Pagkalabas ni Oliver sa banyo nakikita niya nakatayo si Abby sa glass window at nakatingin ito sa labas.
"May gusto ka bang kainin?" Tanung niya sa asawa nakatingin parin ito sa labas.
Nilapitan niya ito sa likod. "Gusto ko ng umuwi." Sagut ni Abby sa kanya.
"Hindi ka pa pwede umuwi malakas pa ang ulan. Siguro titigil yan pero mamaya pang gabi" sagut ni Oliver na nakatingin parin sa asawa niya.
"Hindi pwede, kailangan ko na talaga makapasok sa trabaho ko Oliver dahil kung hindi baka mapaalis ako" kanina pa siya gustong umalis pero hindi pwede dahil sa lakas ng ulan.
"Abby kung pipilitin mo papasok ka sa trabaho mababasa kaparin kahit sasakay ka ng taxi" paalala ni Oliver.
"Isa pa baka magkasakit ka pa" dagdag ni Oliver.
Umalis si Abby sa glass window ng bigla siya hinila ni Oliver palapit sa kanya saka niyakap ng mahigpit. Hindi na kasi niya mapigilan ang sarili sa pangungulila sa asawa niya.
"Oliver bitiwan moko!" Pagpupumiglas ni Abby sa subrang higpit sa yakap ng asawa niya.
"Oliver Anu ba? Bitiwan moko!" Pagpupumiglas ni Abby kaya binitiwan rin siya ni Oliver ng bigla niya itong sinampal.
"I'm sorry Ab" hingi ng paumanhin sa asawa niya.
Naglakad si Abby papunta sa kama saka kinuha ang bag niya. Medyo kinabahan si Oliver.
"Abby" tawag niya.
Hinarap siya ni Abby na medyo mapait ang mukha nito.
"Oliver, wala na tayo. Pinirmahn ko na ang annulment papers na dala mo nung umuwi ka sa probinsya. At wala na rin tayo" sabay talikod ni Abby.
"Alam ko Abbygail pero hindi mo ba ako kayang mahalin Ab? Kahit kaunti man lang? Yung nangyayari satin? Anu yun? Wala lang ba yun para sayo? Namimiss na kita ng subra Ab"
Napatigil sa paghakbang si Abby malapit sa may pinto.
"Lahat ng ito para sayo Ab" dagdag ni Oliver. Tumalikod siya kay Abby at humarap sa glass window.
"Matagal na yun Oliver at pwede ba kalimutan mo na yun? Tsaka babayaran naman kita kung magkapera na ako" sagut ni Abby.
Tahimik parin si Oliver na nakatingin sa labas.
Nilapitan ni Oliver ang asawa na nakaupo sa paanan ng kama "hindi mo naman kailangan magtrabaho Ab, dahil dito ako para tulungan ka sa pag aaral mo." Dahil yun ang pangako niya sa magulang ni Abby bago ito nawalan ng buhay.
Tiningala niya ang asawa na nakatayo sa harapan niya saka umupo ito sa tabi niya.
"Kailangan ko mabuhay mag isa para sa sarili ko, hindi lang ito tungkol sa buhay na gusto ko kuya Oliver. Gusto ko rin matuto paano mamuhay, paano kikita ng pera sa sarili kung paraan. Hindi naman ako pwede aasa nalang ng aasa sayo. Kaya nga nagpakalayo ako sayo"
"Pero Abby bata ka pa"
"Bakit kuya Oliver porket bata pa lang ako hindi ko na magagawa ang gusto ko? Gusto ko matuto habang maaga pa lalo na ngayun mag isa lang ako"
"Hindi ba pwede bigyan moko ng consideration sa buhay ko? Bilang ako? Bilang tao? Hanggang diyan ka hindi ako matuto.? Hindi sa lahat ng panahon nasa tabi kita"
Napahilamos si Oliver sa mukha niya at nilingun ang katabi na asawa. Na nagpupunas ng luha sa pisngi nito.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinahiran niya ang luha ng asawa pagkatapos niyakap niya ito saka kumalas sa yakap.
BINABASA MO ANG
My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)
Randomkung uso sa mayaman ang arranged married. samin hindi lalo na kung isang probinsiya. Meet Abbygail isang babae laki sa probinsiya. at kinasal sa isang lalaki na pinakaayaw niya. isang linggo pagkatapos sa kasal nila namatay ang magulang niya dahil...