MCW & THM - 8

2.1K 68 4
                                    

Someone's pov

Agad pumasok si Abby sa kwarto niya habang si Oliver naghuhugas ng pinggan. Pagkatapos nilinis niya ang kusina. Tinungo niya ang likod at tinungga ang alak na naiwan niya kanina.

Napabuntung hininga siya at napaupo sa upuan sa gilid. Sunod sunod niya tinungga ang alak nasa bote ng  maalala naman niya ang nakita kanina. "Panahon na siguro kung papabayaan na kita"  sabay tungga niya sa bote ng alak.

Wala pa silang mag isang taon na kinasal. Pero ito siya sadyang tinototoo ni Abbygail ang sinabi sa kanya na hindi talaga siya nitong kaya mahalin. Tumayo siya at pumasok sa kusina. Nilock ang pinto at pumasok sa kwarto niya kumuha ng pera at lumabas sa kwarto niya ng dire diretso.

Lumabas siya sa gate at tinungo ang tindahan. Bibili siya ng ulam para bukas sa umaga. Napahinto siya ng may narinig siyang nag uusap.

"Ako na ang naawa kay Oliver Pre sa nakikita ko kanina"  sabi ng isang lalaki.

"Sinabihan ko na si Oliver tungkol sa asawa niya pero hindi siya nakikinig e. Iwan ko ba. Sinasaktan lang siya ng Abbygail na yun"    rinig niyang sabi ni Manang ang nagmamay ari ng tindahan.

"Ako ang nasasayangan kay Oliver. Mabait na bata at gwapo pa."  Dagdag ni manang.

"Ako pa sa kanya iiwan ko na yan"  dagdag ulit ni manang.

Tama naman si Manang sinasaktan lang niya ang sarili niya.  Agad siya dumiretso sa gitna kaya natahimik ang tatlo.

"Oliver"  sabi ni manang.

"Pabili ng de lata manang at itlog tatlo"  agad naman binigay ni Manang sa kanya.

"Pre,"  tumango lang ang barkada niya sa kanya. Pagkatapos niya bumili umalis narin siya sa tindahan. Pagkapasok niya sa bahay niya. Sinara na niya ang gate at nilock pagkatapos pumasok na siya sa loob ng bahay.

Nilagay niya sa lamesa ang de lata. At papasok sa kwarto niya ng bigla bumukas ang pinto ng banyo at nilabas doon si Abbygail nakatuwalya lang ito. Nakatingin lang ito sa kanya at nilagpasan siya. Pumasok narin siya sa kwarto niya at dali dali nilock ang pinto.

Ganyan naman silang dalawa ni Abbygail pareho nila nakikita ang sarili nila na nakatuwalya lang. Minsan naiisip rin niya na nung hindi pa sila kasal ni Abbygail may iba kaya ito? Dahil hindi naman gagawin ng isang babae ang nakatuwalya lang galing sa banyo lalo na kung may kasamang lalaki sa bahay.

Pero napaisip rin siya na siguro ganito talaga si Abby niya. Kinuha niya ang tuwalya niya at pumasok sa banyo para mahimasmasan sa mga pinag iisip niya. Pagkatapos lumabas na siya at dumiretso sa kwarto niya nagbibihis.

Pagkatapos niya naisuot ang sando niya humiga na siya sa kama niya at pinikit ang mata niya. Ngunit lumipas ang isang oras hindi parin siya nakakatulog kaya tumayo siya at lumabas sa kwarto niya tinungo ang kwarto ng asawa niya at kinatok.

Bumukas ito after minutes sa pagkatok niya. Parang kagagaling lang ito sa kama. Tumingin lang ito sa kanya nakaangat ang pinto kaunti.

"Bu-bukas aalis tayo. Maghahanap tayo ng school mo papasukan"  kinabahan si Oliver kaya nauutal siya sa pagsasalita. Baka kasi singhalan naman siya nito.

"Okay"  sagut ng asawa niya. Tumango si Oliver na may ngiti sa labi.

"Si-sige ba-balik na ako sa kwarto ko"  paalam ni Oliver sa asawa. Hindi pa siya nakakaalis at nilingun niya para mag goodnight ng narinig niya sumara ito kaya napatingin siya.

"Goodnight Abby"  sabi niya nalang sa sarili niya.

Kinabukasan maaga nagising si Oliver para sa paghanda ng almusal nila. Simula ng kinasal sila ni Abby siya na ang nagluluto ng pagkain nila. Pagkatapos nila kumain na walang imikan kanya kanya na sila nagbibihis. Ng nauna natapos si Oliver lumabas na siya at sinara ang pinto sa kwarto niya. Umupo muna siya sa sofa at hinintay si Abby. Ng makalabas ito. Agad naman siya tumayo.

My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon