MCW & THM 7

2.1K 76 6
                                    

Someone's pov

"Sandali ihahatid kita" dali dali kinuha ni Oliver ang motor niya at pinaandar ang makina nito. Napangiti siya ng lihim ng makita niya ang asawa niya nakatayo sa gate ng bahay niya kaya dali dali niya nilabas ang motor.

"Ako na magsasara"  sabay tayo niya at tinungo ang gate para isara ng malock niya. Bumalik siya sa motor at sumakay. Tiningnan niya si Abby sa suot nitong gown na binili niya subrang bagay sa asawa niya lalo na kumukurba ang katawan nito. At sinuot din ang sandal's na binili niya.

Sumakay na ito sa likod niya na binabae. "Humawak ka baka mahulog ka"  sabi ni Oliver sa asawa niya. Dinala niya sa tiyan niya ang kamay ni Abby.

Dahan dahan lang siya nagpatakbo sa motor na pinagmaneho niya. Baka kasi maaksidente sila kung bibilisan niya. Ng malapit na sila sa gym at may mga ibang student bihis narin. Lahat ng mata nakatingin sa kanya Abby. Walang tao na hindi napapatingin kay Abby sa suot niya.

"Tingnan niyo ang ganda ni Abbygail." 

Rinig nilang sabi ng isang studyante. Kaya napatingin si Oliver kay Abby na ngiti sa labi.

"Kuya niya ba yan? Ang gwapo"  sabi ng isang studyante sa katabi nito. Pagkababa ni Abby sa motor. Dire diretso nalang siya naglakad papasok sa gym na hindi na nilingun ang asawa niya. Umalis narin si Oliver at ng makarating siya sa bahay nila niligpit niya ang kalat ni Abby kanina na nagbibihis. Pati ang kwarto ng asawa niya pinalitan ng kurtina, cover's pillow at sa kama. Kinuha niya ang maduming damit nito at dinala sa labas. Pinagsabay niya ang damit niya at damit ni Abby sa pagwashing. Habang umiikot ang washing naglilinis naman siya sa kusina nila. Tinapun ang hindi dapat kainin.

Kinamay narin niya ang paglaba sa bra ng asawa niya. Nasasanay narin si Abby sa ginawa ni Oliver sa kanya. Ang magplantsa sa damit na uniform sa school, ang baon sa lunch at baon na pera, kahit sa damit sa paglalaba nasanay na si Abby.

Pagkatapos sa ginawa ni Oliver na paglilinis sa bahay niya. Umalis siya pumunta siya sa palengke para mamimili ng kunsumo nila. Ulam lahat na pangkusina. Bumili rin si Oliver ng damit ni Abby alam niya magugustuhan yun ni Abby dahil sa color nito.pagkauwi niya nagluto siya at ng matapos na ang lahat hinintay na niya si Abby sa labas.

Madilim na pero hindi pa dumating si Abby. Nag alala na siya na baka nilayasan na siya nito. Ng may huminto na motor sa tapat ng gate ng bahay niya. Si Abby sakay ng isang motor. Bumaba ito at nag uusap muna sila ng driver. Napatingin siya sa magkahawak kamay ni Abby at ng lalaki.

Aaminin niya nasasaktan siya sa nakikita niya ngayun at nasa harapan mismo ng bahay niya.totoo nga ang sumbung sa kanya sa mga kapitbahay niya na may relasyon na ibang lalaki ang asawa niya. Gusto niya suntukin ang lalaki at bugbugin.

Napaisip rin siya na baka layasan siya ni Abby kung nagkataon binugbug niya ang lalaki. Narinig niya umalis na ang motor at narinig bumukas ang gate. Tahimik lang siya tinungo ang likod at doon binuhos niya ang sakit sa nararamdaman niya. 

Pagkapasok ni Abby sa bahay tahimik at walang ilaw kaya binuksan niya ang ilaw sa sala at tinungo ang kwarto niya. Hinubad niya ang sandal niya. Ng hindi niya maabut ang zipper sa likod niya hinanap niya si Oliver. Wala sa kwarto at wala sa banyo.

"Saan naman kaya yunpumunta"  tanung niya sa sarili niya. Sakto naman bumukas ang pinto sa kusina at pumasok si Oliver na amoy Alak na kaunti.

"Saan ka pumunta? Pakibukas sa likod ko. Hindi ko maabut e"  sabay talikod ni Abby sa kanya.

Dahan dahan binuksan ni Oliver ang likod sa zipper ng damit niya. At iniwan siya nito nakatayo.

"Pagkatapos mo nagbihis kumain ka narin" at kumuha siya ng pinggan para ipaghanda niya si Abby. Bumukas ang pinto at pumunta sa kusina. Busy si Oliver sa paglagay ng ulam sa pinggan.

Umupo narin si Abby. "Kumain ka na"  sabi ni Oliver sa kanya pagkatapos nilagpasan siya sa lalaki.

At pumasok sa kwarto nito. Masyado na syang nasasaktan sa nakikita niya. Lumabas si Oliver sa kwarto at tinungo ang kusina. Katatapos narin ni Abby kumain.

"Ab, anung gusto mo sa birthday mo? Saan ang gusto mo?" Tanung sa kanya ni Oli.

Nakatayo ito sa may pintuan. "Kahit saan, kahit wag na. Sabi kasi ni Christian magdadate kami sa birthday ko"  nakangiti niyang sabi nito sa asawa.

Tumango nalang si Oliver at ngumiti. Saka niligpit ang mga pinggan na pinag gamitan.

Pumasok narin sa kwarto niya si Abby pagkatapos kumain. Ng may naalala si Oliver kaya tumayo siya at tinungo ang pinambili niya kanina. Pinuntahanhan niya ang kwarto ni Abby at binigay sa asawa niya ang pinagbili niya.

"Kung hindi ka busy sa mall naman tayo pupunta. Para makapamasyal ka"   dagdag ni Oliver. Pero hindi na siya kinibo ni Abby at sinara na ang pinto sa kwarto nito. Bumalik ulit sa kusina si Oliver at nagsimula ng maghugas ng pinggan.

Nasa labas siya sa terrace ng bahay niya. At malayo ang tingin niya. Malalim kasi ang iniisip niya. Iniisip niya kasi kung bitiwan na ba niya si Abby.?  Simula ng kinasal sila wala na itong nagawa kung hindi man siya iiwasan ng asawa. Hindi kinakausap.

My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon