Chapter 33

2 0 0
                                    

Ellisia's POV

Napakaarte naman ng babaeng ito, mukha namang hindi ganun kagandahan. Hindi na lang ako nakaangal kay dad, kung wala lang talaga dito ang daddy naku naku pagbubuhulin ko talaga nung butler nyang sobra ang kayabangan.

Buong araw naming sinamahan ng daddy ito para magayos ng plano ng birthday party nya, at sobrang dami pa talaga naming places na pinuntahan bago pa sya magdesisyon kung san ba talaga nakakainis. Hindi na talaga ako pinatigil ng inis ko hanggang sa makauwi kami ng daddy.

Mr. Dowry: "Ellisia, ikaw na lang ang sasama kay Maddi bukas dahil may mahalaga akong meeting"

Ellisia: "what? Wala nga akong balak samahan ulit ang babaeng yun. Napakaarte nya, lahat na lang suggestions ko ayaw nya. Papaano ko ba sya naging pinsan? Nakakainis!"

Mr. Dowry: "don't worry Ellisia, konti na lang at mawawala din ang pinsang mong yun. Konting tiis na lang"

Ellisia: "ano pa nga ba" wika ko at dumeretso na lang ako sa kwarto at saka tinawagan si Josiah para naman gumaan ang loob ko.

Ellisia: "hi babe" matamlay kong wika

Josiah: "oh okay ka lang? Parang matamlay ka ata" pagaalala pa nito

Ellisia: "guess what? Sinamahan ko yung pinsan ko ngayong araw at talaga namang nakakairita sya. Nagplaplano kami for her birthday at lahat ng suggestions ko nerereject nya! Nakakainis, tapos kelangan ko pa syang samahan bukas grabe"

Josiah: "gusto mo bang samahan kita bukas? Para naman gumaan gaan ang loob mo"

Ellisia: "talaga sasamahan mo ako? Sige babe Salamat talaga nandyan ka. Love you"

Josiah: "sige na magpahinga kana at dadaanan na lang kita bukas"

Allison's POV

Nauna na kami ng butler ko na pumunta sa location para simulan na ang pagaayos para sa party. Sigurado ako nanggagalaiti na ng sobra sobra si Ellisia at hindi na rin nya gusgustuhin pa na makasama nya ako. Maagap naman tumawag si Mr. Dowry para magpaalam na hindi sya makakasama. Mabuti na rin ito para iwas kaba at tension. Nagaayos lang kami ng butler ko ng bigla namang hindi ko inaasahang dumating si Ellisia,

Ellisia: "hi cous!" pagbati pa nito sabay beso pero ngayon hindi na nya kasama ang kaibigan nya. Pano pa kaya napipigilan ng babaeng ito ang pagkairita saakin.

Ellisia: "Cous, ipapakilala ko sayo ngayon ang boyfriend ko. Kasama ko sya ngayo, nagpapark lang sya dun sa labas. By the way sya rin yung magiging escort ko" masaya nitong wika na napaatras na lang wheelchair ko sa gulat at kaba. Hindi ko alam pero sobra akong kinabahan sa sinabi nyang nandito si ang boyfriend nya, nandito si Josiah? Agad naman akong sumilip sa may labas at agad ko ngang natanaw si Josiah na lumabas sa kotse nakakapark lang.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bigla na lang bumagal ang oras para saakin. Dahan dahan ang paggalaw nya ramdam ko ang hangin sa paligid, dinig ko din ang pagkabog ng dibdib ko na parang sasabog. Hindi ko alam kung bakit ang saya saya ko na nakinakabahan na parang nasasaktan. Nagsama saman na ang lahat ng nararamdaman ko at para na akong nabingi at sandalling nawala sa mundo. Nang bigla namang may tumapik sa balikat ko.

Butler: "Miss Moonrae" wika nito sabay tingin kay Ellisia

Ellisia: "cous, im asking you if kelangan ba talagang masquerade ang party sayang naman sa makeup hindi masyadong maipapakita diba?"

Allison: "huh, ah-eh" mahina kong pautal utal ng hawakan ako ng butler sa balikat at sya na ang sumagot sa tinatanong ni Ellisia

Butler: "yun ang matagal na request ni Miss Moonrae, marami na kasi syang napapanuod na masquerade party kaya sobra nya yung nagustuhan"

Nerd vs. The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon