Chapter 43

1 0 0
                                    

Allison's POV

Nagtanghali na at hindi padin kami natatapos sa paglilinis ng kompanya pero napagpasyahan na muna naming tumigil sandali para magpahinga at kumain na rin. Nang pagbaba namin ay bigla na din kaming dinagsa ng mga press at saakin agad ang deretso nila.

Reporter: "Miss Moonrae, ano po bang dahilan sa biglaan ninyong pagtanggal sa mga tauhan ng kompanya? Napakarami nang lumalabas at ang iba pa ay kinakaladkad papalabas ng kompanya"

Allison: "ginagawa ko lang ang alam kong tama" sagot ko dito at sumenyas naman ang butler para paalisin na ang mga reporter sa daan namin at makasakay na din kami sa kotse.

Napakarami pa naming tinanggal sa kompanya, maliliit man ang posisyon hanggang sa mapataas wala na kaming pinalagpas. At nakakapagod talaga ang maghapong ito.

Kinabukasan.

Hindi ko na kinaylangan pang sumama sa butler papunta sa kompanya. Ilang papeles lang ang pinirmahan ko at tumuloy na lang ako sa school at ngayon wala na din akong kasamang guards sa loob ng school. Sa pagpasok ko palang ay sinalubong na ako ni Cliez.

Cliez: "girl grabe yung ginawa mo kahapon, historical na" bungad nito saakin

Allison: "what do you mean?" pagtataka ko at saka naman nya nilabas ang isang article mula sa kanyang cellphone

Article: "Isang pinakamayaman ng kompanya libong empleyado ang tinanggal sa loob lang ng isang araw.

3046 employees have been fired from Moonrae company just in one day by the owner and heiress of the company Allison Moonrae"

Cliez: "grabe kaya pala hindi ka nakapasok kahapon-" hindi na nito natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang may bumato saaking ulo ng isang itlog na agad na kumalat naman sa ulo ko.

Allison: "ouch"

Student 1: "para yan sa daddy ko na tinanggal mo!" galit nitong sigaw saakin sa hindi kalayuan.

Student 2: "eto naman para sa papa ko!" galit nitong wika at bato pa saakin ng isang itlog at agad na kaming napalibutan ng mga estudyante

Cliez: "tumigil na nga kayo! Kung natanggal man yung mga ama nyo, bakit hindi nyo itanong mismo sa kanila kung bakit sila natanggal?" galit nitong pagtatanggol saakin

Student 3: "e kasi naman yung isang tao dyan, nagkaroon lang ng pera at kapangyarihan akala mo kung sino na! Anong karapatan nyang tanggalin ang kapatid ko?! Dapat lang yan sa kanya!" galit nitong wika sabay bato pa saakin.

Josiah's POV

Papasok nasana ako sa room ng mapansin ko ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante sa may bukana ng school. Kaya nakitingin na lang din ako.

Nakita ko na lang si Allison sa hindi kalayuan at sumisigaw naman ang ilang estudyante sa kanila. Ano bang nangyayare?

Student 4: "dapat kasi sayo hindi ka na lang dumating! Nawalan ng trabaho ang mama ko!" galit nitong wika sabay hagis ng bato kay Allison. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na pigilan sila, isang hakbang pa lang nang bigla na lang may humihit sa t-shirt ko mula sa likuran.

Ellisia: "Josiah pwede ba kitang makausap?" pakiusap nito

Josiah: "pero-"

Ellisia: "please" aangal sana ako, dahil sa hindi ko maintindihan na para bang hinihila ang mga paa ko na tulungan at umawat sa nangyayare kay Allison. Pero papaano ko hihindiaan si Ellisia? Sya ang girlfriend ko.

Nerd vs. The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon