Kabanata 20

68 3 0
                                    

"Are you sure you won't need my company on your way there?"

Agad akong umiling sa kapatid ko habang nakatayo sa parking lot. Pauwi na si Tim dahil may pasok din ito mamaya at ayaw ko itong abalahin. Ngumiti ako sa kanya saka kumaway.

"Huwag na. I can manage. Sige na, baka pagagalitan ka na naman ng President mo."

Sinamaan ako ng tingin ng kapatid ko kaya't napaayos ako ng tayo.

"What's with that smile? Kuya, there is nothing going on between me and my club president!"

Natawa ako nang malakas, mabuti nalang at wala pa masyadong tao dito sa parking lot ng building. "Wala naman akong sinabi. You're so defensive, Tim. Sige na, bye. Ingat sa pagmaneho. I love you, Timmy."

"Whatever. Bye. I hate you, Kuya." Sabi nito saka padabog na isinara ang front door ng kanyang kotse. Bumusina pa ito saka pinaandar ang kanyang sasakyan

Nang maiwan akong mag isa sa parking lot ay nagsimula akong naglakad pabalik sa loob ng building. Kailangan ko pang maghanda para sa klase mamaya. Bumuntong hininga ako saka ko pinindot ang button ng elevator. Napaatras ako nang may kamay na biglang pumigil sa papasarang elevator. A guy wearing a white long sleeves polo with black necktie and black slacks went in. He's wearing the uniform of Montgomery University. May dala itong dalawang paper bag.

Aakma na sana siyang pipindot nang huminto ito nang makitang umiilaw na ang button ng 9th floor. Bumalik ito sa kanyang pwesto saka tahimik na tumayo roon. We just silently stood there. Tumunog ang elevator, hudyat na nasa 9th floor na kami. Unang lumabas ang lalaking nakauniporme. He has a dark blonde hair, blue eyes, and insanely gorgeous face. Damn. Now, I am sure I'm not straight.

Lumabas ako ng elevator saka nagsimulang maglakad. Parehas pa rin kami ng direksyon ng nilalakaran ng lalaki. Baka isipin niyang sinusundan ko siya. Huminto lamang ito sa paglalakad nang makarating sa tabi ng aking condo.

Oh, so he's, my neighbor.

Nilagpasan ko siya saka hinarap ang pinto ng aking condo. Right, I still have to buy a door knob with security passcode for more safety. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang nagsalita ang lalaki.

"Don't use the elevator on the left wing. It malfunctions often. Just a reminder from your neighbor."

We're at the right wing of the 9th floor. Mahina lamang akong tumango sa kanya bago nag salita.

"Oh, thanks." sabi ko saka pumasok sa loob ng condo.

Dumiretso ako sa cr ng kwarto kwarto ko para maligo. Kailangan kong pumunta ng maaga. I still need to find my classes. Sabi kasi sa website ng school na isesend nila sa email ang schedule ng mga nakapasa, pero wala pa rin sa akin hanggang ngayon. Nang matapos akong maligo agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Wala pa akong unifrorm dahil mamaya pa ako magpapasukat. Isinuot ko ang puting off-white na long sleeves shirt, regalo ito sa akin ni Tim. I paired it with my tattered jeans and my white balenciaga shoes that Dad gave me.

Napatingin ako sa kabuuan ng condominium ko. It was so different without having my brothers around. It was so quiet, and lonely.

Nang matapos akong maghanda ay agad akong lumabas ng condo. Tinignan ko ang relo ko para tignan kung late na ba ako, napahinga ako nang maluwag nang makita na may natitira pa akong thirty minutes para mag commute. Medyo malapit lang din naman ang Montgomery University rito kaya sigurado akong makakahabol pa ako. The university has this rule that if you came at the school beyond the given time for students to enter the campus, just go back home.

Napatigil ako nang sabay kaming napalingon sa isa't isa ng lalaki kanina dahil kakalabas lang din nito galing sa kanyang unit. What's with these coincidences? Tinanguan ako nito saka tumalikod bago nagsimulang maglakad papunta sa elevator ng right wing ng floor. Agad rin akong sumunod dahil ayaw kong malate sa unang araw ko sa college. Hinintay ako ng lalaki na makapasok sa elevator bago niya pinindot ang ground floor.

That Summer Night of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon