MCW & THM - 20

1.8K 54 47
                                    


5 years after

Hindi na nakapagtapos si Abby sa pag aaral niya dahil sa nangyayari sa kanila ni Oliver. Simula ng hinatid siya ni Oliver sa coffee shop hindi niya inasahan na yun na pala ang huling pagkikita nila. Kinuha ni Oliver ang number ni Abby pero ng makabalik na ito sa ibang bansa hindi na niya nakuntak si Abby. Gustuhin man niya tawagan ang asawa hindi pwede dahil madami na siyang trabaho na dapat asikasuhin niya. Hanggang sa nakalimutan na niya ito.  Napa isip rin niya kasi na kahit anung gawin niya sa married life nila ni Abby talagang hindi na uubra.

At nakita rin niya na kahit anung mangyayari hindi siya kaya mahalin ng asawa niya si Abby. Kaya hinayaan niya lang ito. Sa puso niya binigay na niya kay Abby ang matagal ng gusto nito ang kalayaan, masakit man para sa kanya pero napaisip siya na wala parin mangyayari kung hindi siya bibitaw at manatili na siya lang ang nagmahal.

"Happy birthday Patrick"   hinalikan niya ito sa pisngi.

"Sige na blow mo na ang candle"  pinikit muna sa bata ang mata niya bago pinatay ang kandila.

Nagpalakpakan ang dumalo sa birthday ng kanyang anak. Kaunti lang din ang ginawa niyang salo salo.

Maya maya umuwi na din ang mga bisita nila. Sa limang taon na siya lang mag isa nagpalaki sa anak niyang si Patrick.

Ng nalaman niya na buntis siya gumawa siya ng paraan at sa awa ng Panginoon nagawa niyang magtayo ng isang negosyo sa online. Hindi ganun kadali ang buhay ni Abby ng hindi na nagparamdam sa kanya si Oliver.

Oras at gabi nagtatrabaho siya para sa sarili niyang pangangailangan ng hindi pa masyado kalakihan ang tiyan niya. Bumili siya ng lupa, nagpatayo ng bahay na tama lang sa kanila mag ina at nag negosyo siya ng isang grocery sa lugar nila.

Nagsimula na siya nagligpit sa mga kalat at ginamit na pinggan sa mga bisita niya. May katulong rin siya isa.

"Lorena pagkatapos mo diyan pakisara nalang sa tindahan para maaga tayo makapagpahinga"

"Opo ate" sagut ng katulong niya.

"Patrick halika magpunas tayo para makapagbihis kana"  tumayo ang si Patrick at lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ng mama niya. Hinubad ni Abby ang damit sa bata saka nilagay sa laundry basket malapit sa banyo.

"Nag enjoy ka ba sa birthday mo?" Tanung niya sa bata. Simula ng nalaman niya na buntis siya hindi siya makapaniwala na may laman na ang tiyan niya.

Ilang buwan din siya lutang ang isip niya, umiiyak sa lihim na walang dahilan. Kaya ng nalaman ng boss niya. Pinaalis siya nito sa trabaho pero binigyan siya ng pangkapital na negosyo niya.

Kaya ito na siya kahit paano lumago na, may catering na negosyo, grocery at isang coffee shop. Hindi madali sa kanya ang ginagawa niya pero para sa anak niya gagawin niya ang lahat. Nang pinanganak niya si Patrick medyo nahihirapan pa siya ng ilang buwan kaya sinamahan siya ng isang kaibigan niya.

"Yung mga regalo mo nabuksan mo na?" Tanung ni Abby kay Patrick ng nagbabanlaw sa anak niya.

"Ang iba lang. Ang iba hindi pa" sagut ng anak niya.

Pinunasan niya ng towel ang anak pagkatapos kinarga niya ito dala sa kwarto nila. At binihisan niya.

"Mama" tawag ng anak niya kaya napahinto siya sa pagbihisnito.

"Yes Patrick?" Tanung niya.

Bigla siya niyakapa ng bata "mama i love you" biglang sabi ng anak niya. Bumitaw rin ito.

Ginulo ni Abby ang buhok ni Patrick. "Teka lang bakit ka naglalambing? May gusto ka ba ha?"  Kinarga niya dala sa sala nila.

"Wala naman."  Sagut ng bata saka bumaba ito sa pagkakarga niya.

"I love you too Patrick" sagut ni Abby.

Umupo muna siya sa couch na maliit at tiningnan niya ang anak niya nagbukas ng mga regalo nito.

"Paano kung?"  Tanung ni Abby sa isip niya. Napailing nalang siya dahil ayaw na niya isipin at bigyan ng kaunting pag iisip. Alam naman niya na kinalimutan na siya nito.

Pero nagbaka sakali lang kasi siya na paano kung magkita sila ulit? Anung sasabihin niya dito?

Hindi na siguro sila magkita at matagal na yun na panahon.

Napabuntung hininga nalang siya nakatingin sa anak niyang nag eenjoy sa mga bagong laruan na niregalo sa kanya.

Tumayo siya at tinungo ang kusina para uminom ng tubig pagkatapos kumuha siya ng tuwalya niya at pumasok sa banyo. Ng matapos na siya paglabas niya hindi parin tapos ang anak niya.

Pumasok muna siya sa kwarto para magbihis at ng lumabas na siya naglalaro na ang anak niya.

"Lor, tingnan mo ang tindahan kung anung wala diyan? Tapos ilista mo"  balak niya kasi mag grocery sa linggo.

Bukas ang negosyo niya lunes hanggang byines. Sabado at linggo pahinga niya o bonding niya sa anak niya. Hindi pwede na wala siyang oras sa anak niya ito nalang meron siya. Bakit hindi niya ibibigay sa anak niya ang sabado at linggo? Malaki naman kinikita ng negosyo niya. Dahil rin siguro minsan hinahaluan niya kasi ito na isang special  sa pagluluto niya. Madalas kasi madami nagpapareseved sa kanila ng catering.

"Mama ito sakin"  turo ni Patrick ng makita niya ang favorite food niya ang chocolate delight chips.

Agad kinuha ni Abby ang turo ng anak niya ng may nakabangga siya.

"Sorry" paumanhin niya. Nakatalikod siya dito. Saka lumayo siya at nagpatuloy sa pagkuha ng mga grocery nila.

Pagkatapos sa grocery nila kumain muna sila sa isang fast food. "Anu uwi na tayo?" Tayo ni Abby sa anak niya. Si Lorena naman busy sa pagkain.

"Mamaya na mama, hindi pa ako pagud" sagut ng anak niya.


------

"Dito na titira papa?" Tanung ng isang batang babae. Kalilipat lang nila sa bago nilang bahay.

Inilibot ng bata ang paningin sa paligid ng bahay. "Bakit hindi ba pasado sa panglasa mo?" Tanung niya sa anak niya.

"Hindi naman maliit lang kasi" nakapout sabi ng bata.

"It's okay papa." Dagdag ng bata.

"Dito ang room ko" sabay pasok niya sa bakanteng kwarto.

"Kaunting ayos lang ito Naomi" sabi ng papa niya.

Pagkatapos nila nag ikot sa bahay na kalilipatan nila. Lumabas sila ng bahay saka kinuha ang mga gamit nila nasa sasakyan. Kaunti lang ang gamit nila na dala kaya bili nalang nila ang ibang gamit. 

My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon