Chapter 16: Pagbubunyag

1K 56 18
                                    

CHAPTER 16

PAGBUBUNYAG

 

 

Iwata, Makiyas

 

 

 

Matigas ang anyo ni Su-ama nang pakiharapan ang mga panauhing nagpumilit pumanhik sa kanyang pamamahay.  Naroon din sa mahabang dulang ang dalawa pa sa apat na asawa ni Sumandig.

"Ang lakas ng loob ninyong pumasok dito sa Iwata, mga ginoo," malamig na wika ng unang asawa ng datu.

"Kailangan ko pa bang magpaalam sa asawa mo sa tuwing magagawi ako rito sa Iwata, Su-ama?  Ang alam ko'y sakop pa ito ng Makiyas?"  Nang-aasar ang tanong ni Kuntan at matamang tinitigan ang nakatatandang babae.   Napairap sa kanya ang maybahay.

"Nasaan si Sumandig?"  Tanong ni Alab.  Nagkatinginan ang kababaihan at nagtawanan.

"Kahit pa alam nami'y hindi namin ibubunyag sa inyo ang kinaroroonan niya," asik ni Supila sa kanya.  "Hindi ba kayo nag-iisip?  Bakit naman naming ipapahamak ang aming asawa't pinuno?"

"Oo nga naman, Kuntan," wari'y pabiro pang tapik ni Alab sa dibdib ng pinsan.  "Bakit pa natin sila tinatanong nang ganito?  Alam naman nating wala silang sasabihin sa atin, hindi ba?"

"Valis," pasigaw na wika ng tagapagmana sa labas ng bahay.  "Ipasok niyo ang mga bihag."  Napalinga sa pintuan ang mga babae at gulilat na napatayo nang makita ang kani-kanilang mga anak, kaladkad ng mga kawal nina Kuntan papasok ng bahay.  May mga punyal na nakatuon sa leeg ng bawat batang tumatangis at nagsusumamo sa kani-kanilang ina.

"Huwag po, Lakan!"  Napaluhod ang pangatlong asawa ni Sumandig sa harap ng mga binata.  Akmang lalapit sa mga bata si Biguen nang magsigawan ang mga paslit sabay turo sa dalawang naglalakihang Alamid.  Takot na napaatras ang mga babaeng kanina lang ay kay tigas ng mga anyo.  Nagpalit-anyo ang mga binata, bagay na hindi pa nila nakikita sa tanang buhay nila.  "Mahabaging Bathala... totoo ang alamat!"

"Huwag ninyo kaming galitin, Bae," Mala-hayop ngayon ang boses ni Alab.  Kitang-kita ng kanyang dilaw na mga mata ang pamumutla ng mga kaharap sa kanilang pagbabagong anyo.

"Huwag ninyong idamay ang mga bata," nanginginig ang boses ni Su-ama habang pinipigilan niya ang pag-iyak.  "Pakiusap, mga ginoo."  Ang mayabang nitong mukha'y napalitan na ngayon ng matinding takot para sa mga bata.

"Alam niyo na ang pakay namin sa inyo, Bae.  Makabubuti para sa lahat kung hindi na kayo magtitigas-tigasan pa,"  ani Kuntan.

"Malalaman ko," inilapit ni Alab ang kanyang mukha Kay Su-ama, labas ang mga pangil, "kapag nagsisinungaling ka."  Napapikit ng bahagya si Su-ama bago pa man tumango.  "Nasaan si Sumandig?"

"Hindi namin alam!"  Napasigaw si Supila.  Nagdilim ang anyo ni Kuntan at walang pasintabing sinunggaban sa leeg ang anak ni Supila.  Napatili ang bata bago nawalan ng malay.

"Mapapaaga ang paglalakbay ng mga batang ito sa Ilog ng Kabilang Buhay kapag nagkamali pa kayo," Babala ng tagapagmana.  Napahagulhol sa sahig si Supila, sapo ang kanyang nakahandusay na anak.

"Nasaan si Sumandig!"  Sa lakas ng boses ni Alab ay napapitlag ang mga kababaihan at nagsigawan ang mga batang hawak ng mga kawal.  Maging sina Valis ay napalunok sa nasaksihang galit ng isang Alamid.

"Tama na Alab," pagsusumamo ni Su-ama.  "Sasabihin ko na ang aking nalalaman."

"Inuutusan niyang dumalaw rito si Kubilus paminsan-minsan," simula ng babae.  "Para magkasagap ng balita tungkol sa inyo at makapagmanman sa inyong mga kinikilos."

ALABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon