Someone's pov
Hating gabi na pero hindi parin nakatulog si Abby. Paikot ikot lang siya sa higaan niya at hindi rin niya alam kung bakit hindi siya makatulog kahit kanina pa siya inaantok.
Kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan kung anung oras na pasado ala una medya na ng madaling araw kaya padabug niya binalik sa higaan ang cellphone at umikot sa kabilang gilid para makatulog siya. Pero hindi parin siya makatulog. Bumangun siya at tinungo ang kusina para magtimpla ng gatas baka sakali makatulog na siya.
Napatingin siya sa kwarto ni Oliver. "Nakauwi na kaya siya?" Tanung niya sa sarili niya habang nakatingin sa kwarto ni Oliver. Pagkatapos niyang uminom ng gatas nilagay niya sa lababo ang baso at tinungo ang pinto sa kwarto. Diniin niya muna ang isang tenga baka sakali may tao sa loob. Narinig na niya ang isang manok na tumilaok.
Hinawakan niya ang door knob, at dahan dahan binuksan. Inuna muna niya ang ulo niya para tingnan ang loob sa kwarto ni Oliver. Napatingin siya sa higaan. Wala si Oliver sa higaan at hindi nagusot ang higaan din nito.
Sinara na niya ulit ang pinto at pumasok sa kwarto niya. Pasalampak siya humiga sa higaan niya at kinuha ang cellphone niya. Iwan ba niya pakiramdam niya parang may hinintay ang katawan niya na hindi alam.
Binalik niya ulit sa higaan ang cellphone niya na padabug at bumangun ulit dahil hindi naman siya makatulog. "Anu ba bakit hindi ako makatulog? Tapos na ako uminom ng gatas?"
Napahilamos siya sa mukha niya ng kamay niya. Humiga ulit siya maya maya nakatulog na siya, paggising niya mataas na ang sikat ng araw kaya napabalikwas siya sa higaan pagtingin niya sa wallclock nanlaki ang mata niya malapit na kasi mag ten am kaya dali dali siya lumabas dala dala ang towel niya paglabas niya napatingin siya sa kusina,
Walang tao, kahit pagkain sa mesa wala. "Hindi ba siya nagluto? Hoy! Oliver bakit hindi moko ginising tanghali na!! Late na ako nito!!" Pagsisigaw niya pagpunta sa likod pero walang tao. Kaya nangunot ang noo niya. Padabug siya pumunta sa likod ng bahay sa labahan.
"Oliver anu ba?"
Natahimik siya ng walang tao sa likod ng bahay. Kaya bumalik siya sa loob at tiningnan ang kwarto ni Oliver. Yun parin walang tao. Hindi parin nagalaw ang higaan nito.
Umupo siya sa sofa, at pinikit ang mata niya ng may kumatok sa pinto. Tumayo siya at binuksan. Ang mama ni Oliver ang dumating.
"Hija, kamusta ka dito?" Pumasok ito sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina may dala kasi itong grocery.
Sinara niya ang pinto. "Okay naman ho, napadalaw ho kayo?" Tanung niya sa mama ni Oliver.
Umupo ito sa sofa, "gusto ko lang malaman kung anu ang kondisyon mo. Hindi ka ba nahihirapan na ikaw lang mag isa dito?" Umiling naman siya.
"Hindi naman ho" sagut niya at umupo sa pang isahan na upuan.
"Oo nga pala nagdala ako ng grocery para sayo" tumango lang siya.
"Hija," hinawakan ng mama ni Oliver ang kamay niya at inayus ang hibla sa buhok niya.
"Hija, alam ko magugulat ka sa sasabihin ko sayo. Si Oliver kasi ang asawa mo?" Kumunot ang noo ni Abby sa sinabi ng mama ni Oliver. Medyo kinabahan siya.
"Hindi ba siya umuwi?" Tanung ng mama ni Oliver kaya umiling siya.
Bumuntung hininga ang mama ni Oliver. "Wala na sa Pilipinas si Oliver hija, nasa Macau na ito. Doon na siya magtatrabaho"
Natahimik si Abby sa sinabi ng mama ni Oli sa kanya at kinabahan ng husto. "Se-seryoso ho kayo kailan?" Napaisip siya sa last text ni Oliver sa kanya.
Tumango ang mama ni Oliver kay Abby naawa ito kay Abby sa reaksiyon palang. "Ganun ho ba, si-sige ho maraming salamat" yun lang sinabi niya at yumuko na siya.
"Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako okay" sabi ng mama ni oli sa kanya.
Nakauwi na ang mama ni Oli at siya nakatulala sa sofa parin. Hindi pa nga niya naayus ang grocery na pinambili ng mama ni oli sa kanya. Parang hindi kasi nagsisink in sa isip niya ang sinabi ng mama ni Oli.
"Yan pala ang gusto niya. Okay" sabi niya sa sarili at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos pumasok siya sa kwarto at nag bihis, wala na din siyang pakialam sa cp niya kung nalolowbat man o wala. Umalis siya sa bahay na hindi man lang kumain. Pagdating niya sa paaralan tahimik lang siya nakikinig sa guro nila.
"Love, kanina pa ako nagtetext sayo kala ko hindi ka papasok ngayun" si Christian kararating din niya. Agad itong tumabi kay Abby, ng halikan niya sana ang pisngi ni Abby umiwas ito.
"Love, naman hahalikan lang naman kita sa pisngi" pagpilit ni Christian. Nilingun lang siya ni Abby na tahimik at binalik ang tingin sa harapan. Ng matapos ang klase nila magpractice na sila para sa graduation nila ng Marching.
"Abby, bakit hindi mo makuntak cellphone mo?" Tumayo siya at niligpit ang gamit niya.
"Baka lowbat" wala sa mood na sagut niya. Kaya nagkatinginan ang friends niya.
"Abby may problema ba?" Tanung ng isang friend niya.
"Wala naman" tipid niyang sagut. Sa totoo lang naman kasi wala talaga siya sa mood na kahit anu pati sa pagkain, pakikipag usap sa kaibigan niya wala biglang natahimik siya ng hindi niya alam. Pati nga si Christian na boyfriend niya wala na siyang pakialam. Hindi niya kinikibo.
Isa lang naman ang gusto ng katawan niya,magmukmuk sa loob ng bahay ng hindi na lumabas.
BINABASA MO ANG
My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)
Randomkung uso sa mayaman ang arranged married. samin hindi lalo na kung isang probinsiya. Meet Abbygail isang babae laki sa probinsiya. at kinasal sa isang lalaki na pinakaayaw niya. isang linggo pagkatapos sa kasal nila namatay ang magulang niya dahil...