Chapter 17

48 9 10
                                    

"Why doc?" Nangangambang tanong ko sa doctor na kaharap ko. Dahil isa ito sa mga pinakamagaling na doctor sa Pilipinas.

"You have a brain tumor. That's why you always experienced head ache. May nag titrigger dito upang sumakit ang ulo mo."

"Wha-what doc? Are serious? Pa-paanong mag kaka-brain tumor ako. As far as I know walang nangyayari saking masama at hindi pa nababagok ang ulo ko."

"I'm sorry Ms. Legaspi. But that's the result on the test that we've done."

"May paraan pa ba para magamot ang tumor na to? Doc?" Pilit kong pinapatatag ang boses ko dahil hindi ko na kaya pang marinig ito.

"Yes. Kailangan mong mag undergo ng surgery para maalis ang tumor. Are you willing to do the surgery Ms. Legaspi?"

"How about medicine? May gamot pa ba para hindi lumala ang sakit ko doc?"

"Yes meron. Pero hindi ibig sabihin noon ay mawawala na ang tumok sa utak mo. Lalabanan lamang nito ang sakit para hindi ka gaanong mahirapan. But, ayaw mo ba ng operasyon?"

"I'll take the medicine doc. Please give me the medicine. And please sana po ay walang makaalam nito."

"Okay Ms. Legaspi. No one will know about this matter." Yun lang at kinuha ko na ang reseta ng gamot na ibinigay ng doctor. Wala sa sarili akong lumabas ng silid. Ang daming gumugulo sa utak ko. Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyayari sa akin ito. Bigla na lang akong napaluhod dahil nanghihina ako sa mga nalaman ko, nang biglang may sumalo sa akin at lalo akong napaiyak. Nang mapagtanto kong si Matthew pala ang taong sumalo sakin at hindi ang inaasahan kong tao.

"Are you okay Stef? What happened?"

Magsasalita pa sana ako ng bigla nyang hablutin ang hawak kong envelope at binasa nya. Wala akong lakas para hablutin ito sa kanya. Hindi ko inaasahan ang pagyakap niya sa akin na para babg pinapalakas niya ang loob ko. Siya na din ang nag insist na maghatid sa akin at napakiusapan ko din syang huwag na nyang ipaalam pa sa iba kung ano ang nakita nya. At sa kanya ko na din ito ipinatapon dahil ayokong may makaalam na kahit sino.

Naandito na ako sa bahay. Wala sina manang dito dahil pinagbakasyon ko sila ng 2 months pero kahit nasa bakasyon sila ay bayad pa din sila.

Hindi ko namalayang sumunod pala sakin si Matthew. At para bang nagulat dahil wala akong kasama dito sa bahay.

"Ikaw lang mag-isa dito?"

"Yeah. Pinagbakasyon ko sina manang and manong."

"May niluto ka na ba?"

"None." Maigsing sagot ko.

"Pasaway ka talaga. Pwede bang pakialaman ang kusina mo?"

"Go ahead."

After 30 minutes ay bumalik sya kung nasaan ako at may dalang sinigang at kanin.

"Oh kain kana."

"Nag abala ka pa nakakahiya naman sayo.'

"It's okay. Besides we're friends right?" At mukhang nahihiyang ngumiti.

"How's my masterpiece?"

"Taste so good. My favorite." At ngumiti ako sa kanya.

Lumipas ang 3 araw ng pagmumuni muni ko ay hindi pa din nagagawang tumawag ni Zach. Kaya napagpasyahan kong magpunta sa bar para man lang mabawasan ang sakit na dinaramdam ko. Hindi ko magawang sabihin sa barkada ko kung anong nangyayari sakin dahil natatakot akong kaawaan nila ako. Kaya sa tuwing makakasama ko sila ay para lang akong normal na walang sakit. Hindi ko rin pinapaalam sa kanila ang estado namin ni Zach.

Kasalukuyang andito na naman ako sa bar, mag isa ng biglang may isang babaeng lumapit sa akin at tinarayan ako.

Aba aba! Sakin pa may ganang magtaray to. Hindi nya ata nakikilala ang kinakalaban nya.

"Poor girl. Kawawa ka naman bakit nag-iisa ka? Where's your fiancee. Iniwan kana ba nya?"

"Can you shut up your fucking mouth. And what do you care if I am not with my fiancee? Uhh! Right! Maybe your just nothing but a useless woman who fantasize my fiancee. So if I were you, you better leave now and do not ever show me your worthless face." Sabi ko sa kanya at bigla nya akong sinampal. Kaya hindi ako nagpatalo at binuhusan ko sya ng hawak kong tequila at sinampal sya ng dalawang beses sa magkabilang pisngi nya. Right after ko syang sampalin ay bigla syang nag walk out.

Pinagpatuloy ko ang pag-iinom ko at ng medyo nararamdaman ko na ang pagkalasing ay syang pag sulpot ng isang imahe na matagal ko ng hinahanap hanap.

"Zach." Kasabay non ang paglapit sa akin ng lalaki ng mukhang ginawang 3 hakbang lamang ang layo namin sa isa't isa. Nang makita ko na ang kabuuang mukha ng lalaki ay hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya ng mahigpit. At ganun rin ang ginawa nya sa akin. Isang maalab na halik ang iginawad sa akin ni Zach at kahit na tipsy ako ay nagawa kong makipag sabayan sa kanya. Isang mapupusok ngunit nakakahalinang halik ang aming pinagsaluhan. Natigil lamang kami ng biglang naghiyawan ang mga tao at doon lamang kami natauhan. Kung kaya't hinila na ako ni Zach palabas ng bar at isinakay sa kotse nya. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin pero wala na akong pakialam dahil kasama ko na sya. Sumasakit na naman ang ulo ko pero pilit ko iyong iniwasan. Nalulunod ako sa mga titig ni Zach sa akin at sa hindi ko malamang dahilan ay hinalikan ko ulit sya. Hindi naman ako nabigo dahil ibinalik nya ang halik. Nakarating kami sa isang condominium at ipinagpatuloy namin ang naputol naming halikan. Hanggang sa hindi na napigilan ni Zach at hinubad na nya ang suot kong dress at ganun din naman ang ginawa ko sa kanya. Hinubad ko ang polo nyang suot at ipinagpatuloy namin ang pag hahalikan na tila ba wala ng bukas ito. Hindi ko alam kung ano ang kahahantungan nitong ginagawa namin pero alam ko sa sarili ko na gusto ko ang mangyayaring ito. Nakarating kami sa isang kwarto na hindi napuputol ang halik na iginagawad namin sa isa't isa. At tuluyan na ngang nilunod nito ang aming pag-iisip at wala ng ibang tumakbo sa utak ko kundi ang saya at kakaibang sensasyong nararamdaman ko ngayon.

Royal Series #1: Zach Zion GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon