MCW & THM - 6

2.1K 70 1
                                    

Someone's pov

Dumating sila ni Oliver sa gym na hindi siya kinikibo ni Abby. Siya narin ang nagdrive sa motor habang si Abby nakaupo lang sa harapan niya. Mahal niya si Abby kaya hindi niya kaya magsalita ng mabigat para sa babae. Di bale nasasaktan siya basta hindi lang ang asawa niya kahit kaharap harapan pa.

Nauna ng bumaba si Abby at iniwan si Oliver sa labas ng makita nito ang mga classmate niya papasok din sa gym. Napatingin nalang si Oliver sa likod ng asawa lumalayo na.

"Pre, hindi mo naman kailangan magtiis sa kanya madami pa diyan"   tinapik ni Kristof ang balikat sa kaibigan niya. Naawa na siya nito dahil nagtitiis sa babaeng hindi siya kayang mahalin.

"Pre alam mo naman mahal ko si Abby, kahit ganyan siya sakin darating din ang araw na mamahalin niya ako. Tara na nga pasok na tayo"  aya ni Oliver sa kaibigan.

Pumasok narin sila sa loob ng gym at naghanap ng mauupuan. Madami din ang nanunuod dahil championship sa kabilang barangay kaya napupuno ang gym nila.

Umakyat sila sa kabilang upuan kung saan makikita niya si Abby ang asawa niya.

"Oliver!"

Napatingin siya sa babae na tumawag sa kanya. Dali dali itong umakyat sa pwesto nila.

"Marie"  

Bumulong si  Kristof sa kanya nagtatanung kung sino yung girl. Umupo sa tabi niya.

"Sino yan? Bago mong chicks? Maganda pre"  sabay tango ni Kristof.

Ngumisi si Oliver sabay lingun kay Kristof. "Loko kaibigan ko lang yan"  sagut ni Oliver sa kanya.

Ngumisi si Kristof na nakatingin sa kabilang upuan. "Sa umpisa lang yan Pre".

Hindi na sumagut si Oliver sa kanya. "Sino ang kasama mo Marie?"  Tanung niya kay Marie.

Nilingun siya sa babae at ngumiti ito sa kanya na labas ang dimple. "Yung kaibigan ko may binili lang sa labas"  sagut ng babae.

Tumango si  Oliver sa sagut ng babae. Napatingin siya sa pwesto ng asawa niya.  Nakatingin sa kanya na nagkasalubong ang kilay. Napakamot tuloy siya sa batok niya. 

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Abby ng may katabi si Oliver na isang babae. Matangkad, maganda, at maputi ito kahit ilaw lang ang nakikita. Napatingin tuloy siya balat niya.

Kinalabit niya ang katabi niya na classmate. "Jen, maitim ba ako?"  Seryoso niyang sagut sa katabi niya.

Ngumisi ito at umiling. "Sino ba nagsabi sayo niyan ang ganda mo kaya"  maganda naman talaga si Abby kaya nga pinakasalan siya ni Oliver dahil sa taglay niyang kagandahan pero hindi aware doon.

Wala naman siyang pakialam kung maganda siya o hindi basta nakabihis na siya. Isa pa matangkad din siya kaunti hindi kagaya ni Oliver katangkad.

Pagkatapos sa naglaro lumabas na din sila sa gym. Hindi rin naman nakarating si Christian dahil nasa hospital pa ang ina nito. Kaya tinext nalang niya.

Pagkatapos niya sa pagtext sa boyfriend niya tinago na niya ang cellphone sa bulsa niya.

"Abby mauna na kami,"  paalam sa isang classmate niya sa kanya.

"Okay sige ingat"  sagut niya sa kaibigan. Nilapitan niya si Oliver at yung babae na kausap niya kanina. Nagtawanan pa ito kaya hindi nalang niya pinansin ito at nauna ng naglakad pauwi.

Nilingun ni Oliver ang paligid. Hinanap niya ang asawa ng hindi niya nakita. Kaya tinawag niya si Kristof.

"Pre nakita mo si Abby?"  Kinabahan niyang tanung kay Kristof.

"Ah oo kanina pa naglakad yun pauwi. Nakisabay siya sa classmate nya"  sagut ni Kristof. Agad siya napasakay sa motor niya.

"Marie, mauna na ako."  Tumango lang ang babae at pinaharorot na niya ang motor niya. Nagbaka sakali siya na maabutan niya. Medyo may pagkadilim pa naman ang daan. Nag alala siya sa asawa niya.

Ng may nakita siyang isang babae naglalakad mag isa. Damit palang alam na niya.

"Abby sakay na"  sinabayan niya ang paglakad ng asawa niya.

"Wag na maglakad nalang ako"  inis na sagut ni Abby kay Oliver.

"Please Abby,"  ng pumatak ang ulan ng dahan dahan.

Napahinto si Abby at tumingin kay Oliver nakisabay parin sa kanya sa paglakad. Wala ng nagawa si Abby dahil sunod sunod na ang patak sa ulan.

Sumakay na siya sa motor sa likod ni Oliver. "Humawak ka"  sabi ni Oliver sa kanya. Napaamoy tuloy siya sa likod ng asawa niya. Matagal na niya itong hindi naamoy at niyakap. 

Pagkarating nila sa bahay nauna ng bumaba si Abby. Ginarahe muna ni Oliver ang motor at ng matapos na niya bumaba siya sa motor at tinungo ang pinto para buksan at kung saan naghihintay si Abby.

Pagkabukas niya nauna ng pumasok si Abby. "Abby yung tungkol kanina sa kausap ko. Kaibigan ko lang yun"  biglang sabi ni Oliver sa kanya.

Hinarap niya ito at ngumiti. "Wala naman akong sinabi Oliver e, okay lang naman sakin yun. Atleast makalimutan mo na yung pagmamahal mo sakin. Mas maganda kung maghahanap ka ng iba"  sagut ni Abby sa kanya.

Napabuntung hininga nalang si Oliver at ngumiti. Gusto talaga ng asawa niya maghiwalay na sila.

"Nagseselos ka ba kay Marie?"  Sabay lagpas sa kanya ni Oliver at tinungo ang kusina. Lumabas ito ng kusina pagkatapos. Nilingun niya at binigyan ng ngiti ang lalaki.

Saka pumasok sa kwarto niya. Sasagutin na sana niya ito pero iisipin lang nito na nagseselos talaga siya.  Kaya pinili niyang manahimik nalang.

Pumasok narin sa kwarto niya si Oliver at humiga sa kama niya nakatihaya habang ang dalawang kamay niya nasa likod ng ulo niya ginawa niyang unan. Napatingin siya sa paper bag nasa ibabaw ng lamesita niya. Kinuha niya ito at tinungo ang kwarto sa asawa niya. Pagkapasok niya nakita niya itong nakatagilid. Sinara niya ang pinto.

"Abby" 

Tawag niya sa asawa pero hindi siya nito nilingun. Hinarap niya ito at hinawi ang buhok nagkalat sa mukha niya. 

"Abby, may gift ako para sayo sana magustuhan mo."  Simula niya.

"Aalis ako bukas para sa trabaho ko. Ilagay ko nalang dito sa ibabaw ng lamesita mo ang pera gamitin mo bukas. Kung may problema ka itext mo lang ako. Goodnight"  paalam niya saka tumayo na siya.

Napalingun siya kay Abby ng gumising ito. "Aalis ka?"  Takang tanung ni Abby kay Oliver. Nilapitan niya ang asawa at ngumiti saka umupo siya.

"Kailangan para sa pag aaral mo. Nasa bukid lang naman ako"  nakangiting sagut ni Oliver sa asawa niya.

"Sa birthday mo may surprisa ako para sayo."  Saka ginulo niya ang buhok ng asawa niya.

My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon