Napabuntung hininga si Abby pagkarating niya sa boarding house niya umaga na kasi at kailangan na niya pumasok sa klase niya. Dali dali siya nagbihis ng damit pagkatapos sinira din niya ang pinto at dali dali tumakbo papunta sa university na pinapasukan niya. Napahinto siya ng tinawag ng security guard "Miss bawal pumasok ng walang id" napabuntung hininga nalang siya at lumapit sa kanya ang security guard.
"Guard wala pa ho yung id ko, kukunin ko pa yun mamaya"
Tiningnan siya ng guard mula ulo hanggang paa. "Sige miss" sagut ng guard.
"Salamat ho" saka tumakbo siya paakyat sa isang building nasa second floor kasi ang room niya.
Pagkarating niya napatingin lahat ng classmate niya at ang prof nila. "Sorry i'm late" paumahin niya sa prof nila.
Saka umupo na siya sa likod. Halos nagpang umabut sa sahig ang hininga niya dahil sa pagtakbo niya para makahabul sa klase niya pagkatapos ng klase niya pumunta naman siya sa kabilang building para sa isang subject niya.
"Abbygail?"
Napahinto siya ng may tumawag sa pangalan niya at nilingun niya ito nakangiti itong papalapit sa kanya.
"Sabi ko nga ba, ikaw talaga yung nakita ko kanina"
Napakunot ang noo ni Abbygail sa sinabi ng lalaki sa kanya.
"Kilala ba kita sir?" Diretsahan niyang tanung sa lalaki nakasuot din ito ng uniporme ng isang guro.
"Ah yes, nakalimutan mo na ba? Ako si Terrence yung kaibigan ni Oliver dito ako nagtuturo pwede ba tayo mag usap o pagkatapos sa klase mo?"
Napatango lang si Abby habang nakatayo at nakatitig sa guro palapit sa kanya.
"Tungkol saan ho sir? May trabaho pa kasi ako mamaya"
"Tungkol sa pag aaral mo dito sa university, saglit lang naman Abby" sabi ng guro.
Tumango lang si Abby at tahimik napapaisip. "Okay sir" sagut niya sa guro saka tumalikod at nagsimula ng maglakad.
Pagkatapos ng klase niya agad siya pumunta sa cafeteria kung saan doon sila mag uusap nasa loob rin naman ito ng university. Pagkababa niya sa tricycle kaagad siya pumasok sa cafeteria ng makita niya si Terrence sa labas.
"Sir good afternoon ho" bati niya sa guro. Agad naman siya umupo.
Nakatitig ang guro kay Abby ng sandali. "Kamusta kana?" Tanung ng guro sa kanya.
"Okay lang naman sir" tipid niyang sagut.
"Okay Abby ang tungkol sa pag aaral mo dito sa university. Wala ka naman dapat problemahin dahil unang una, bayad ka na sa mga tuition mo sa apat na taon" natigilan si Abby at napakunot ang noo niya sa narinig niya.
"Ho' ho? Sino naman ho nagbayad? Sir Terrence? Sisiguruhin ko naman sa inyo makabayad ako pagdating sa tuition ko ho dito. Wala kayong dapat problemahin pa" medyo kinabahan si Abby sa sinabi ng guro.
Ngumiti ang guro "yung boarding house tinuluyan mo ngayun binayaran narin yun."
"Mali ang pagkakaintindi mo Abby sa sinabi ko, ikaw na ang walang dapat problemahin sa lahat ng gastusin mo dito sa paaralan dahil ang lahat ng mga yun tapos na, bayad na"
"Pero sino nagbayad sir?" Takang tanung niya dahil wala naman siyang kilala na malalaking at kilala na tao para gawin ito sa kanya.
"Si Oliver Abby ang asawa mo"
Natigilan si Abby sa sinabi ng guro.
"Pakisabi sa kanya kung saan man siya ngayun na hindi niya dapat ginawa ito, pakisabi narin sa kanya babayaran ko siya kung makaluwag luwag ako" saka tumayo siya at umalis.
Tahimik lang si Abby naglakad palabas sa university habang lutang ang isip niya. Gusto niyang umiyak, sumigaw dahil sa subrang sikip ng dibdib niya.
"Anu ba miss, pwede ba tumingin ka sa dinaanan mo?" Sabay lagpas sa kanya. Nakabangga niya kasi ang lalaki na hindi niya sinasadya dahil sa iniisip niya.
Tinuloy lang niya ang paglakad palabas sa university ng nagsitakbuhan ang mga estudyante papunta sa kabilang building.
"Miss anung meron?" Tanung niya sa isang estudyante rin na papunta sa kinaroroonan ng mga nagsitakbuhan.
"Meron daw babae gusto tumalon sa building mula sa taas" sagut ng babae kaya bigla kinabahan si Abby, bumalik rin siya at nakisabay sa mga estudyante nagtakbuhan hanggang sa marating nila ang sinasabi na building at pag angat niya ng tingin tama nga may isang babae nasa taas.
"Nagpapansin naman siya" sabi ng isang babae nasa gilid niya kaya napalingun si Abby.
"Paano kasi desperada na para mapansin lang ni Jeron" sagut ng isang babae medyo may pagkakulot buhok niya.
"Nagpaganda pa pero yun hindi parin pinapansin" dagdag ng isang babae.
Yun pala ang dahilan ng babae kaya pala gusto tumalon nito sa building. Umalis ulit si Abby doon sa madaming estudyante at nagsimula ng naglakad palabas ng gate sa university.
Ilang minuto din nakalabas na siya sa university malapit ng dumilim kaya dinalian niya ang pag lakad papunta sa boarding house na tinutuluyan niya. Ng makarating siya kaagad naman siya nagbihis ng damit. Napaupo saglit siya sa maliit na upuan na pang isahan. Pinikit niya ang mata niya at hinilot hilot ang batok niya.
Medyo pagud narin siya kasi kahapun pa siya walang pahinga at gusto nadin ng katawan niya humiga na kaso hindi pwede dahil kailangan niya ng pera kaya tumayo siya ulit at naghilamos, pumasok narin siya sa banyo at naligo pagkatapos nagbihis para pumasok na sa trabaho niya.
Napatingin siya sa cellphone niya nasa ibabaw ng higaan niya. "Kamusta kana?"
Isang message mula sa apps na ginamit niya hindi ito messenger. Kumunot ang noo ni Abby sa nabasa niya hindi naman niya ito kilala nagmessage sa kanya. Ito kasi ang unang beses na may nagmessage sa kanya at nagtanung.
May sumunod na message ulit.
"Si Oliver ito" bigla niya tinapun sa ibabaw ng higaan niya ang cellphone at dali dali kinuha ang bag niya at lumabas sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)
Randomkung uso sa mayaman ang arranged married. samin hindi lalo na kung isang probinsiya. Meet Abbygail isang babae laki sa probinsiya. at kinasal sa isang lalaki na pinakaayaw niya. isang linggo pagkatapos sa kasal nila namatay ang magulang niya dahil...