Nagising ako ng may mabigat na brasong nakadagan sa may parteng tyan ko. At saka ko naramdaman ang masakit sa parteng baba ko at biglang nag pop up sa utak ko kung anong nangyari kagabi, kahit na ganun ay hindi ko pinagsisisihan ang mga desisyon na ginawa namin. Naramdaman ko na lang na mas hinigpitan pa nya ang pagyakap sakin. Kung alam lang nya kung gaano ko sya na miss. Parang ayaw ko ng matapos ang araw na ito. Hanggang sa makatulog na ulit ako.
Nagising ako na wala na kong katabi. Kaya kahit masakit pa ang down down down ko ay lumabas ako ng kwarto upang hanapin si Zach wala sya sa kwarto nya at wala din naman sa salas kaya naman pumunta ako sa kusina at dun ko natangpuan ah oh-so-yummy-hot-and-delicious man on Earth. Naka apron sya at nagluluto ng breakfast. Wala syang pantaas na damit at naka boxer lang ang sarap nyang titigan dahil napaka hot at tila ba nangaakit ang kanyang likod. Natapos ako sa pag papantasya ng biglang tumikhim sya at natatawa tawa pa dahil sa siguro epic fail kong expression.
"Pfft. Baby ahaha if you just saw your face. You're drooling. Don't worry it's all yours, only yours." Pagkasabing pagkasabi nya nun ay bigla na lamang ako namula dahil naalala ko na naman ang mangyari kagabi.
"Baby. Are you alright? May masakit ba sayo?"
"Ye-yes." Sagot ko na lang dahil masakit pa naman talaga sya.
"Alin ang masakit baby? Tell me!" Hindi sya magkanda ugaga dahil sa natataranta sya.
"Yu-yung baba Zach. Ma-masakit pa din." Nahihiyang banggit ko sa kanya.
"O shit! I'm sorry baby. Please forgive me. Promise naging gentle naman ako."
"Zach, I know, stop saying sorry para kang baliw! Ayos lang ako no. Anyway ano ba yang niluluto mo?" Pag iiba ko na lang ng topic.
"I prepared fried rice, omellet and bacon. Lets eat." At inalalayan na nya ako papuntang dining room.
Nang matapos na kaming kumain ay niligpitan na din nya lahat ng ginamit mula sa pagluluto hanggang sa pinagkainan namin. Andito ako ngayon sa salas at kasalukuyang nanonood ng t.v ng bigla syang tumabi at yumakap sakin.
"Baby, can I have a favor?" Parang batang saad nya.
"Sure! What is it?"
"Can we stay here in my condo atleast in one week? Yung dito lang tayo at hindi lalabas. Don't worry kumpleto naman ang gamit ko dito at may mga undies ka na din dyan at may mga damit. Gusto ko sana yung wala tayong tatanggaping phone calls galing sa kahit na sino? Gusto ko kasing makabawi sayo sa lahat ng pagkukulang ko baby. Please?"
Nagtataka man ay pumayag na din ako at laking tuwa nya dahil sa pag payag ko.
Nanonood kami ngayon ng cartoon dahil gustong gusto ko talaga ang palabas na mga cartoon nakayakap pa rin sakin si Zach at parehas kaming masaya sa tinatakbo ng pagsasama namin ngayon. Hindi ko kailangang mag alala dahil wala naman sina manang and manong sa bahay at sinigurado ko namang nakalock ang pinto dahil nga sa umalis ako.
"Baby, masakit pa ba? Sorry dahil hindi ako nakapag pigil. I can't resist you. I'm sorry baby. Hindi na mauulit promise. The next time we will do it ay pag kasal na tayo." Out of nowhere nyang tanong at pag tingin ko sa kanya ay nakatitig na sya sa akin.
"Yes, Zach masakit pa din sya pero hindi na katulad kaninang umaga. You don't need to say sorry dahil in the first place ay ginusto ko din naman yun at hindi mo ko pinilit." Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin at lalo kong naramdaman kung gaano nya ako kamahal. Ang sarap lang sa feeling.
"Baby, paano kung may nabuo sa pagmamahalan natin?" Tanong na naman nya.
"Seriously Zach? Iniisip mo yan? Haha. Isang beses lang yun at imposibleng may mabubo agad Zach."
"Baby, what if nga lang e."
"Edi ibig sabihin shooter kang talaga." Natatawang sagot dito na ikinasama naman niya sakin ng tingin.
'Just kidding, Syempre bubuhayin ko. Ginawa natin yun at bukal sa loob natin kaya kung ano man ng mangyari ay tatanggapin ko. Isa pa anak natin yun diba?"
"That's my baby hindi takot sa responsibilidad. Syempre ako bilang ama ng baby natin tungkulin kong alagaan kayo. At isa pa bonus sakin yun dahil makakasama na kita ng buong buhay ko. Iloveyou Precious."
"Iloveyoutoo Zach."
"And Iloveyoumost Precious Steffi Legaspi-Gomez." Ang sarap pakinggan habang binabanggit nya ang mga katagang iyon.
Lumipas ang mga araw ay wala kaming ginawa kundi ang iparamdam sa bawat isa kung gaano namin kamahal ang isa't isa at tinupad nga nya ang pangako nyang hindi nya ako gagalawin ulit hangga't hindi kami ikinakasal. And this is the 6th day na magkasama kami. Para syang baliw dahil iniisip nya na may baby na kami sa aking sinapupunan kahit na wala naman. Iniimagine nya na may anak syang nabubuhay dito. Pero kahit na ganon ay nakakatuwang pag masdan sya dahil makikita mo sa kanya kung gaano sya magiging isang mabuting ama. Nagluluto sya ngayon ng dinner namin totoo nga ang sinabi nya na hindi na namin kailangang umalis ng bahay dahil naandito na lahat ang kakailanganin namin. Sa awa naman mg Diyos ay hindi sumasakit ang ulo ko kahit na hindi ko nadala ang gamot ko.
"Dinner's ready baby! You need to eat healthy foods for you to gain weight and of course for our baby. Hahaha."
"Zach stop it. Haha wala pa tayong baby. Like I told you."
"I'm sorry baby. I'm just a little bit excited to have a child with you."
After naming kumain ay nanood na lang ulit kami ng t.v ng biglang may tumawag kay Zach nung una ay hindi nya ito pinapansin pero dahil sa siguro ay nakulitan na si Zach sinabi kong sagutin na nya muna ito kaya naman lumabas sya ng veranda para makausap ang nasa kabilang linya dahil mukhang importante ito. Makalipas ang kalahating oras ay bumalik ito sa tabi ko at bagsak ang mga brasong yumakap sa akin. Halatang may bumabagabag sa kanya kung kaya't tinanong ko sya.
"Baby. What's wrong?" Tanong ko kay Zach.
"Baby this is the last day na makakasama kita dito coz mom called me and hinahanap nya ako. Da-dahil sa business. Pinapapunta nya akong Laguna dahil naandoon ang client namin."
"Okay baby. Kelan ka ba aalis?" Tanong ko naman sa kanya.
"Tomorrow morning, baby, I'm sorry."
"It's alright Zach, I understand."
Naandito ako ngayon sa bahay namin. Back to normal after almost 1 week. Masaya ako sa puder ni Zach dahil kahit isang linggo lang yun ay ramdam ko sa bawat pag aalaga nya sa akin kung gaano ako kaimportante at kahalaga sa kanya.
Makalipas ang isang araw ay napagpasyahan kong bumisita sa restaurant ng parents ko dahil matagal tagal na rin simula nung huli kong punta dito. It's already 7 pm na ng mapagpasyahan kong umuwi. Papunta na ako sa parking lot ng bigla akong may makitang imahe ng isang babae at lalaki. Nakatalikod ang lalaki sakin ngunit ramdam ko kung sino ito. Lalo ko ng napatunayan ito dahil sa sasakyang dala nila. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila dahil malayo ako ngunit ang masakit ay ang makita kong hinalikan nya ang babaeng kasama nya halos tumagal ng 5 mins. Ito. Hi-hindi ko akalaing gagawin nya sa akin ito. Samantalang ang paalam niya sakin ay nasa Laguna sya. Hindi ko kayang komprontahin sya dahil nanghihina ako sa nasaksihan ko. So, all this time ito pala ang pinagkakaabalahan nya. Tatakbo na sana ako ng bigla akong may mabangga at pagharap ko sakanya...
"I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Kahit na tuloy tuloy ang pag patak ng luha ko ay nagawa ko pa itong itanong sa kanya. Hindi nya ako sinagot sa halip ay niyakap nya ako ng mahigpit na para bang humihingi sya ng sorry. Lalo ng bumuhos ang luha ko dahil pagtingin ko sa lalaking minamahal ko ay masayang naglalakad sila papuntang restaurant na magkahawak ang kamay. Hindi ko na nakakayanan ang mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
Royal Series #1: Zach Zion Gomez
RomanceNo matter where you may go, whatever past you may have, always remember that there is only one you inside my heart and I will love you till the very end. Meet Precious Steffi Legaspi, simple, maganda, mabait pero wag lang babadtrip-in dahil nagi...