Kabanata 22

67 2 3
                                    

"Dee, how about we go swimming this weekend? What do you think?" Tita Tiffany suddenly said while slicing potatoes in the kitchen.

Narito sila ngayon sa condo maliban kay Dad. Pilit nang pilit daw kasi si Terence kay Tita na pumunta rito, at wala na rin nagawa si Tita dahil ayaw tumigil ng bunso kong kapatid.

"Go lang po, tita. Wala rin naman akong gagawin this coming weekend." I replied, while leaning my back on the kitchen island.

"Mommy, can I come too?" Biglang tanong naman ni Terence na kararating lang sa kitchen. Dala-dala nito ang kanyang laruan na bulldozer.

Agad kong nilapitan ang bunso kong kapatid saka binuhat siya. Nginitian ko ito bago ginulo ang kanyang mga buhok. "Of course, you can come, baby. Only if you'll be a good boy. Right, tita?"

Tumawa naman nang mahina si Tita Tiffany saka tumango. "Yes, if only he would be a good boy."

Wala si Dad ngayon dahil may project daw itong kailangang asikasuhin. Hindi na rin naman bago sa akin 'yon dahil dati pa lang ay madalas kami lang tatlong magkakapatid ang palaging naiiwan sa bahay. Mabuti nalang ngayon at bumabawi si Tita Tiffany sa mga araw na wala siya para sa dalawa kong kapatid dahil sa mga business meetings niya. Okay na rin 'yon dahil wala na rin ako sa bahay para alagaan iyong dalawa.

Nang matapos magluto si Tita Tiffany ay tinulungan ko naman itong ihanda sa kitchen table. Madalas itong gawin naming bonding ni tita noong nasa mansion pa ako ni Dad. Palagi ko siyang tinutulungang magluto sa tuwing nagdidinner kaming magpamilya. Grateful ako sa mga moments na 'yon dahil mas lalong nakikilala ko pa si Tita Tiffany. Naaalala ko ang mga luto ni Mama sa mga luto niya.

"Let's eat, Tim, Terence!" I shouted from the kitchen.

"Why is Gab not around, Dee?"

Halos maibuga ko ang iniinom na tubig dahil sa tanong ni tita. Agad naman akong napaayos ng tayo saka tumingin sa kanya at ngumiti.

"I didn't invite him. Besides, it's a family dinner, Tita."

Umiling naman si Tita Tiffany sa akin saka sumagot. "He's your only friend, sweetie. You should message him to come over."

"He's at the lobby, he's on his way up. Terry facetimed him on my phone awhile ago while you guys were busy at the kitchen." Biglang sabat ni Tim mula sa living room habang pasan niya si Terence sa kanang balikat.

Oh my god. Why is my family like this? Kung kailan sinisimulan ko nang iwasan 'yong tao, ngayon pa nila pinapapunta.

Sinamaan ko ng tingin si Timothy pero hindi ako pinansin nito at pinaupo lamang si Terence sa upuan saka umupo rin ito sa tabi ng bunso namin. Si Tita Tiffany naman ay nakaupo sa dulo ng table. Nagpakawala nalang ako nang buntong hininga ng tumunog na ang doorbell ng condo ko. Tamad akong naglakad papunta room saka binuksan ang pinto.

Gabriel's perfume quickly lingered on my nose. Fuck. His sandalwood smell will always be my weakness. He was wearing a black gray coat with a black tee inside, a black trouser, and his black Converse. I smiled at him before gesturing to come in.

"Hi," bati nito sa akin habang naglalakad kami papuntang kitchen.

"Bakit ganyan suot mo? Saan ka ba nanggaling?" Hindi ko napigilang mag tanong dahil ayos na ayos ang suot nito.

"Oh, I accompanied my Dad on a business meeting."

Tumango nalang ako at di na nagtanong muli. Nang makarating na kami sa kitchen, agad namang binati ni Gabriel si Tita Tiffany at nakipagbeso saka umupo sa tabi ko. Nilagyan ko na ng rice at ulam ang plato niya at naramdaman ko naman ang mga mata ni Tim na nakatingin sa akin pero hindi ko na iyon pinansin.

That Summer Night of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon