Someone's pov
Dahan dahan binuksan ni Abby ang pinto ng pagkabalik niya. Pinakiramdaman niya kung gising na si Oliver pero parang tahimik ang paligid kaya pumasok siya sa loob at dahan dahan sinara ang pinto. Dumiretso siya sa kusina at bumukas ng ref para tingnan kung anung pwede lulutuin niya.
Agad niya kinuha ang chicken nuggets,hotdog,itlog at sangkap sa fried rice na gagawin niya.
Natuto kasi siyang nagluluto ng iniwan siya ni Oliver mag isa sa bahay. Sa umpisa nahihirapan siya dahil puro sunog lahat ng naluto niya pero sinubukan niya parin magluto. Mabuti nga lang hindi sumabog ang bahay. Ng matuto siya sa pagluto ng paunti unti napangiti siya ng lihim. Dahil hindi niya inakala na matuto siya sa sariling paraan. Hinanda na niya ang gagamitin sa pagluto niya. Napatingin siya sa wallclock maaga pa kaya hindi namalayan ni Oliver umalis siya.
Sa pag alis kasi ni Oliver sinubukan niya lahat ng makakaya niya na kaya niya mabubuhay siya na siya lang mag isa. Nag umpisa siya paano maglinis ng bahay isa isa, paano magluto at maglaba at lahat ng yun sa tulong ng internet sa cellphone niya dahan dahan niyang natutunan lahat lahat. At ang lahat na yun bago niya ginawa inalis niya sa alala niya lahat ng ginawa ni Oliver sa kanya na parang prinsesa.
Inalis niya sa alala lahat lahat kahit kaunting bagay nagpapaalala sa kanya kay Oliver at sa sarili niya tinuring niya na isang estranghero si Oliver sa buhay niya. Kaya lang binigay niya ang sarili niya sa asawa niya para sa kabayaran na ginawa nito sa kanya, sa pagtulong sa buhay niya ng nawala ang mga magulang niya.
Pinahid niya ang luha sa pisnge niya at naghilamos sa lababo para hindi mahahalata na umiyak siya. Nagpunas siya pagkatapos nagsimula na sa pagluto. Inuna niya ang chicken nuggets ng mag golden brown ito at luto na kinuha na niya, sinunod naman niya ang hotdog nilagyan niya kaunti ng tubig at ng mawala ng tubig at luto na ito nilagyan niya ng mantika. Pagkatapos sinunod niya ang fried rice na hinaluan niya ng itlog at ng carrots na maliliit sa pagkahiwa.
Habang nagluluto si Abby bigla nalang siya napaigtad ng may yumakap sa kanya mula sa likuran.
"Morning" bati sa kanya ni Oliver na nakayakap sa kanya mula sa likuran niya.
"Ang bango niyan Ab, ako na baka mapaso ka pa" bumitaw sa pagkayakap si Oliver kay Abby at kinuha ang frying pan pero hindi binigay ni Abby. Tiningnan niya lang si Oliver at binigyan ng tipid na ngiti.
"Umupo ka nalang" saka pinatay ni Abby ang apoy.
"Pero Ab' sige" walang nagawa si Oliver ng nakita niya pinatay ni Abby ang apoy at kumuha ng bowl na malaki para paglagyan sa fried rice. Habang naglilipat ng niluto si Abby sa bowl puno ng pagtataka ang tingin at nasa isip niya. Hindi niya kasi inakala na marunong na ang asawa niya sa pagluluto at hindi ito natatakot na mapaso.
"Kailan kapa natuto sa pagluto Ab?" Hindi na napigilan ni Oliver ang sarili na tanungin si Abby. Nilingun siya ng asawa na nagtitimpla ng kape para sa kanya. Ito kasi ang unang beses na pinagtimpla siya ng kape.
Nilapag ni Abby sa gilid ng pinggan ang tasa sa kape ni Oliver. "Kung kulang ng asukal sabihin mo lang. Hindi ko kasi alam ang timpla mo" sabi ni Abby na pilit ngumiti. Pinagsilbihan niya si Oliver sa maliit na oras at alam niya kasi ito na ang huling pagsasama o pagkikita nila.
Umupo narin si Abby pagkatapos niya nilagyan ng fried rice ang pinggan ni Oliver. Habang nakatitig parin si Oliver sa asawa niya.
Uminom ng kaunti si Oliver sa pinagtimpla ng kape sa asawa at agad niya nagustuhan yun dahil tamang tama lang ang timplada nito hindi matamis at hindi matabang. Nilingun niya si Abby na tahimik lang kumakain.
"Bakit?" Takang tanung ni Abby sa asawa niya. Kanina pa kasi niya napapansin na nakatitig ito sa kanya habang kumakain siya.
"Gusto ko yung timplada mo sa kape ko sakto lang sa tamis" tumango lang si Abby at ngumiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/150762578-288-k540183.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)
Randomkung uso sa mayaman ang arranged married. samin hindi lalo na kung isang probinsiya. Meet Abbygail isang babae laki sa probinsiya. at kinasal sa isang lalaki na pinakaayaw niya. isang linggo pagkatapos sa kasal nila namatay ang magulang niya dahil...