ZION'S P.O.V
Matapos nang nangyari kanina na palabasin kami sa room at sa library dahil sa kaingayan ng babaeng yun...
Narealize ko na ang sarap pala nyang asarin. Na ang saya ko sa tuwing nakikita ko sya..
What the hell??? No no no hindi ko sinabi yun. Hindi ako masaya sa tuwing nakikita ko sya. Naiinis ako sa kanya.
Nang biglang pumasok si Pula sa Kwarto ko....
"Oh Zi, ngingiti ngiti ka dyan mag-isa? Nasisiraan kana ba ng ulo?? Hahaha" Sabi sakin ni Dared
"Fvck you, pula" ganan ako ka sweet sa kanila. Hehe
"Seriously Zi, bakit ka nga nakangiti? May nangyari bang maganda huh?" Tanong ni Dared sakin.
"Wala naman, napalabas lang naman sa room at sa library. Hahahaha" sabi ko kay Dared habang tawa ng tawa.
"Whaaaaaaaaaat?? Napalabas ka? For the first time dude! Pano nangyari yon? Haha" sigaw ni Dared dahil sa pagkagulat at natatawa tawa ng marealize nya ang nangyare.
"O yeah! First time ko nga at take note dahil sa isang babaeng maingay na lagi na lang ang init ng ulo sakin." Sabi ko sa kanya habang inaalala ko kung pano manigaw yung babaeng yun.
"Whaaaaaaaaaaaaat? Hahaha dude nakahanap ka na ng katapat mo. Maganda ba sya?" Sabi ni pula.
"Isa pang sigaw mo dugo yang nguso mo sakin. Nakakarindi ka alam mo ba yun!!" Pananakot ko kay pula.
"Chill dude hindi na ko sisigaw haha. Pero maganda ba yung babae?" Ani Dared.
"Oo maganda sya. Mukhang anghel---" hindi nya ako pinatapos sa sasabihin dahil nagsalita agad sya..
"Langya dude! Tinamaan kana nga! Hahahah."
Eto talaga matataamaan na sakin e gagung to.
"Pwede ba, shut up your mouth! Hindi pa ko tapos magsalita!" Sigaw ko sa kanya. Hayop e.
"Okay, okay he-hehe ano pa bang sasabihin mo?"
"Mukhang anghel nga sya langhiya naman ang ugali. Napaka amazona, bungangera, sadista in short parang hindi babae."
Pero kahit ganun ang cute nya pa rin para bang pagnakikita ko sya nawawala ang bad vibes ko. Napapalitan ng good mood. At yung pakiramdam na ayaw ko syang mapapahamak. Kahit na sabihin kong matapang sya pero babae pa din sya. Gusto ko syang protektahan.
"Huyyy! Tulala ka na naman dyan!" Sabi ni Dared kaya naman bigla akong natauhan.
"Ha?? May sinasabi ka ba?" Tanong ko kay Dared
"Sabi ko anong pangalan nung babaeng tinutukoy mo. Naku naku tinamaan kana nga ng tuluyan sa kanya." Sabi ni Dared
"Aba malay ko! Hindi ko alam name nya. Umalis ka nga dito sa kwarto ko!" Yun lang ang naisagot ko sa kanya.
At umalis naman sya.
Siguro nga tinamaan ako sa kanya kase kakaiba sya sa lahat ng babae dito sa school. Sya lang yung bukod tanging kinalaban ako. At hindi nagpapatalo. Pero hindi ko muna sasabihin sa iba ang tungkol dito dahil baka biglang mailang sakin yun pag nalaman nyang gusto ko sya. Aasarin ko muna sya para naman makalapit ako sa kanya. Haha.
BINABASA MO ANG
Royal Series #1: Zach Zion Gomez
RomanceNo matter where you may go, whatever past you may have, always remember that there is only one you inside my heart and I will love you till the very end. Meet Precious Steffi Legaspi, simple, maganda, mabait pero wag lang babadtrip-in dahil nagi...