Kinabukasan maaga nagising si Oliver dahil siya magluluto ng magiging breakfast nila ng asawa niya.
Pagtingin niya sa gilid si Abby mahimbing pa natutulog ito kaya napangiti siya ng lihim at tinititigan ng mabuti ang mukha sa asawa niya at nilalagyan ng kumot at inayus niya ito bago tumayo. Dahan dahan niya binuksan ang pinto at sinara ng mahina para hindi magising ang natutulog niya asawa.
Pumunta siya sa likod at kinuha ang tuwalya. Pagkatapos pumasok siya sa banyo at naliligo ng matapos na siya lumabas na siya at pumasok ulit sa kwarto niya para magbihis nakikita niya pa si Abby gumalaw at tumigilid sa kabilang gilid kaya napatingin siya sa baba nito dahil natanggal ang kumot na kanina nilalagay niya sa katawan ni Abby. Lumapit siya at inayus ulit ang kumot ni Abby pagkatapos nagbihis na siya. Lumabas na siyà sa kwarto at nagsimula ng magluto.
Dalawang scrumble egg, chicken stripes, at toasted bread ang niluluto niya pagkatapos niya sa pagluto tinungo niya ang sa likod at binuksan ang washing para makapaglaba siya. Nilalagyan niya ng tubig ang washing habang pumasok siya sa loob ng bahay at kinuha ang damit ni Abby na madumi para malabhan niya. Nilagay niya sa washing pagkatapos nilagyan ng sabon na powder. Iniwan niya habang umiikot ang washing.
Kinuha niya ang walis tambo sa likod at nagwalis sa labas ng bahay nila. Ginupit din niya ang halaman na tumataas na. At ng malinis na niya binalikan na niya ang washing at tiningnan hindi pa tapos umikot kaya pumasok siya sa loob ng bahay.
Napatingin siya sa pinto ng kwarto niya ng bumukas ito. Lumabas si Abby na magulo ang buhok halatang kagigising lang niya. Napatingin ito kay Oliver.
"Morning, maghilamos ka na at umupo para kumain, anung gusto mo ipagtimpla kita?" Tanung ni Oliver sa asawa. Tumayo lang ito at kumuha ng mug na pink at nilalagyan ng Ovaltine pagkatapos nilagyan ng mainit na tubig at umupo ng pasalampak sa upuan.
Napangiti ng tipid ng lihim si Oliver. Hindi parin kasi siya nasasanay na ganyan siya tratuhin ni Abby parang hindi kilala minsan. Nilalagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ni Abby.
"Kumain ka na baka mahuli ka pa sa klase mo" paalala ni Oliver sa kanya.
Tahimik lang kumakain si Abby at ng matapos na dumiretso itong pumasok sa banyo kaya si Oliver nalang ang nagligpit sa pinggan na pinagkainan nila. Ng maligpit na naghugas narin siya at nilinis ang kusina pagkatapos lumabas at tiningnan ang damit kung tapos na.
Pumasok siya ulit sa bahay. Naririnig niyang kasasara lang ng pinto sa kwarto ni Abby maya maya pa lumabas ito nagmamadali.
"Magsuklay ka muna" binigay sa kanya ni Oliver ang suklay at ang baon niya.
"Abb aalis ako mamaya may pupuntahan lang baka gabihin ako sa pag uwi. Pwede bang ikaw nalang magligpit sa mga tuyo na damit mamaya pagdating mo galing school? Kung okay lang sayo kung hindi ako nalang pagbalik ko" nakasandal siya sa pinto ng kusina pagitan sa kusina at sala.
Tiningnan siya ni Abby habang nagsusuklay ng buhok.
"Pakiayus sa bra ko" sabay talikod ni Abby sa kanya kaya no choice siya. Madalas naman itong gawin ni Abby sa kanya kaya pinipigilan niya lang ang sarili niya.
"Alis na ako" paalam ni Abby sa kanya pagkatapos inayus niya ang bra at kuha sa bag nito sa upuan.
"Si-sige, ito baon mo" binigyan siya ni Oliver ng one fifty pesos na baon. At umalis na kaya hinabol siya ni Oliver sa gate.
"Abb, hintay hatid na kita" sabay kuha ni Oliver sa motor sa nilalagyan at pinalabas niya. No choice naman si Abby dahil late na siya masaklap pa hindi pa nagtetext sa kanya si Christian.
Sinara ni Oliver ang gate at umangkas na siya sa likod ni Oliver. Ang isang kamay niya nasa tiyan ni Oliver. Mahina lang naman magpatakbo ng motor si Oliver tama lang isa pa hindi naman ganun kalayo ang school pinasukan ni Abby. Pagdating sa gate bumaba na si Abby at yun parin pinagtinginan sila ng mga ibang student dahil nga gwapo din si Oliver.
Pagbalik ni Oliver sa bahay tinapos na niya ang ginawa niya kanina at nagbihis. Titingnan niya ang pinahanda kung okay na ba.
Napatingin siya sa kalendaryo sa kwarto niya malapit na ang birthday ni Abby at sigurado siya magiging masaya si Abby sa birthday gift niya nito. Ito lang ang paraan.
Napatingin siya sa higaan na magulo pa. Napangiti siya hindi niya inasahan na tatabi sa kanya si Abby kagabi. Kahit hindi siya kinakausap ni Abby. Subrang saya na niya ng niyakap niya si Abby. Hindi naman ito pumalag sa ginawa niya.
"Pre?"
Napalabas si Oliver sa kwarto ng tumawag ang kaibigan niya nakatayo ito sa harap ng gate nila.
"Ngayun ka daw aalis?" Tanung ng kaibigan niya kaya pinagbuksan niya ng gate ito at pinatuloy sa loob ng bahay sumunod naman ang kaibigan niya.
"Oo e, kailangan Pre e."
Sagut niya sabay sila umupo sa sofa na kasya lang sa kanila.
"Bakit naman nagmadali ka? Akala ko ba tatapusin mo ang pag aaral ng asawa mo? O ang birthday niya malapit na yun di ba?"
Napangiti si Oliver sa tanung ng kaubigan niya.
"Kailangan Pre e, tinawagan na ako"
Saka yumuko siya. "Oo nga pala bakit napadaan ka?" Tanung ni Oliver sa kaibigan.
Tiningnan siya nito. "Reunion natin sa high school sa sunod na linggo. Pupunta tayo Pre? Samahan moko para makita naman natin yung ibang classmate natin"
"Susubukan ko Pre" sagut ni Oliver.
"Anung susubukan?" Takang tanung ng kaibigan niya.
Ng may naalala ang kaibigan niya. "Bakit naman kasi sa dinami dami nagkarapa sayo siya pa talaga ang napili mo." Ngumiti lang si Oliver ng tipid.
"Alam ba niya na aalis ka?"
Umiling si Oliver sa tanung sa kanya. Napabuntung hininga nalang ang kaibigan niya.
"Basta kung saan siya sasaya, masaya narin ako para sa kanya" sa totoo lang ayaw niya talaga gawin ang isang mabigat na desisyon pero yun kasi ang nararapat para sa kanilang dalawa.
"Kung yan ang desisyon mo wala tayong magagawa. Basta kung pupunta ka sasabihin mo sakin para sabay tayo" tumayo na ang kaibigan niya.
Nilingun siya sa kaibigan bago ito lumabas, "minsan kailangan din natin magparaya para sa sarili natin, kung nasaktan na tayo ng husto. Mag iingat ka sa byahe mo Pre" saka umalis na ang kaibigan niya.
Busy sa pakikipag usap sa mga kaibigan niya si Abby at katabi nito si Christian ang boyfriend niya. Ng tumunog ang cellphone niya. Hindi niya ito pinansin patuloy lang siya sa pakikipag usap sa kaibigan niya.
Hanggang sa natapos ang buong araw niya sa klase. Hindi niya parin ginalaw ang cellphone niya dahil katabi naman niya si Christian. Hinatid siya ni Christian sa bahay nila kaya medyo may kadiliman na pagdating nila dahil naglakad lang sila.
"Thanks sa paghatid chris, ingat sa pag uwi." Saka binuksan niya ang gate.
"Okay ingat din Abb, love you" saka hinalikan sa pisngi si Abby at umalis na ito. Pumasok narin si Abby sa loob ng bahay. Madilim ang loob walang nakasindi na ilaw kahit isa kaya kinapa niya ang switch. Ng bumukas ang ilaw tahimik ang buong bahay. Tinungo niya ang likod at tiningnan ang sinabi ni Oliver yung mga damit niya. Nakuha na pala nakahanger na ito.
Kya bumalik ulit siya sa loob at kumuha ng tubig sa ref para uminom. Kinuha niya ang cellphone nasa bag niya at binasa ang text. May limang text galing sa asawa niya at tatlong misscall. Kahit kailan naman kasi hindi niya sinasagut ang tawag ni Oliver.
Text ni Oliver sa kanya
Abb, kung binabasa mo ang text ko ngayun wala na ako sa Pilipinas. Una sa lahat gusto ko humingi ng tawad kung pinilit kita na pakasalan ako. Sorry kung minsan pinipilit kita. Oo nga pala sa birthday mo nakahanda na ang lahat may maghahatid diyan, sana Graduation mo masaya ka sa regalo ko sayo. Mag iingat ka palagi Abb.
"Tsskk, saan naman siya pupunta? Wala akong pakialam sa kanya kahit saan siya pupunta . At sana hindi na siya babalik" sabi niya sa sarili niya.
Napatingin siya ulit sa text ni Oliver parang may hinahanap ang mata niya na hindi niya naiintindihan. Sa dulo ng text. First time kasi nangyayari na walang karugtung ang text ni Oliver sa kanya.

BINABASA MO ANG
My Cold Wife, The Husband Martyr (Completed)
Randomkung uso sa mayaman ang arranged married. samin hindi lalo na kung isang probinsiya. Meet Abbygail isang babae laki sa probinsiya. at kinasal sa isang lalaki na pinakaayaw niya. isang linggo pagkatapos sa kasal nila namatay ang magulang niya dahil...