41

5.9K 89 6
                                    

Ilang buwan ang nagdaan mula ng mamatay si Vera pero hindi ko pa rin natatanggap. Nanatili ako sa bahay ni mama at nakatulala lang sa kwarto. Practically jobless.

It's like my life stopped revolving after Vera's death. It was wrong and I know she wouldn't like this but I just didn't feel like moving forward. Pumikit ako at sinandal ang ulo ko sa headboard. Tinanggihan ko na ang kompanya sa Maynila. I just didn't feel like working anymore.

Nag-angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Ngumiti si mama sa akin at lumapit. Mahina niyang hinaplos ang buhok ko na para bang inaalo ako.

"When are you going back to work anak? Not that I don't like seeing you here but I know the reason why you're not doing anything at all... Anak, Vera won't like this." I nodded my head a little.

"I understand mama. I'm just mourning... Sabi nila mababawasan yung sakit kapag nagluksa ka na... Pero bakit mas lalo lang sumasakit sa mga nagdaang araw mama?" nanginig ang boses ko.

I just didn't lose a friend. I lost a family. I treated Vera as my family. Dahan dahang lumapit sa akin si mama at niyakap ako.

I decided to visit Vera's tomb again. I needed to visit it so I could finally accept things and move forward in life. Tatawagan ko nalang si Ken. Baka pwede na doon muna ako sa kompanya nila magtrabaho.

Dala dala ko ang paborito niyang bulaklak, patuloy lang ako sa paglalakad pero natigilan ako nang makita ang isang pamilyar na pigura ng babae. She had short hair this time. She was wearing a black suit.

"H-Hera..." I whispered.

Napalingon siya sa akin. Mukhang nagulat siya sa biglang pagdating ko. Nagulat din naman ako. Hindi ko inaasahan na uuwi siya ng Pilipinas. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito sa puntod ni Vera.

Sino bang nagsabi sa kanya na patay na si Vera? Si Archer ba? Bakit siya pumunta rito? Dahil ba naaawa siya kay Vera? Nakokonsensya? O di kaya ay trinatrato niya pa itong kaibigan?

Nagbuntong hininga ako at dahan dahang lumapit sa libingan ni Vera. I carefully put my flowers and bowed my head as I whispered my I love you to her.

"Long time to see." hindi ko alam kung ako lang pero may kaba sa kanyang tono.

"Yes... long time to see." mapait kong sabi.

"This wasn't the reunion that I imagined." peke itong tumawa.

Of course this wasn't. I thought we would be able to forgive each other and be friends again. Gaya ng pagkakaibigan namin noon pero nagkakamali ako.

Siguro ganon talaga. Pag may nasira ng relasyon, hindi ka na dapat aasa na maaayos pa. May ganon talaga siguro. Yung may hangganan lang.

"I expected a good dinner as our reunion but look at where we are? In a reunion but in our friend's tomb." napayuko ako kasi masakit iyon isipin.

Napatawad kaya ni Vera si Hera bago siya namatay? Kahit na hindi kami binigyan ng rason ni Hera kung bakit siya lumayo, inakala na lang namin na dahil iyon sa paghihiwalay namin ni Archer.

"A-Ang dami kong pagsisisi." nabasag ang boses niya.

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. "A-Akala mo ikaw lang Hera? I was too blinded. I was busy chasing your cousin that I didn't notice Vera was slowly dying..."

Maybe this is one of the reasons on why I couldn't move on. I'm guilty. Kasi baka mas mahaba pa ang buhay ni Vera kung nalaman ko agad iyon. I could have stayed by her side and forget Archer.

She was with me at my worst and I'm too guilty, I'm too sad that I couldn't do the same. Kasi masyado ako naging bulag sa pagmamahal ko kay Archer.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko Lair... Alam ko na may kasalanan ako. Nang tinawagan ako ni Archer na patay na si Vera, hindi ako makapaniwala. Kasi bakit siya namatay? Paano ka na lang? Paano na ang mga magulang niya?" I bit my lower lip and pinched my fingers.

All I Want (UNDER HEAVY EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon