MCW & THM - 12

2.5K 78 51
                                    

Someone's pov

Pagkatapos sa practice nila umuwi na si Abby at kasama si Christian hinatid niya si Abby. Habang nasa daan sila naglalakad tahimik lang si Abby na parang wala sa sarili o dinadala niya ang problema ng buong mundo.

Kaya kanina pa tingin ng tingin si Christian sa nobya niya.

"Love sabi ni nanay pasyal ka daw sa bahay"  hindi parin siya kinibo ni Abby.

"Love"  inakbayan siya ni Christian sa balikat kaya medyo nagulat siya at napatingin sa boyfriend niya.

"Ha? May sinasabi ka Christian? Sorry may iniisip lang ako"  saka tinanggal niya ang kamay ni Christian sa balikat niya.

"May problema ka ba Abby? Kanina ka pa tahimik. Kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka pala nakikinig" - tiningnan siya ni Christian sa mata.

"Ah si-sige salamat sa paghatid Chris" hindi niya kasi namalayan dumating na pala sila sa bahay. Sa bahay ni Oliver medyo ginabi sila sa daan sa paglalakad dahil may kadiliman narin natapos ang practice nila.

"Abby okay ka lang?"  Nag alala narin si Christian sa kanya dahil tahimik na ito simula pa kanina.

Ngumiti si Abby ng tipid. "Okay lang ako. Pagud lang siguro ito" sagut niya sa boyfriend niya at binuksan na ang gate.

"Sige na christian gabi na, salamat sa paghatid ingat"  tumango narin si christian.

"Sige Abb, Text ka ha. Bye goodnight"  saka hinalikan siya sa pisngi at umalis narin ito. Pumasok narin si Abby at binuksan ang pinto ng dahan dahan. Madilim ang nasa loob kaya kinapa niya ang switch ng ilaw. Ng bumukas ang ilaw binagsak niya ang bag sa sofa at pumunta sa kusina para kumuha ng fresh milk at ininom pagkatapos nilagay sa lababo ang baso at pumasok na siya sa kwarto.

Pagkapasok niya sa kwarto umupo sa likod ng pinto sa kwarto niya at tinukod ang tuhod niya at ang ulo niya. Hindi na niya rin binuksan ang ilaw sa kwarto niya.

Tumayo siya at nagbihis pagkatapos padabog humiga sa kama niya nakadapa. Hinayaan niyang tumulo ang luha niya na hindi niya alam kung bakit lumabas yun.

Nagising siya sa hapdi ng tiyan niya sa gutom kaya bumangun siya at pumunta sa kusina. Binuksan niya ang ref, at naghanap ng pagkain pwede niyang kainin. May nakita siyang isang box ng pizza kaya kinuha niya ito at nilantakan kaagad sa pagsubo.

Sunod sunod ang pagsubo niya ng pizza na parang bukas, binuksan niya ang tv tama naman dahil may tao pa ang tv. Kain lang siya ng kain hanggang sa nauubos niya ang pizza na binili ng mama ni Oliver para sa kanya. Kumuha pa siya ng ibang pagkain at kinain niya. Wala naman kasi siyang hapunan kaya gutum na gutum siya masyado. Pagkatapos sa pagkain niya iniwan niya ang kalat sa mesa. At umupo sa sofa habang nanunuod ng tv.

Napatingin siya sa kalendaryo. "Sana bukas nalang ang graduation para matapos ko na ang paghihintay."  At bumigay siya ng isang buntunghininga.

*****

Dumating ang araw sa graduation nila lahat ng magtatapos excited except siya si Abby. Kagaya ngayun hindi parin siya nakabihis. Mas pinili niyang hindi nalang aattend sa graduation nila total naman siya lang ang naiiba sa lahat, walang parents / guardian na kasama niya. Kaya ito siya nagmukmuk sa bahay nanunuod ng tv.

Ng bigla bumukas ang pinto. Napatingin siya ng isang pigurang babae pumasok.

"Hija, bakit hindi ka pa nagbibihis? Ayaw mo ba pupunta sa graduation mo?"  Mama pala ni Oliver.

"Oo nga Abb, magbihis kana. Ako na ang mag aayus sayo"  dagdag ng kapatid ni Oliver.

Ngumiti ng tipid si Abby sa kanila. "Wag na ho, okay lang naman kung hindi aattend, pupunta sa graduation ma, isa pa masama ang pakiramdam ko"  pagdadahilan niya.

My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon