MCW & THM 22

691 22 4
                                    

Bumyahe si Abby pauwi ng probinsiya nila. Hindi na niya sinama ang anak niya. Kailangan din niya bumisita sa puntod ng mga magulang niya. Dumiretso siya kaagad sa sementeryo. Bago siya pumasok bumili muna siya ng kandila at bulaklak. Pagkatapos naglakad nalang siya papunta sa puntod ng magulang niya.







Napangiti si Abby sa lihim sa nakita niya. Malinis ang dalawang puntod ng magulang niya pero may kandila. Sa isip niya baka dinalaw lang ito ng mga kamag anak niya. Agad niya nilagay ang dalawang bulaklak at nagsindi ng kandila na binili niya.






"Kilala mo yan hija?" Tanung ng isang lalaki.

Nilingun ni Abby ang nagsalita. "Ah oho manong, mga magulang ko sila. Ikaw ba ang tagalinis nito? Maraming salamat ho" sabi ni Abby.



"Walang anuman hija. Inutusan lang din ako na linisin yan." Sagut ng matanda.



"Ganun ho ba? Teka lang manong"

May kinuha si Abby sa bag niya at sakto pa dahil madami pa ito at kumuha narin siya ng pera.







"Heto o' manong pasasalamat ko sayo sa paglinis mo ng puntod sa mga magulang ko" sabi ni Abby.







"Nako hija wag na sayo na yan." Sabi ng matandang lalaki kaya naglakad na ito.





"Sandali lang ho" hinabol ni Abby ang lalaki.










"Sige na ho tanggapin niyo na. Baka may mga anak kayo at nagugutum. Ibigay mo ito sa kanila" tinitigan siya ng matanda.









"Sige na dahil mapilit ka hija. Maraming salamat nito." Sabi ng matanda.



Ilang biscuits lang kasi yun na baon niya kakain sa daan sa bus kapag nagbabyahe siya at yun nagiging madami. May mga chocolate din siya binigay. At sinamahan narin niya ng pera kaunti lang pero malaki na iyon para sa nabigyan niya.






Pagkalabas niya sa sementeryo pumara siya ng tricycle at pumunta sa bahay nila dati. Pagkarating niya napangiti siya sa lihim. Dahil maganda parin ang bahay ni Oliver at hindi ito nagbabago kahit sa labas muna niya tiningnan. Binuksan niya ang gate pagkatapos pumasok sa loob ng bahay pagkabukas niya ng pinto.







Napakunot ang noo niya. Sa paligid habang nakatingin. Malinis padin at walang alikabok. Parang bago lang ito nilinis. At yun ang hindi niya alam.

"Inalagaan pala itong bahay niya" sabi niya sa isip niya.







"Namimiss mo rin ba itong bahay?"

Hindi nakapagsalita si Abby sa biglang pagsalita ang nasa likod niya. Hindi niya alam na may tao pala dito sa bahay nila Oliver.



Bigla kinabahan si Abby sa narinig niyang boses. Sa ilang taon na hindi sila nagkita pati boses nito kinalimutan na niya.








"A-akala ko kasi wa-walang tao dito. Kaya napadaan lang naman ako dito. Tiningnan ko lang ang bahay" sabi niya sabay alis. Nakahakbang lang siya ng ilan ng mabilis hinagit ni Oliver ang pulso ni Abby.




"Iiwasan mo nalang ba ako Abby? Hanggang kailan moko iiwasan?"



Napatitig si Abby sa mukha ni Oliver na matagal na niyang hindi nakita. Ang mata nito na nakikiusap sa kanya.









"Bi-bitiwan moko baka makita tayo ng asawa mo. Ayaw ko ng gulo" sabi ni Abby pagkatapos iniwas niya ang tingin kay Oliver.




"Kung gusto mo bitiwan ko ang pulso mo. Umupo ka muna. Mag usap tayo pwede? Walang mangingialam satin dito dahil bahay ko ito. Bahay natin ito. At lilinawin ko lang wala akong asawa" sabi ni Oliver na nakatingin sa mata ni Abby.








My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon