Chapter 53

1 0 0
                                    

Jeadis' POV

Bigla na lang nawala lahat ng galit at tampo kay Allison ng pumunta sya sa room ko para magsorry. Pinaniniwalaan nya na ako, at tinanggap nya na ako bilang kapatid, nangibabaw ang saya ko ngayon kesa sa galit ko sa kanya. Nagshopping muna kami tulad ng dati bago kami tumungo sa mansion ng mga Moonrae.

Jeadis: "grabe mas malaki pa ito sa inaasahan ko" paghanga kong wika ng pumasok sa Mansion.

Butler: "Miss Allison" pagsalubong nito saamin at sa hindi ko maintindihan ay may kakaibang tingin ito saakin

Allison: "Amm si Jeadis kasama ko, ililibot ko lang sya dito sa mansion" masaya nitong wika

Butler: "sige po Miss Allison, Miss Jeadis. Magpapahanda na lang din ako ng makakain nyo"

Allison: "sige Salamat" wika nito at saka agad ako dinala sa ibat ibang pasilyo ng mansion

Jeadis: "medyo weird yong butler mo"

Allison: "ah palagi kasing seryuso yun, pero wag mo na lang pansinin. By the way dito yung malaking painting ng papa" wika nito at saka kami ang pumunta sa isang silid kung saan nakalagay ang painting ni Mr. Peter, ng dalawang sanggol at ng isang magandang babae

Jeadis: "napakaganda naman nya"

Allison: "sya ang mama ko, painting lang meron kaming pamilya na kasama sya kasi namatay sya pagkapanganak saming dalawa. Ito nga pala yung twin sister ko si Maddison, sister mo din sya"

Jeadis: "siguro kung nabubuhay sya ngayon masayang masaya siguro tayo"

Allison: "oo sana nga, pero may tao kasing mapaghangad ng kayamanan at pinapatay sila ng papa" seryuso nitong wika

Jeadis: "si Mr. Dowry?"

Allison: "hindi ko alam, hindi ko na alam" malungkot nitong sambit

Jeadis: "wag kang magalala, dahil nandito na ako aalamin natin kung sino ang pumatay sa pamilya mo"

Allison: "pamilya natin"

Jeadis: "pamilya natin!"

Allison: "Salamat" wika nito at ngiti lang ang isinagot ko sa kanya

Jeadis: "sya ba ang papa, alam ko na kung saan ako nagmana ng kagandahan hahahahaha"

Pagkatapos naming lumibot sa ilang pasilyo ay kumain na din kami ng dinner na inihanda ng butler.

Allison: "movie marathon kaya tayo ngayon, dito ka na lang matulog"

Jeadis: "huh? Sige papaalam ko lang kay daddy"

Allison: "sige sige, mamimili lang ako ng movie sa kwarto"

Jeadis: "sige tawagin ko na lang ang daddy" wika ko at saka excited na tumakbo pa itaas si Allison at ako naman lumabas lang ng konti para tawagan ang daddy.

Jeadis: "yes daddy, ako nang bahala. Uuwi din naman ako bukas. Thank you, dad bye" masaya kong wika matapos akong payagan ng daddy at saka ibinaba ang telepono laking gulat ko na lang na pagharap ko ay butler agad ang bumungad saakin

Jeadis: "ay putik!" pagkagulat kong wika "kanina pa po ba kayo dyan?" tanung ko pero mukhang ewan talaga sya kasi subrang seryuso ng mukha nya pero parang may mali naman sa mga mata nya na hindi na halos kumisap sa pagkakatitig saakin.

Jeadis: "may dumi po ba ako sa mukha?" magalang kong wika

Butler: "gusto mo ba talagang maging isang Moonrae?" malamlam nitong tanung saakin

Nerd vs. The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon