Kabanata 5

83 6 0
                                    

Kabanata 5

["Where the fuck did you bring my brother?!"] galit na tanong ko mula sa phone ko.

Right after I saw the photo he sent, I quickly called him. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko, dahil kung may mangyayaring masama sa bunso kong kapatid, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Nagagalit rin ako sa kanya dahil paano niya nalaman ang username ko sa ig?!

["Hey, can you please calm the fuck down? My eardrum's going to explode if you keep shouting like that on the phone."]

["How can I calm down? You have my brother, you stranger! Nasaan kayo?!"] gigil na sambit ko.

["We're at the Ice Cream shop, near the mac cent-"] agad kong binaba ang tawag kahit hindi pa siya tapos nag salita.

Naiinis ako sa boses niya.

Hinarap ko si Tim na mahinang tumatawa. Tinapunan ko siya ng masamang tingin, ano ba ang nakakatawa? Naiinis ako sa lahat. Pati sa sarili. Para akong baliw.

"What? May nakakatawa ba?" Inis na tanong ko kay Timo.

"You're not on your usual self, kuya. I have known you for being composed and still. This... this is funny."

Huh? Nawawala ang kapatid namin, paanong naging funny 'to? Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Timothy at mabilis na naglakad patungo sa ice cream shop na sinasabi ng estrangherong lalaki.

Nang makarating ako roon, agad kong nahagilap ang bunso kong kapatid na tumatawa habang kausap ang lalaking nakapulot ng pen ko. Pumasok ako sa loob ng shop na iyon at diretsong tumungo kung saan naroon ang kapatid ko. Naiinis ako sa kanya dahil sinabihan niya pa ako ng chismoso kanina.

"Terence," paninulang wika ko dahilan upang mapalingon sa akin ang lalaki at ang bunsong kapatid ko.

"Kuya Dee!" Masayang tumalon ang aking kapatid mula sa kinauupuan nito saka tumakbo sa akin. "He bought me ice cream."

"Terence, what did I say to you? Never let go kuya's hand when we are in the mall." Seryosong sambit ko.

Hindi ako galit. Dahil hindi ko nakakayanang magalit sa mga kapatid ko. Gusto ko lang ipaintindi sa bunso kong kapatid na mali iyong ginawa niya.

Yumuko si Terence saka tumango. "You're mad, kuya." Mahinang sambit nito saka ako tinignan. Pula na ang ilong nito at may mga luha nang tumutulo sa kanyang pisngi.

I never liked seeing my brothers crying. I never wanted to see them crying while I was the reason. Mas lumapit ako sa kanya ngunit tumakbo ito pabalik sa estrangherong lalaki at yumakap doon. Tinaasan ako ng kilay ng lalaki saka nagkibit balikat at inalo ang aking kapatid na umiiyak.

I released a deep sigh.

Umupo ako sa kanilang pwesto. I was just sitting there awkwardly while waiting for my little brother to calm down. I wasn't even mad. Pinapakalma naman siya ng lalaki pero mas lalo lamang akong naiinis sa kanya dahil sinasabi niyang "evil" daw ako na kapatid. Tinatapunan ko lang siya ng masamang tingin at pinipigilan ang sarili ko dahil baka mas lalong umiyak lang ang kapatid ko kung makikipag sagutan ako sa lalaking 'to.

Napatingin ako sa kanan ko nang umupo roon si Timothy. Pabalik-balik ang kanyang tingin sa lalaki at sa akin. Tila nagtatanong kung bakit nasa kanya umiiyak si Terry.

"Who is he? Why is he with Terence?" I heard Tim whisper.

"Hindi ko rin alam. Ayaw lumapit sa akin ni Terry. Hindi ko naman pinagalitan." Pabulong kong sagot.

Napatingin kaming tatlo sa babaeng staff ng shop nang lumapit ito sa table namin. Matamis itong nakangiti habang nakatingin sa akin. Napatingin din ito kay Terence na patuloy pa rin sa paghikbi.

That Summer Night of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon