Chapter 14

48 10 0
                                    

Ngayon ang araw ng alis ni kuya Ethan. Nakakalungkot lang dahil hindi ko man lang alam kung kelan sya uuwi dito para makasama ko ulit. Pero mas nalulungkot si Kate dahil mawawalay sa kanya ang pinakamamahal nya. Swerte pa din ako kahit papaano, kasi andito si Zach sa tabi ko para suportahan ako. Lagi din nyang pinaparamdam kung gaano ako kahalaga sa kanya.

~~~~

Habang patagal ng patagal mas nakikilala namin ni Zach ang isa't isa hindi na rin kami gaya ng dati na aso't pusa. And it's almost one month na din simula ng umalis si kuya at si Kate ayun sinundan ang kuya Ethan sa U.S besides payag din naman ang both sides sa kanila.

Inenjoy lang naming 6 ang bakasyon namin. Nag travel kami sa iba't ibang pasyalan at lugar dito sa Pilipinas. Then last week lang ay nang galing kami sa Laguna, para pumunta sa theme park. Masaya at naenjoy naman namin ang vacation namin then kausap din namin sina kuya at Kate kaya kahit papaano e kumpleto kami. Sinakyan namin lahat ng rides at sobrang enjoy kami lalo na sa space shuttle.

Halos mapaos ako kakasigaw nun samantalang yung katabi ko tawa lang ng tawa sakin -.- nakakaasar diba? And ang last naming sinakyan ay ang wheel of fate. Sobrang ganda ng tanawin lalo na sa gabi at kasabay nun ang pag ilaw ng kalangitan ng dahil sa fireworks saktong nasa pinaka tuktok kami nun kaya kitang kita namin. At nagkaroon kami ng official first picture ni Zach. Bigla syang umakbay sakin at nung tiningnan ko sya saktong pag flash ng camera. Bali naka-akbay sya while nakangiti sa camera habang ako naman ay nakatingin sa kanya.

Sinusulit na namin ang bakasyon dahil next week ay pasukan na naman. Andito sila ngayon sa bahay para mag foodtrip daw at dito sila mag i-sleep over. Kausap din namin sina kuya Ethan. Nakakatawa lang kasi inggit na inggit sila. Kulang na lang e umuwi sila dito sa Pinas para lang makasama samin. Pero kahit ganun thankful pa din sila dahil magkasama sila.

~~~

Dumating ang araw ng pasukan. At andito na agad si Zach kaya naman nagmadali na ako. Dumeretso na kami ni Zach sa school, as usual madami na namang bubuyog. Pero like I care. Inggit lang sila. Hinatid lang ako ni Zach sa room ko at umalis na din sya para magpunta sa room nya. Wala naman masyadong nangyari nag introduce lang at kung anu anong rules and regulations and then dismissal. Dahil sa 4 hours vacant ako napag isip isip kong tumambay muna sa practice room nila Zach besides welcome naman kami dung mga girls.

Pagdating ko sa practice room nakita ko si Zach na nag aayos ng gitara, kaya umupo nalang muna ako sa sofa. Parang kelan lang nag aaway kami pero eto ngayo't kami na. Nakakaloko man pero totoo naging kami nga ni Zach nung araw na yun, although nung una parang may ilangan pa di naman nagtagal ay naging okay kami at heto na nga, hindi ko maipagkakailang muling lumalambot ang puso ko dahil sa kanya. Pero hindi mawawala yung asaran naming dalawa.

"Hey, anong iniisip mo?" Napalingon ako sa tumabi sakin. Si Zach.

"Iniisip ko lang kung bakit naging tayo, eh ang ganda ko tapos ang panget mo." Humalakhak ako habang nakanguso naman siya. Cute!

"By the way, kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa." Sagot niya.

"Bakit hindi ka na naman kumain? Napakakulit mo talaga." Sermon ko sa kanya. At may kinuha ako sa bag ko na pagkain at alam ko namang hindi na naman sya kumain.

Inabot ko sa kanya ang pagkain na dala ko. Ang kapal nga ng mukha nya eh, kasi first time ko magluto ng pagkain ngayon. Nagpatulong pa ko kay Manang kanina, inagahan ko talaga gising ko para doon.

"Masarap ba? Ako nagluto nan. Ang kapal ng mukha mo ha ikaw una kong pinagluto." Tanong ko.

"Hindi." Tipid na sagot niya. Kinuha ko ang pagkaing ginawa ko para sa kanya. Nakakainis naman kasi, nagpakahirap ako magluto tapos sinabi niyang hindi masarap. Itatago ko na sana sa bag ko yung tupperwear na dala ko pero nagsalita siya.

Royal Series #1: Zach Zion GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon