Someone's pov
Pagkarating nila sa bahay ni Oliver agad silang pumasok.
"Ma"
Tawag ni Oliver sa mama niya ng makita ito sa labas ng bahay nila may tinapun. Lumingun ang mama ni Oliver at nilapitan sila.
"Oliver, bakit hindi kayo nagpasabi na dadalaw kayong dalawa ngayun. Abbygail nak kamusta ka na?"
Niyakap siya ng mama ni Oliver. "Okay lang naman ho ma" sagut ni Abby na napatingin kay Oliver.
"Ma, gusto lang namin kayo kamustahin dito. Si Popsi saan na? Yung ibang kapatid ko?" Hanap ni Oliver sa kapatid niya.
"Si Aliyah nasa kwarto niya. Tara pasok tayo" aya sa kanila ng mama ni Oliver na kaagad naman sila pumasok. Hinawakan sa kamay si Abbygail sa mama ni Oliver.
Pagkapasok nila sa loob nakita nila si Aliyah galing sa kusina.
"Kuya? Mabuti nakadalaw ka. Namimiss kita kuya" napangiti si Oliver kahit kailan talaga ang kapatid niya.
"Oo naman namimiss ko kayo. Kamusta na ang pag aaral mo?" Tanung ni Oliver sa kapatid niya. Tumingala ang kapatid niya at kumalas sa pagkayakap sa kanya.
"Okay lang naman kuya" sagut ni Aliyah.
Nilingun ni Aliyah si Abbygail at sinimangutan. "Sana hindi ka nalang sumama kay Kuya pumunta dito" umiinit kasi ang dugo niya kay Abby kung makikita niya ito.
"Aliyah tama na yan. Oliver, Abby halika kayo sa kusina ipaghanda ko kayo ng meryenda" nauna ng pumasok ang mama ni Oliver sa kusina.
"Mama, aalis muna ako magkikita lang kami sa barkada ko" paalam ni Aliyah.
Kinuha niya ang bag niya. "Kuya mauuna na ako" paalam ni Aliyah.
"Mag iingat ka, wag kang magpagabi" paalala ng mama nila.
"Opo" sabay labas ni Aliyah sa bahay nila. Pumasok naman si Oliver at Abby sa kusina.
Nakikita ni Oliver naghahanda ang mama niya sa meryenda para sa kanila kaya nilapitan niya ito. Nanunuod lang si Abby sa kanila ng may pumasok ang isang kapatid ni Oliver si Iris.
"Oh Oli nandito pala kayo? Kanina lang ba kayo?" Tiningnan lang nito si Abby ni Iris .
Inangat ni Oliver ang tingin niya sa nagsalita. "Hindi paman gaano ate." Sagut ni Oliver sa kapatid niya.
"Sinabi ko naman sa kanya nak na dapat tumawag siya para mapaghandaan natin ng makakain silang dalawa ni Abby" saka ngumiti ito kay Abby ang mama nila.
"Ito hija masarap ito" binigyan siya ng mama ni Oliver ng kakanin.
"Maraming salamat ho" pasalamat ni Abby sa mama ni Oliver ngumiti lang ito.
Alam naman niya na sa umpisa palang ayaw ng dalawang kapatid ni Oliver sa kanya. Pero anung magagawa niya si Oliver ang nagpumilit na magpakasal sila isa pa hindi naman ang kapatid niya ang kasama sa bahay kundi ang asawa niyang si Oliver.
Pero yun nga, hanggang ngayun hindi siya tanggap ng dalawang kapatid ni Oli.
Napaigtad siya ng bigla siya akbayan ni Oliver. "Okay ka lang? Gusto mo umuwi na tayo?" Bulong sa kanya ng asawa.
Binigyan niya lang ito ng isang matipid na ngiti.. "ah ma, hindi na kami magtatagal uuwi na kami baka gabihin pa kami sa daan" paalam ni Oliver sa mama niya na kinaangat ng tingin nito.
"Ganun ba? Pwede naman kayo dito nalang matulog."
Nilingun ni Oliver si Abby na tahimik lang kumakain. "Wag na ma, may practice pa sila ni Abby bukas sa school" pagdadahilan ni Oli.
![](https://img.wattpad.com/cover/150762578-288-k540183.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)
Randomkung uso sa mayaman ang arranged married. samin hindi lalo na kung isang probinsiya. Meet Abbygail isang babae laki sa probinsiya. at kinasal sa isang lalaki na pinakaayaw niya. isang linggo pagkatapos sa kasal nila namatay ang magulang niya dahil...