pagluha ko at bumuhos na ang lahat pagkaalis ni Josiah.
Aislinn: "bakit parang kasalanan ko huhuhuhuh" pagiiyak ko
Jeadis: "okay lang yan" wika nito sabay yakap saakin
Aislinn: "sinisigawan nya ako huhuhuhuhuhu"
Jeadis: "hayaan mo na ang kuya ssshshshhssh"
Josiah's POV
Dumeretso na ko sa tambayan at nandon rin ang iba pang member ng gang.
Luke: "boss okay ka lang?" tanong nito saakin pero hindi ko na ito pinansin at saka inihampas ng inahampas ang mga bangko sa lugar. Saka sinuntok ang isang pader para lang mailabas ang sakit at galit na nararamdaman ko. Bigla nalang namanhid ang kamay ko at hindi ko na namalayan ang pagtulo ng dugo rito.
Haze: "shit, kumuha kayo ng tela at yelo don!" sigaw nito sa ibang members na agad namang kumilos. Kumuha si Luke ng upuan at doon naman ako napaupo, pero hindi parin naalis ang galit saakin. Hindi ko maramdaman ang sakit ng kamay ko dahil ang naglalaro sa utak ko ang mga sinabi ni Aislinn at ang pagiging malapit nilang dalawa ni Anwyll, natatakot lang naman ako. Natatakot ako na baka piliin ni Aislinn si Anwyll kesa saakin, ano pa ba kasi ang kulang saakin? Ano pa bang mali? May nagawa ba ako na hindi dapat? Para magalit si Aislinn? Hindi ko maintindihan!
Luke: "boss gagamutin lang natin yung kamay mo" wika nito at dahan dahang ginamot ang kamay ko
Jeadis' POV
Dapat kasi masaya ang araw na ito, dapat okay lang pero bakit ganito ang nagyare? Halos hindi ko na mapatigil ang pagiiyak ni Aislinn, kaya minabuti ko na munang ihatid sa bahay nila si Aislinn para makapagpahinga saka umuwi ng bahay.
Hindi na ako mapakale sa loob ng bahay, hindi ko alam kung tatawagan ko ba dapat si kuya o kakamustahin si Aislinn. Ano ba kasi ang nangyare? Nakakainis na talaga.
Hindi pa naman nagtatagal ay dumating na si kuya na hanggang ngayon ay kitang kita parin ang galit sa kanya mukha.
Jeadis: "kuya alam mo ba yung ginawa mo kanina kay Aislinn?! Bakit mo ba sya pinagsalitaan ng ganon?! Sumisigaw ka pa! Alam mo ba na hindi ko mapatigil ng paiiyak si Aislinn kanina!" galit kong wika pero ng harapin nya ako mas lalo akong natakot sa kanya, napaatras na lang ako sa gulat at takot sa mga mata nya.
Josiah: "stay out of this Jeadis" mahina at galit nitong wika at sa takot hindi narin ako nakapagsalita pa. Nagbihis lang sya sabay kuha ng susi ng motor at umalis.
Halos hindi na ako makapagsalita ng bigla namang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Kalen.
Kalen: "hello?"
Jeadis: "he-hello?" pautal ko pang wika
Kalen: "ano bang nangyare? Bakit galit na galit si boss?" tanong nito saka lang ako nagising
Jeadis: "a-anong nangyare? Sinigawan ni kuya si Aislinn kanina! Paulit ulit na sinasabi yung patungkol kay Anwyll! Alam mo ba na hindi ko mapatigil sa pagiiyak si Aislinn kanina!"
Kalen: "shit! Mas malala kay boss!"
Jeadis: "bakit?"
Kalen: "pinatawag nya lahat ng members ng gang at hinahamon nya si Anwyll!"
Jeadis: "what?!" gulat kong wika
Kalen: "sige kaylangan ko ng pumunta para umawat kung saka sakali alam mo namang mahirap awatin si boss"
BINABASA MO ANG
Nerd vs. The Boss
Teen FictionIsang kwento ng bagong estudyante na papasok sa isang mayamang paaralan, scholarship lang din ang kanyang inaasahan para makatagal sa paaralang ito. Isa lang naman ang hinihiling nya ang makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap pa...