Zion's POV
Andito kami sa bar ngayon nina kulog, and as usual tutugtog na naman ang banda namin. Kaya nakaisip ako ng paraan para kantahan sya. Sinabi ko ang katagang 'I hope you like it.' At ang pag ngiti ko sa kanya matapos kong sambitin ang I'm yours. Masaya ako dahil sya yung babaeng tinitibok ng puso ko. At masaya rin ako dahil approve sa barkadahan namin ang pagiging lovers namin ni Precious although hindi pa sya official, gagawin ko ang lahat para maging official na kami at ng hindi na sya makawala sakin.
Humingi ng pabor sakin si Nate na iuwi ko si Stef sa bahay nila dahil iuuwi nya si Kate. Pagkadating ko sa kanilang bahay ay ibinaba ko na si Stef sa kama nya dahil nakatulog na ito. Pinagmasdan ko sya at napakaganda nya mukha syang anghel kapag natutulog. Paalis na sana ako ng biglang tumawag si Nate para pabantayan sakin ang kakambal nya. Wala naman yung kaso sakin infact pabor pa nga ito dahil makakasama ko ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. At hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ang diwa ko ng biglang may sumipa sakin lintek lang sakit dahil hindi ko inaasahan ang mangyayari. Nang pagtayo ko ay mukha syang nakakita ng multo hindi sya kumikilos kaya naman iniipod ko sya at nahiga ulit, ngunit hindi ko na naman inaasahang hahampasin nya ako ng unan sa ulo. Sobra ng sumasakit ang eardrums ko sa kakasigaw ng babaeng kasama ko dito at sinabihan pa ko ng "magnanakaw, manyak, unggoy at oranggutan" kaya naman binalaan ko sya na pag sumigaw pa sya ay hahalikan ko. Pero mukhang hindi nya sineseryoso ang babala ko kaya naman hinalikan ko sya. At sinabing iyon ang kanyang punishment sa tuwing sisigawan nya ako. Dahil siguro ay natatakot sya mahalikan ulit ay nag nod na lang sya. Sa isip isip ko ay natatawa ako dahil napaamo ko ang isang tigre. Haha. At namumula sya hahaha. Ang lakas siguro ng epekto ko sa kanya. Well, sino ba namang hindi e gwapo tong kasama nya. Lalo akong natawa ng maging defensive sya sa pagsagot kaya, hindi ko na pinahaba pa at tinanong sya kung nagugutom na ba sya, sasagot na sana sya ng biglang tumunog ang tyan nya senyales na "oo" ang sagot nya. Kaya naman pinag ayos ko na sya para makapag handa na din ako ng makakain.
Nagluluto ako ngayon ng bigla kong maramdaman na may nakatingin sa akin at pag harap ko ay si Stef na mukhang nag iimagine. 'Hey, you're drooling at me. Hahaha' at sinagot naman nya ako ng pasigaw dahil nga iyon ang consequence sa tuwing sisigawan nya ako ay alam na nya ang mangyayari tatakas pa sana sya ng mabilis ko syang na corner at hinalikan. 'I told you not to yell at me. But you did it again. Or you just want to feel my lips huh?' Gamit ang medyo napapaos kong boses. Ngunit di ko inaasahang sisigaw na naman sya kaya akmang hahalikan ko ulit sya ng bigla nya akong pinatigil at kumaripas ng takbo. Para kaming mga bata pero nakaka enjoy naman hanggang sa mapagod na kami at nagutom kaya naman kumain blna kami at pagkatapos noon ay napagpasyahan naming manood ng t.v ng bigla namang tumawag si Nate.
Pagkatapos kong makausap si Nate ay bigla na lamang sumakit ang ulo ni Stef kaya naman tinanong ko sya at sinabing tatawagan ko ang kuya nya. Hindi sya pumayag kaya naman gumawa ako ng paraan para kahot papaaano ay mawala ang sakit ng ulp nya. Hinilot ko ang ulo nya hanggang sa nakatulog ulit sya.
Lumipas ang mga araw at mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa pinagtitinginan kami ng ibang estudyante pero wala akong pakialam dahil buhay ko to at gagawin ko kung anong gusto ko.
Nagpapractice kami ngayon para sa tutugtugin namin mamaya sa G.U night dahil end of semester na din. Nagpapahinga ako ng bigla akong lapitan ni Nate at ipinapahanap si Stef sakin hindi ko sana sya papakinggan ng bigla nyang tawagin si pula kaya naman napatuwid ako ng tayo at dumiretso sa labas para hanapin sya. At hindi ako nagkamali ng pinuntahan ko dahil nasa garden lang sya at tila nag iisip.
Eto na ang pinaka aabangan ng lahat ang dahil mag uumpisa na ang party kung saan walang iniintindi ang mga estudyante na anumang academics. Nang simulan ko na ang intro ay biglang tumahimik at ng matapos na namin ay sumigaw na naman ng 'one more' hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at tinawag ko si Stef para mag duet kami. Hindi naman ako nabigo dahil pinagtulakan sya ng mga kaibigan nya papuntang stage haha.
BINABASA MO ANG
Royal Series #1: Zach Zion Gomez
RomanceNo matter where you may go, whatever past you may have, always remember that there is only one you inside my heart and I will love you till the very end. Meet Precious Steffi Legaspi, simple, maganda, mabait pero wag lang babadtrip-in dahil nagi...