MCW & THM 24

648 14 4
                                    

Hindi makatulog ng husto si Abby. Maya't maya tiningnan niya ang katabi niyang anak.

Napahaplos si Abby sa buhok ng anak niya habang mahimbing ito natutulog at napangiti siya ng maalala niya ang nangyari.

Bumangun narin siya dahil kahit anung gawin niya gising ang diwa niya at nakangiti ang diwa niya ng hindi niya alam na pati siya nakangiti. Tinungo niya ang kusina para sa pagluluto ng mga ulam niya na benibinta niya tuwing umaga. Madami narin ang mga custumer niya kaya ginanahan siya magtinda. Paano kasi hindi aabutan ng tanghali ang mga ulam na binibinta niya. Ang dali lang kasi nito maubus. Kung bibilangin ang ulam binibinta ni Abby aabut ng sampu.

May dumaan kasi na ibang tao at minsan doon na rin kakain. Lalo na pagtuwing umaga. Kapag kasi tuna chorizo at fried egg may kasamang kape yan madalas hinahanap sa kanya.

Pero ang mas mabenta sa kanya. Yung Fried egg na may kasamang bulad na prito at hotdog with hot chocolate. Kaya ito siya naghahanda na.

Nagising ang kasama niya sa bahay na ang katulong niya.

"Ate Abby? Ba't ang aga mo nagising?" Takang tanung ni Lhea.

Hindi naman kasi ito gigising ng ganito kaaga.

"Hindi kasi ako makatulog. Bumalik kana sa pagtulog mo. Gising ka nalang mamaya"  sabi ni Abby.




"Hindi narin naman ako antok. Tulungan na kita"   sabi ng katulong niya.

"Wag na matulog ka nalang ulit. Mag aala una pa masyado pang maaga"  sagut ni Abby.

"Sige ho ate"   saka pumasok ulit ito sa kwarto niya. Si Abby naman pinagpatuloy ang paghiwa sa mga lulutuin niya.

Napangiti naman siya ng maalala niya. "Bakit ko ba yun sinagut ang tanung niya. Dapat hindi ko nalang yun sinagut hinayaan ko nalang sana yun"   sabi ni Abby sa sarili niya.

Inayus ni Abby sa tindahan niya yung mga binili niya kahapun. At naglinis na ng bahay niya. Nagsimula narin siya nagluto.


Nagising ang si Lhea ng tumunog ang mantika sa kawali ng nilagay na ni Abby ang gulay.


Napalingun si Abby kay Lhea kakalabas lang sa kwarto nito.

"Lhea, pakibukas mo nalang ang tindahan"   utos ni Abby.

Natapos narin ni Abby ang mga ulam na ibibinta niya sa oras ng six thirty. Sunod sunod na nila nilagay sa lalagyan ang mga ulam.




Tiningnan ni Lhea si Abby. Himala kasi gumising ng masyadong napaka aga nito.

"Ate hindi ka ba natulog?" Tanung ni Lhea.

"Hindi ako makatulog eh kahit anung posisyon ko."   Sagut ni Abby.





"Baka may nag isip sayo?"   Ulit ni Lhea.

Napangiti si Abby sa lihim. Iwan ba niya feel niya kasi parang ang gaan ngayun sa mga trabaho niya at puno ng excitement ang isip at puso niya.















******

"Hi"    bati ni Rose sa kay Oliver. Busy ito sa trabaho niya sa computer niya.

Umupo si Rose sa di kalayuan kay Oliver. "Sabihin mo na"   sabi ni Oliver. Alam niya kasi may gusto itong sasabihin sa kanya.


"Gusto ko sana magbussiness kahit maliit lang. Para may sarili din akong income."    Umpisa ni Rose. Matagal na niya itong pinag isipan ng mabuti. Isa pa bored na siya maiwan sa bahay nila. Maliit pa.






"Like what?"        Tanung ni Oliver na nakafocus sa trabaho niya sa computer.



"Kahit ano, like perfume's, food, ganun"  sagut ni Rose.



Nilingun siya ni Oliver. "Are you sure?"    Sinisigurado ni Oliver ang plano ni Rose. Mahirap na baka mabiktima ito sa pangloloko. Hindi pa naman sanay si Rose sa mga business.





Tumango si Rose. "Oo"   tipid niyang sagut. Saka bumuntung hininga.




"Kailangan ko matuto kahit papaano, kailangan ko rin ng sariling income. Hindi pwede nakaasa lang kami sayo ng anak ko. Dahil alam ko darating ang araw iiwan mo kami"   sabi ni Rose.







"Gusto ko rin matuto at tanggapin na ganito na talaga kami. Hindi na babalik ang dati naming buhay Oli. Kaya kahit hindi ako marunong dapat pag aralan ko. Wala rin naman tutulong samin hanggang sa huli kundi kami lang dalawa ng anak ko"     dagdag ni Rose.


"Kung gusto mo talaga mag negosyo kahit maliit lang"     putol ni Oliver.

Kumunot naman ang noo ni Rose. "Simple lang pwede ka magsimula ng sampung libo. Yes sampung libo. Sa sampung libo madami na ang mabibili mo niyan. At dahil walang tindahan dito sa nilipatan natin at kung meron man medyo malayo kaunti. Magtinda ka dito satin ng mga groceries, dagdagan mo ng mga gulay display mo sa labas. Syempre ang mga presyo aayusin mo yan at sa pagsukli ng mga bibili."    Sabi ni Oliver.






"Hindi naman kasi pwede pagsabayin mo yang lahat lalo't magsisimula ka palang. At kung marunong ka humawak ng pera. Aangat ulit ang buhay niyo mag ina"    sabi ni Oliver.




Napaisip si Oliver sa nakita niyang negosyo ni Abby. Kung paano ito napasok lahat ng negosyo niya.

Napangiti si Oliver kung maiisip niya si Abby. Hindi niya kasi inakala na magiging negosyante si Abby lalo pa't sa pagkakilala niya dito hindi maganda ang pagsama nila.




"So kailan ka ulit magsimula?" Tanung ni Oliver.

"Pwede na ba nextweek?"   Alanganin na tanung ni Rose.


"Sige. Pero papagawa muna natin ang tindahan. Tsaka kapag nag grocery ka wag mong iwala ang resibo lahat ng pinambili mo dahil doon ka magbabase sa presyo mo sa custumer dito"   dagdag ni Oliver.






"Sige" tipid na sagut ni Rose.



Nagpagawa sila kaagad ng isang tindahan sa may gate banda. Hindi naman kalakihan ang tindahan.





Si Rose naman excited na siya sa magiging negosyo niya at kinabahan. Hindi niya kasi alam kung paano.




Tiningnan niya si Oliver sa labas mula sa kinatatayuan niya. Isang lalaki na mapagmahal at maunawin. Pero hindi para sa kanya ang lalaki.


"Okay ka lang?" Tanung ni Oliver kay Rose na nakatingin parin sa labas ito. Ito kasi ang nakita niya na pagkapasok nakatingin sa labas.



Nilingun ni Rose si Oliver na umiinom ng tubig sa kusina. Gustong gusto niya itong yakapin. Gustong gusto niya si Oliver dahil hindi ito mahirap mahalin.




Kaya lang dumistansya na siya ng dahan dahan kay Oliver. Baka kasi mas lalo siyang mahihirapan kapag dikit siya ng dikit kay Oliver.






Pagkatapos sa tindahan nila. Pumunta na sila sa supermarket. Mamili na sila at pagkatapos dadaan muna sila sa palengke bago dahil bibili sa mga gulay na dapat idisplay na.

My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon