Chapter 12

65 11 5
                                    

"You."

Matapos nyang sabihin ang tatlong letra na yon ay literal na naibuga ko ang iniinom kong drinks. Yeah LITERAL talaga. Muntik ko na syang mabugahan kundi lang sya umilag.

"Hey! Manners naman lil'sis. Kamuntikan mo ng bugahan si Zi."

"Pagsabihan mo yang kaibigan mo kuya, nakadrugs ata yan e." Walang gana kong sagot sabay inom ng drinks ko. Bwisit guguluhin pa isip ko, di naman ako assumera no, medyo lang. Mamaya mapahiya pa ko. -_-

"Mukhang tense ka Stef ah!" Singit naman ni Kate.

"Oo nga ate Stef, look yung kay Zi ang ininom mo sa halip na yung iyo. Is there something bothering you?" Sabat ni Krys.

"Uhh, n-nothing. " Naramdaman ko na lang na may humawak ng kamay ko at hindi ko na kailangan pang tumingin, si Zach. Pero teka kanina lang nasa tapat ko sya ah? Wierd. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ko pero may limit kase kasama namin si kuya.

"Guys, I have something to tell you, especially sayo kambal." Nakuha naman neto ang atensyon ko.

"I'm leaving."

"What? But why kuya? Iiwan mo din ba ako?" Malungkot na saad ko sa kuya ko, eto na naman tayo, nagiging emosyonal na naman ako. Ang ayoko sa lahat yung may umaalis, na-trauma na ko kay Rei.

"Lil'sis don't be sad, aalis ako dahil kailangan ako ni papa, babalik din ako di kita iiwan." Dahil sa sinabi ni kuya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Naramdaman ko ding nakatingin lang sila at nanonood sa kadramahan ko.

"And beside, nandyan naman si Zi para bantayan ka, right Zi?" Muntik na kong mabilaukan sa sinabi ni kuya. What the hell? Si Zach? Babantayan ako? Ano ako bata?

"Are you alright baby girl? Dahan dahan naman kase sa pagkain, para kang hindi babae kung kumain e!" Bulyaw sakin ni kuya.

"E kung inaayos mo kaya yang pinagsasasabi mo? Ako? Babantayan? Di na ko bata kuya, I can manage my self, ALONE."

"Here we go again, the bitch Stef." Sabat ni Kate.

"No, Stef. Babantayan ka ni Zi, no matter what, and that's final." Walang gatol na sabi ni kuya.

"Whatever."

"Pwede bang ako na lang ang magbantay kay Stef, Nate? Hahahahaha" Dared.

"Hell no!" Sagot ni Zach na mahiya mong sya ang tinatanong.

"Pfffft. Sorry bro, ayaw ni leader e." Kuya Ethan

"Kelan ba ang alis mo Nate?" Tanong ni Zach kay kuya, na halata namang naghihintay kaming lahat ng sagot nya.

"Before the end of this semester." Casual na sagot ni kuya kay Zach.

"Okay." Natahimik ang grupo namin dahil na din siguro sa binalita ni kuya samin, at si Kate pansin kong malungkot sya, from the start alam ko ng may gusto siya kay kuya, kaya alam kong mahirap sa kanya ang pag-alis ni kuya.

"Hey! Nandito tayo para mag-saya, hindi semana santa ngayon para maging ganyan ang mga mukha nyo! Hahahah" Pagpapagaan ni Kuya sa atmosphere na bumabalot saming lahat.

After non ay naging masaya na ulit at sobrang nag-iiingay ang mga kasama namin, at etong katabi ko hanggang ngayon nakahawak pa din sa kamay ko, pilit kong inaalis pero lalo lang nyang hinihigpitan, kaya ako din ang sumuko at hinayaan na lang sya sa kung anong gusto nya. Dahil walang pasok bukas ay nag-saya at nag-party kami. Tipsy na din kaming mga babae at etong mga lalaki naman e parang wala lang sa kanila pero patuloy pa rin kami sa pag-iinom at wala kaming paki alam kung maglupasay na kami dito besides kasama naman namin sila. Hanggang sa hindi ko na kayanin at napasandal na ko kay Zach, and somehow I feel comfortable with him. At tuluyan ng nilamon ng dilim ang paningin ko.

Royal Series #1: Zach Zion GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon