MCW & THM - 3

4.1K 104 2
                                    

Gym  

Oliver 

Pagkarating namin dito sa gym iniwan na ako ni Abby at nauna na siyang pumasok sa loob.

Bumuga nalang ako ng hangin ng matapos ko ang pagpark sa motor pumasok na ako sa gym. Madami na ring tao.  Hinanap ko kaagad si Abby kung saan siya nakaupo naka gitna siya may katabing lalaki. Bago pa lang kaming kasal pero ito na siya. Mali ko ba kung siya ang gusto ng puso ko?.

Paano ko nagustuhan si Abby? Mabait siya, maganda pero pagdating sakin iba halos umaabut yung galit niya sakin sa langit. Ang sabi nila pagmahal mo tiisin mo. Napapailing nalang ako.

"Pre, kanina ka pa wala sa sarili mo. Magsisimula na" tinapik ni Brent ang balikat ko at umalis na siya. Pinuntahan ko narin ang kasama ko para makapagsimula na kami ng laro.











---



Abbygail 

"Abby akala ko hindi ka pupunta ngayun dito. Manunuod ng basketball? Hilig mo din pala manuod ng ganitong laro?" 

"Hindi naman gaano."  Sagut ko sa kanya na nakatingin sa harapan magsisimula na sila maglaro. Pumuwesto na ang refere sa gitna nila.

"Pareho pala tayo Abby, sino kasama mo mamaya uuwi?"

Nilingun ko siya  "hatid na kita kung okay lang sayo?"  Kumunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Tingnan ko lang mamaya. Teka saan ang bahay niyo? Mabuti nakapunta ka dito?" 

Nagsimula na ang laro at ang mga hiyawan ng manunuod sa paligid.

"Go Oliver"

"Pinasa ni number three kay Del Mundo ang bola"  sinusundan si Oliver ng mga kalaban nila sa team sa bola.

"Shot Oliver" 

"Yesssss"   

Makasigaw sila akala mo kung sino sila. Tsk.

"Nasa kabilang kanto pa"  tumango lang ako sa sagut niya.

'Yesss nashot ni Kevin sa ring ang bola'  

"2 points para sa team ni Del Mundo"  sabi ng refere. Tsk biased talaga itong refere na to'. 

"Pinasa naman ni Galve ang bola kay Del Mundo ngayun tumatakbo si Del Mundo. Shot 3 points ang Del Mundo team." 

"Oh my ghad ang gwapo nung nagdala sa laro sa kabilang team" 

"Dito tayo para makita natin siya ng mapalapitan"  sabi ng isang babae. Hindi sila familiar sakin hindi yata sila taga rito.

Huminto ang laro sa second game. Nung naalala ko may katabi pala ako actually siya si Christian yung classmate ko na crush ko hindi ko rin naman alam na andito siya manunuod.

"Ang galing maglaro ng isang team no. Palaging may puntos"  nilingun ko siya at sinimangutan.

Ay mali dapat hindi ko yun ginawa. Nakakainis kasi nasa kabilang team siya. Ng nagsimula na ang laro napangiti ako dahil nakaescore sila Ren. Pero ang nanalo team niya.

"Sabay na tayo lumabas  Ab" tumayo na rin ako at sumunod kay Christian.
















----------- 

Oliver 

Pagkatapos sa laro namin hinanap ko si Abbygail pero hindi ko siya nakita. Lumabas na rin ako at tinungo ang motor ko kung saan nakapark. Nilagay ko sa harapan ang bag ko pagkatapos pinaandar ko na. Inikot ko at tiningnan ang paligid kung saan si Abby.

Bumuga nalang ako ng hangin habang nakatanaw sa kanilang dalawa may kausap siya na lalaki. Mukhang nagkakasiyahan sila.

"Hi Oliver" 

May dumaan ng dalawang babae sa harapan ko. Hindi ko masyado naanig ang mga mukha nila dahil may kadiliman dito sa pwesto ko.

Tumango lang ako pagkatapos umalis narin sila. Puntahan ko kaya si Abby baka kasi may sabihin ang ibang tao sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero nag alangAn ako dahil baka magalit siya sakin. Napangiti ako sa naalala ko kanina. Magkadikit yung katawan namin habang nasa likod ko siya at ang kamay niya nasa tiyan ko para humawak sana ganun nalang palagi pero hindi pwede.

May mali man akong nagawa o wala nagagalit naman siya sakin. Pagkatingin ko kung saan ang pwesto nila nawala na sila.

Nilapitan ko ang isang kalaro ko sa team. "Pre nakita niyo ang asawa ko?"

"Hindi pre"   tumango nalang ako at umuwi nalang baka andun na siya sa bahay pero ang susi andito pa sakin.

Pagkarating ko sa bahay sirado pa ang gate. Hindi pa siya nakauwi. Binuksan ko ang gate at pinasok ang motor ko. Pagkatapos ko napark nilagyan ko ng susi ang pinto at bumukas ito.

Hindi ko binuksan ang ilaw maski sa labas. Lumipas ang isang oras may nagbukas ng gate narinig ko pagkatapos ang pinto.

"Tang**** anung ginawa mo? Bakit hindi ka nagbukas ng ilaw? Gusto mo ba maging multo?"

Sinara niya ang pinto. Napatigil siya sa pagpasok sa kwarto niya ng nagtanung ako sa kanya. "Saan ka galing?" 

Lumingun siyang nakakunot noo sakin. "Bakit ka nagtanung? At sino ka naman?"

Tumayo ako dahan dahan siyang nilapitan at kinorner ko sa dalawang kamay ko sa pader. "Natural magtanung ako dahil asawa moko." 

Tiningnan niya ako sa mata "asawa? Sa papel lang hindi sa totoong buhay at kung may gusto akong makasama habang buhay hindi ikaw yun! Naiintindihan mo! At wag kang umasta na asawa kita dahil kung hindi sa mga magulang ko na pinakausapan kA hindi tayo ikakasal. Naiintindihan mo! Ikaw ang may gusto nito di ba? Sinabi ko na sayo na magsisi ka sa ginawa mong hakbang na pinakasalan ako" 

Napapikit ako sa sinabi niya.

"Ito pa tandaan mo WAG MOKONG KAUSAPIN SA HARAP NG MGA TAO KAHIT NASA HARAPAN MOKO MALAPIT O MALAYO!"  

"Anung kasalanan ko sayo Abby bakit ganyan ka kagalit sakin? Kinamumuhian mo ako?"

Ngumisi siya na tiningnan ako sa mata."madali lang HINDI KITA MAHAL, AT KAHIT KAILAN WALA AKONG BALAK MAKASAMA KA HABANG BUHAY"

Pumasok na siya sa kwarto niya. Napapikit ako at napaupo sa sofa. Pakiramdam ko kinukuryente ako sa mga sinabi niya. Napatingin ako sa paa ko may tubig pumatak sa paa ko. Luha ko na pala yun.

Sa ngayun hindi moko kaya mahalin pero alam ko balang araw matutunan mo rin akong mahalin. Pero baka pagdating ng panahon na yun baka sumuko na ang puso ko.







-----

Abbygail

Nagising ako ng maaga pakiramdam ko maganda ang araw ko ngayun.

Himala hindi niya ako ginising makalabas nga lang at maligo na para hindi ako malate. Pagkalabas ko tahimik ang paligid walang pagkain sa lamesa. Tinungo ko ang banyo para maligo napalingun ako sa kusina walang nagluluto saan kaya siya pumunta. Makaligo nga lang. Pagkatapos ko naligo pagkalabas ko siya din paglabas sa kwarto niya at dali dali pumunta sa lababo.

Pwede ba magiging buntis ang lalaki? Nagsusuka eh? Duh bahala siya makapasok nga lang sa kwarto pagkatapos ko nagbihis lumabas na ako para pumunta sa school.

Naririnig kung nagsusuka siya ulit hindi pa ba siya tapos? 

Bahala na siya doon malaki na yun.

My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon