MCW & THM - 4

2.5K 75 2
                                    

Oliver

"Sige na Alisa ako na maghihintay sa asawa ko"  

"Samahan na kita baka mapano ka pa hindi ka pa magaling."

'Pst bakit kasi kailangan niya hintayin yung walang hiya na babae'  

"Alisa may sinasabi ka ba?"  

Agad naman siya umiling at tumayo. "Uwi na ako Oliver mag iingat ka okay"  tinapik niya ang balikat ko.

Tumango ako "okay sige ingat"  paangat ko sa kanya. Ng makalabas siya sa gate inangat ki ang tingin ko sa relo wala pa si Abby. Gabi na saan kaya yun nagpunta?.

Bumaba ako at tinungo ang maliit na gate namin. Ng may classmate siyang napadaan sakto.

"Excuse me"  agad itong lumingun sakin. "Hmmn di ba classmate kayo ni Abby, kanina lang kayo umuwi?" 

"Ah oo kanina lang. Hindi pa ba si Abby umuwi?"

Umiling ako sa tanung niya. "Hindi pa eh. Nag alala ako dahil gabi na" 

"Baka sumama yun sa classmate namin si Christian inimbitahan kasi siya sa bahay nila christian yun ang narinig ko"  tumango lang ako.

"Ah cge salamat"  at umalis na rin siya.

Pagkalipas ng ilang oras may tricycle huminto sa gate. Hindi ko narin binuksan ang ilaw. Tanging lamp light lang nakabukas.

Maya maya narinig ko bumukas ang gate pagkatapos sinara. Maya maya ang pinto na ang bumukas. At sinara niya ito.

"Gutum ka na Ab, ipaghanda kita ng hapunan sandali lang"  agad akong tumayo at tinungo ang kusina para ipaghanda siya pero napahinto ako sa sinabi niya.

"Wag na busug na ako. Kumain na kami ni Christian"  sabay pasok niya sa kwarto at nilock niya. Napabuntung hininga nalang at napapangiti. Kaylan mo ba ako mahalin Ab?.

Niligpit ko ang ibang pinggan. Kumain narin ako para makainom ng gamot. Pagkatapos hinugasan ko at pumasok na sa kwarto ko.

Kinabukasan maaga akong nagising para magluto at mapaghanda ang baon ni Abby. Ng matapos ko na lahat tinungo ko ang kwarto niya at kinatok. Napabuntung hininga nalang ako baka  kasi magagalit naman siya sakin.

"Abby!, gising na!, Abby" 

Tawag ko sa kanya kaso hindi siya sumagut kaya dahan dahan ko pinihit ang door knob. Tiningnan ko muna ang kama niya kung andon pa siya.

Nakita ko mahimbing pa ang pagkatulog niya. Dahan dahan ko siya nilapitan at umupo sa tabi niya.

"Ab, Abby"  

Hindi parin siya gumalaw kaya tinanggal ko ang kumot nakatakip sa mukha niya.

"Abby gising na! Malalate ka na. Ayaw mo ba pumasok?"

Minulat niya ang mata dahan dahan at tumingin sakin. Hinawakan ko ang kamay niya. Ang init...

"Lumabas ka nga dito sa kwarto ko! Di ba sabi ko sayo bawal ka pumasok dito?" 

"Pero Abby mataas ang lagnat mo-*"

Napatigil ako sa pagsasalita ng tinapunan niya ako ng unan. "Wag kang umasta na kung anu kita. Dahil kahit kailan Oliver hindi kita matatanggap narinig mo ba! Bakit ka kasi pumayag sa gusto ng mga magulang ko dati. Sana ngayun hindi na ako nahirapan sa sitwasyon ko" 

Napatingin ako sa kanya ng humagulhul na siya ng iyak. Nilapitan ko siya at niyakap kahit masakit para sakin ang sinabi niya wala akong magawA.

"Ssshh tahan na. Sorry.. pwede mo naman gawin ang gusto mong gawin hindi naman kita pinagbawalan"   sabi ko sa kanya at niyakap siya ulit.

My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon