Nate's P.O.V
Lumabas ako ng bahay, tatawagan ko sana si Zi nang biglang nakita ko si Stef na nakatulala sa kawalan.
Kaya naman ginulat ko siya.
Ayun, mahiya mong aatakihin sa puso sa gulat.
Tinanong ko naman sya kung bakit tulala pero ini-snob nya lang ako. Tsk tsk.
Ano kayang nangyari dun.
Nang hindi niya ako pansinin ay naalala kong lumabas nga pala ako para tawagan si Zi, kaya naman dinial ko na ang number ni Zi at pinapunta sya dito sa bahay.
After five minutes ay naandito na agad siya sa bahay. Grabe talaga tong ungas na to, daig pa ang racer sa bilis magpatakbo ng motor.
Pagkababa nya ng motor ay dumeretso na kami sa loob ng bahay, pagbalik ko sa salas ay nagugulang nagtatanong ito sa akin.
"Bakit mo nga pala ko pinapunta dito? Ano bang pag-uusapan natin?"
"May gusto lang akong klaruhin sa asal mo nung huling beses na nagpunta kayo dito sa bahay." Casual na sagot ko sa kanya. At makikita mo sa mukha nya na naguguluhan sya.
"Ang alin?" Maigsi nyang sagot.
"Ang pagdabog mo ng beer tapos ang aga mo umuwi. Di ka naman ganan dati e. Alam ko may kinalaman yan sa kwento ni Pula, apektado ka ba? Matagal mo na bang kilala ang kambal ko?" Deretsahan sagot at tanong ko naman.
"Easy. Yes. Matagal ko ng kakilala si Stef at hindi ko akalain na kambal mo pala sya." Seryosong sagot no Zi.
"Pano kayo nagkakilala?" Man to man talk na to. Tutal bestfriend ko naman sya e.
"Tanda mo pa ba nung may naka bangga ako then pag dating ko sa practice room e badtrip ako?" Tanong nya sakin. Alala ko na galit na galit si Zi sa babaeng yun. Tsk tsk.
"Yes. So, ano namang kinalaman nun?" Balik tanong ko sa kanya.
"Si Stef yun." Zi
"Oh I see. Sige kwento ka pa makikinig ako." Sagot ko sa kanya pero ang totoo nyan nagulat talaga ako. At first nagdadalawang isip pa sya kung ikukwento ba nya or what pero sa huli ikinuwento din nya. Pero natatawa talaga ako na ang kambal ko pa talaga ang kumalaban sa ungas na to. After nyang magkwento may tinanong ako sa kanya.
"Tell me, gusto mo ba ang kambal ko?" Kaya naman napatigil sya sa pag inom nya ng beer. Mukhang nabigla sya sa tanong ko. At hindi maipagkakailang tama ang kutob ko. Sobrang kilala ko si Zi kaya naman madali kong nahulaan kung ano ang totoo.
"You don't need to answer my question, I guess I already know it." Lalo naman syang naguluhan sa sinabi ko. "Aalis ako soon." Seryosong sabi ko sa kanya.
"So?" Pabalang nyang sagot sakin. Siraulo to ah.
"Siraulong to. Sige di bale na lang. Baka kay Pula ko na lang pabantayan ang kambal ko." Sagot ko sa kanya sabay ngisi. Halata kong nagulat sya sa sinabi ko at the same time nainis din hahaha. Sobrang kunot ng noo nya e.
"What the! NO! Ako ang magbabantay kay Precious." Walang alinlangan nyang sagot. Hahaha walanjo, lakas tama talaga netong si Zi kay Stef a. At teka anong tinawag nya? Precious? Pffft.
"Anong tawag mo sa kanya? Precious? Hahahaha. Kung narinig ni Stef yang tawag mo sa kanya paniguradong bugbog sarado ka dun, hahahaha."
"Anong meron? E pangalan naman nya yun diba?" Lokong to. Hahaha mukhang wala pa syang alam sa ugali ni Stef.
BINABASA MO ANG
Royal Series #1: Zach Zion Gomez
RomanceNo matter where you may go, whatever past you may have, always remember that there is only one you inside my heart and I will love you till the very end. Meet Precious Steffi Legaspi, simple, maganda, mabait pero wag lang babadtrip-in dahil nagi...