2 months passed wala pa ding balita kung nasaan si Precious kasama ko ang family nya at hinahanap namin sya kung saan sya pwedeng pumunta. Alam na din nila ang sakit ni Precious, umiyak ng umiyak ang tita dahil hindi nya matanggap at sinisisi nya ang sarili nya dahil hindi nya daw ito naalagaan dahil sa pagtatrabaho nya. Inaalo naman ito ni tito kaya kahit papaano ay hindi na nya sinisisi ang sarili nya. Maski si Nate at Kate ay umuwi na din para tumulong sa paghahanap kay Precious. Naiinis na ko ng sobra sa sarili ko dahil hindi ko man lamang malaman kung nasaan na sya. Nagkaayos na din kami ni Matthew at tumutulong sya sa paghahanap kay Stef.
Nasa office ako ng mom ko ng biglang pumunta si Athena at sinabi nyang samahan ko sya sa province sa Laguna dahil doon daw gusto makipagmeet nung huling investor para bumalik ulit sa company nina Nate. Agad akong gumayak upang matapos na din ang kagaguhang ito at ng hindi na ako guluhin pa ni Athena. Mahaba ang binyahe namin. At mag si-6 na din ng makarating kami sa restaurant, papasok pa lang kami ay sinabihan na ako ni Athena na ngumiti para hindi makahalata ang client kaya naman ginawa ko inilagay din nya ang kamay ko sa bewang nya at hiniling nyang halikan ko sya, so I did. Dahil alam kong huling beses na akong magtyatyaga sa kanya. Dahil sa tuwing makikita ko sya nasusuka ako sa pagmumukha nya dahil kasalanan nya kung bakit hindi ako ang kasama ni Precious nung panahong problemado sya.
Hinanap ko ka agad ang boses ng kumakanta dahil hindi ako pwedeng magkamali iisang tao lang ang may alam kong nag mamay ari ng boses, paglingon ko sa may side kung saan may mini stage ay nanduon ang matagal ko ng hinahanap. Nakita kong tumulo ang luha nya gusto ko man syang puntahan upang mayakap at pahirin ang luha nya ay hindi ko magawa dahil sa babaeng linta na to. "Don't you dare." Ayan ang sinabi sa akin nakuha ko naman kung anong ibig nyang sabihin. Nakatitig lamang ako sa kanya habang hinihintay namin ang client. Kumanta na ulit sya sa pangalawang pagkakataon. nang dumating na ang investor ay pansamanta ko itong binati ngunit ang titig ko sa kanya ay hindi nawawala, ang sakit isipin na sa bawat lyrics na binibitawan nya ay para sa akin, ayoko syang mawala sa buhay ko dahil kulang ako kung hindi ko sya kasama. Matapos nyang kumanta ay umalis sya saglit dun at sya din namang close ng deal namin sa investor at matagumpay ko itong napabalik kina Nate. Bumalik si Precious sa mini stage upang kantahin ang huling kanta nya. Hindi ko magawang galawin ang pagkain ko sapagkat nakita ko syang umiiyak. Nasasaktan ako dahil iyon ang ayaw kong makita sa kanya ang umiiyak sya dahil mas triple ang nararamdaman ko, isabay ang kantang kasalukuyan nyang inaawit. Magkatitigan kami ngayon gusto kong itanong sa kanya kung bakit kami humantong sa ganito? Bakit nya ako iniwan? Bakit hindi nya sinabi sa akin ang tungkol sa sakit nya. Gustong gusto ko syang lapitan at yakapin ng mahigpit lalo na ngayong hindi na ako hawak sa leeg ni Athena. Dahil bawat investor na pinabalik ko kina Nate ay may pinapapirmahan akong Contract na hindi alam ni Athena.
Pagkatapos ng kanta ni Precious ay umalis na sya agad kung kaya naman ay hinabol ko agad sya pero nabigo ako dahil hindi ko sya naabutan nilibot ko ang buong park ng restaurant ay wala sya. Dali dali kong tinawagan ang private investigator na naandito si Precious sa Province sa Laguna.
May kalakihan din ang probinsyang ito kaya hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Isang linggo na ang nakakalipas ng tawagan ako ng private investigator at sinabi kung nasaan si Precious dali dali akong nagpunta sa apartment na tinutukoy nya, nasabi na din nya na kaya hindi namin agad ito nahanap ay dahil ibang pangalan ang ginamit nya. Pagdating ko sa apartment ay agad akong pumasok dito ngunit isang babae ang sumalubong sa akin.
"Ay gwapo! Sino pong hanap nila?" Kasabay noon ang malapad na pag ngiti nya.
"Dito ba sya nakatira?" Sabay pakita ko ng picture nya.
"Ahh! Si Natalia. Bakit mo sya hinahanap?" tss. Natalia.
"I'm his husband at kung maari lamang ay sabihin mo sakin kung nasaan sya."
BINABASA MO ANG
Royal Series #1: Zach Zion Gomez
Любовные романыNo matter where you may go, whatever past you may have, always remember that there is only one you inside my heart and I will love you till the very end. Meet Precious Steffi Legaspi, simple, maganda, mabait pero wag lang babadtrip-in dahil nagi...