MCW &THM 26

494 9 1
                                    

"Gising ka pa? Bakit hindi ka pa natutulog?" Pagkabukas ng pinto ni Oliver saka sinara ito ulit.

"Matulog kana" dagdag ni Oliver.

"Sandali lang kakain ka? Ipaghanda na kita" sabi ni Rose sabay tayo nito.

"Thank you pero busug na ako tapos na ako kumain. Matulog ka na" saka pumasok na ito sa kwarto niya.

Naiwan si Rose sa sala na umiigting ang kamay niya sa galit. "Bakit ba Oliver? Bakit hindi moko magugustuhan?" Tanung niya sa sarili niya.

Kanina pa kasi siya naghihintay kay Oliver may araw pa dahil sinabi nito na uuwi na siya, at sinabi rin na hindi na palutuin si Rose dahil hindi nmn siya kakain sa bahay. Pero nagluto parin si Rose nagbaka sakali na uuwi si Oliver ng maaga. Pero ito nga umuwi naman pero madaling araw na.

Nakangiti si Oliver na nakatitig sa kisame paano kasi si Abbygail lang ang nasa isip niya. Napahawak siya sa labi niya at pinikit ang mga mata niya. Kung maganda si Abbygail dati na bata pa. Mas lalo itong gumaganda habang tumatakbo ang panahon parang wala nga itong anak eh. Ngayun na lumutang ang ganda ni Abbygail hindi mapakaila na madami gustong manligaw sa kanya. Kung nasa malayo ka nung bata pa siya ang ganda niya tingnan kahit suplada.

Ngayun at mas lalong malalapitan? Maakit ka sa mga ngiti niya at mata na para bang isang prinsesa.

"Haist nababaliw na yata ako sayo Abbygail" sabi ni Oliver sa sarili niya saka pinikit ang mata niya.

"Gagawin ko na bukas"  sabi ni Oliver sa sarili niya.

Hindi na pumasok si Oliver sa opisina na pinasukan niya. Tapos narin naman ang pinagawa sa kanya. Isa pa natanghalian siya ng gising dahil maaga na siya natutulog.

Hinanda na niya ang mga gamit na dadalhin niya sa paglipat niya sa bahay ni Abbygail.

Lumabas muna siya para uminom ng kape.

Nakita niya si Rose busy sa tindahan nito. "Gising kana pala. Hindi ka ba papasok? Tanghali na." Busy ito sa paglilista niya.

Nilapitan siya ni Oliver. "No thanks, ako na ang bahala sa sarili ko. By the way Rose pwede ba tayo mag usap?"  Magpapaalam na siya nito.

"Sige susunod ako sa living area" sagut ni Rose saka tumalikod na si Oliver.

Nagtimpla muna siya ng kape at tinungo ang living area nila.

"Anu ba ang pag usapan?" Takang tanung ni Rose medyo kinabahan narin siya.

"Mommy" si Nica kagigising lang din niya.

"Aalis na ako dito sa bahay" tinitigan ni Oliver si Rose kung anu ang magiging reaksyon nito. At tama nga ang hinala niya.

Namula si Rose at naluluha ang mga mata niya.

"What daddy? Aalis ka saan ka pupunta? Kailan ang balik mo?" Tanung ng bata .

Sa simula palang daddy na ang tawag ni Nica kay Oliver at tinuring naman ni Oliver na tunay niya itong anak.

"Ka-kailan ka aalis dito?" Kinabahan na tanung ni Rose.

Hindi niya kung kaya ba niya mabuhay kung wala si Oliver sa gilid niya? Lalo na wala na siyang magulang.

"Mamayang gabi,pero bibisitahin ko naman kayo paminsan minsan" sagut ni Oliver.

Tahimik si Rose na nakayuko hindi niya alam anung gagawin niya. Nabablangko siya sa sinabi ni Oliver.

Handa naman siya kapag dumating na ang panahon sa sasabihin ni Oliver pero hindi ngayun.

"Daddy bakit ka aalis?" Tanung ng bata na si Nica.

My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon