MCW - THM 17

1K 23 0
                                    

Agad lumipat si Abby ng makahanap siya ng malilipatan na isang boarding house at malapit lang ito sa school niya. Agad inayos ni Abby ang gamit niya pagkatapos natulog na siya. Ng magising na siya madaling araw na dahil narin sa subrang pagod niya.

Kinuha niya ang notebook niya sa isang subject para mag study. Baka meron naman surprise quiz ang prof nila. Pagkatapos niya nag aral nagluto kaagad siya ng pagkain niya may naiwan kasi siya galing sa kabilang boarding house at niluluto na niya ito. Pagkatapos nagbihis at nagsimula na siyang maglakad papunta sa paaralan pinasukan niya. Tiningnan niya ang wallet niya napahinto siya ng makita niya kung magkano nalang naiwan sa pera niya.

Dumiretso na siya pumasok sa gate ng university pinapasukan niya. Habang naglakad siya sa hallway ng mga classroom papunta sa room niya napabuntung hininga siya napaisip kasi siya kung paano niya buhayin ang sarili nito gayong wala pA siyang sahud. Nasa katapusan pa ito.

-------------------

Tinawagan niya ang landlady na tinuluyan na boarding house ng asawa niya.

"Hello manang ako to - si Oliver" paalala niya sa babae pagkasagut sa tawag niya.

"Ah oo nga, mabuti napatawag ka hijo" sagut ng babae sa kabilang linya.

Nagtaka si Oliver sa sagut ng babae nasa kabilang linya kaya napaayos siya ng upo sa upuan niya.

"Ba-bakit ho? May nangyayari ba sa asawa ko na hindi ko alam manang?" Tanung niya sa landlady.

Umusbung ang kaba sa dibdib niya baka napano na si Abby ang asawa niya. Nasa malayo pa naman siya.

"Nako hijo hindi yan. Okay naman ang asawa mo. Ang sinasabi ko lang. Ang ibig kung sabihin anu, wag ka ng magpapadala ng pera sakin dito para sa pagbayad mo sa boarding house ko. Wala na kasi ang asawa mo rito lumipat na"  sagut ng landlady na kinakunot noo ni Oliver.

"Si Abby ho? Wala na diyan? Ibig sabihin mo umalis na siya diyan? Hindi na siya tumutuloy diyan?"  Kinabahan si Oliver sa sinabi ng landlady.

"Ganun na nga" tipid na sagut ng babae.

"Alam niyo ba ho' kung saan siya ngayun na boarding house lumipat?" Nagbaka sakali lang naman siya.

"Hindi hijo. Hindi naman niya sinabi kung saan siya lilipat"  sagut ng landlady kaya napahilamos sa mukha niya si Oliver.

"Ah sige ho salamat manang sa impormasyon mo"  saka binaba na sa babae ang Kabilang linya.

Sinandal niya sa likod ng upuan ang likod niya at pinikit ang mata niya. Binuka naman niya ang mata at nilagay ang dalawang kamay sa ibaba ng bibig niya.

Saka bigla naman niya sinandal ang likod sa upuan niya. Kinuha niya ang cellphone at dinial ang number ng asawa niya pero hindi na ito nakukuntak. Please try again later ang sinasabi ng operator. Napabuntung hininga ulit siya at tiningnan ang app kung saan niya nakita ang asawa niya. Ngunit hindi naman ito online sa app na yun.

"Ang aga naman yata para magkaproblema ka ng ganyan kabigat na problema"  napatingin siya sa nagsalita.

"Morning Oliver ito pinagdalhan kita ng cake ako ang nagbake niyan hoping magugustuhan mo"  saka nilagay ni Marissa sa ibabaw ng mesa.

"Thank you Marissa but hindi ako kumakain niyan i'm sorry"  diretsahan niyang sabi sa dalaga nasa harapan niya pero hindi parin ito natinag.

"Relax Oliver, hindi naman ito matamis c'mon try it"  pagpipilit ng dalaga.

Pinikit ni Oliver ang mata niya saka binuka at tiningnan si Marissa, sira na nga ang umaga niya dahil sa balita nalaman niya. May dumagdag pa.

"I'm sorry Marissa pero wala ako sa mood ngayun pwede ba!"  Mahina ang pagkasabi niya pero diniinan niya talaga na hindi sa lahat ng oras disturbuhin ang isang tao na may problema.

"Okay Oli pero naman siguro later sa lunch hindi moko pwede tanggihan"  pangungulit ng dalaga sa kaharap nito.

"I'll try Marissa" tipid niyang sagut sa babae.

Ngumiti ng pagkatamis tamis si Marissa na para bang nanalo siya. "Good Oli asahan ko yan mamaya. Bye"   saka umalis na ito sa cubicle niya.

Nagpalabas naman siya ng isang mabigat na hininga at tiningnan ang wallpaper ng cellphone niya ang asawa niya.

Tumayo siya at tinungo ang roof top building ng opisina nila. Tinawagan niya ang mama niya nagbaka sakali naman siya na may makukuha na balita.

"Hello Ma"  sagut niya sa kabilang linya.

"Oh Oliver napatawag ka, kamusta ka diyan?" Tanung ng mama niya.

"Ma, umuwi ba si Abby diyan? Umalis daw sa boarding house na tinutuluyan niya. Lumipat"   tanung niya sa mama niya.

"Nako anak simula umalis ka dito at umalis ang asawa mo hanggang ngayun hindi parin kami nagkikita"  sagut ng mama niya.

"E bakit naman umalis ang asawa mo doon? Nalaman ba niya na ikaw nagbabayad sa boarding house niya? Kaya umalis siya" natahimik si Oliver sa sagut ng mama niya.

" hijo matanung ko lang hindi ka ba nagsisi na siya ang pinakasalan mo? I mean tingnan mo ang nangyayari ngayun? Hindi ka ba napapagod habulin ang asawa mo?" Tanung ng mama niya.

"Ma, mahal ko si Abbygail. Mahal na mahal ma kaya nga ginawa ko ito dahil nangako ako sa mga magulang niya"  sagut niya sa mama niya.

"Sige na ho ma" saka pinatay niya ang tawag.

Umupo muna siya sa gilid sa may bakanteng upuan. Kailangan niya mag isip. Napatayo siya ng may naisip siya. Pagkarating niya sa opisina nila pinatawag siya ng boss niya.

May inutus ang boss nila sa kanya at yun pumunta siya ng Pilipinas ng isang linggo. Kaya malaki ang pasalamat niya sa trabaho niya dahil sa wakas makapunta ulit siya ng Pilipinas at kailangan niya yun para mahanap ang asawa niyang nawawala o umiiwas sa kanya.

Lumabas siya sa opisina ng boss nila. At excited na siya umuwi ng Pilipinas.

Kapag may client kasi sila at hindi nakakapunta ang boss nila sa meetbup. Madalas siya ang makipagmeeting sa mga client nila.

"Oli tara na sabayan moko sa lunch wala kasi akong kasama kumain"  pinagpatuloy parin ni Oliver sa pagligpit ng mesa niya.

"Oo nga Pre, sabayan mo na si Marissa" dagdag ni Frank. Hindi niya pinansin ang dalawa ng matapos na siya.

"Sorry, may lakad ako ngayun Marissa kayo nalang ni Frank. Frank pre, samahan mo si Marissa"  saka dali dali siya lumabas sa opisina nila at dumiretso sa elevator.

Sinadya niya talagang iwasan si Marissa dahil pakiramdam niya sa babae sa tingin palang naghahasik ng lagim hanggang kamatayan kaya panay iwas siya isa pa may asawa siya na mahal na mahal niya.

Hindi narin siya kumuha ng ticket dahil kinuha na ito ng secreatary ng boss niya kanina at binigay sa kanya kaya ito siya nagligpit ng kaunting gamit.


My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon