Kabanata 18

70 6 0
                                    

"Sir Dee, ito na po ba lahat?"

Napatingin ako kay Kuya Robert habang buhat-buhat niya ang isa sa mga maleta ko pababa ng hagdan. Tumango ako sa kanya saka tumingin sa labas ng bahay.

"Ah, opo, Kuya Robert. Thank you."

Ngumiti ito sa akin saka lumabas ng bahay papunta kung saan nakaparada ang sasakyan. Gusto ko sanang si Tim ang maghatid sa akin pero ayaw pa rin ako nitong kausapin. Bumuntong hininga nalang ako saka ibinalik ang aking paningin sa hagdan papunta sa 2nd floor ng bahay.

I'm really leaving, huh?

Since that day, Timothy haven't talked to me. It made me feel uneasy because he was clearly avoiding me. Being in his company became second nature to me. I don't want us to start all over again from the beginning of the process. The fact is, I don't want my brother to be separated from me.

"Just give him time, sweetie." Naramdaman ko ang kamay ni Tita Tiffany sa balikat ko.

Ngumiti ako sa kanya saka tumango. "It just feels weird, Tita. I'm not used to it."

"If anyone in this world who can understand Timothy, it is you, Dee."

"Yeah, just tell him he can go to my condo whenever he likes. Hindi niya po kasi ako pinapansin."

Tita Tiffany smiled at me. "Hindi ka matitiis ng kapatid mo. Don't worry, I'll try to explain it to him, sweetie. If only I am the one who's to decide for you."

"Yeah, I hope so too. Thank you, Tita." I hugged her tightly as she caressed my back.

"Kuya Dee!"

Napalingon ako sa hagdan nang makita roon ang bunso kong kapatid. Tumakbo ito papalapit sa akin dala-dala iyong isa sa mga laruan niyang isang anime figure. Iniluhod ko ang isa kong tuhod para mapantayan si Terence.

"Bring it with you so you will not be lonely in your new house." Terry said while grinning at me.

I ruffled his hazel brown hair before I accepted his toy. "Alright. Kuya will bring it with me. Thank you, baby."

"You're welcome, Kuya Dee." Masayang sabi ng kapatid ko saka itinapon ang kanyang sarili sakin at niyakap ako nang mahigpit.

"Don't be a bad boy to your Mommy and Kuya Timo, okay? Do what they say."

Mabilis namang itinango ni Terry ang kanyang ulo saka inilabas ang kanyang hinliliit. Napangiti naman ako at ginaya ang aking kapatid.

"Pinky promise."

Nagsimulang pumula ang ilong ng aking bunsong kapatid at may namumuong luha na sa mga mata nito. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil hindi ako sanay na malayo sa mga kapatid ko. At alam kong hindi rin sanay si Terence na wala ako palagi sa tabi niya kaya't sobrang bigat na lamang ng aking nararamdaman ngayon.

Ayaw kong lumipat. Pero wala akong choice kundi sundin ang gusto ni Lolo.

"Okay, Terry. Let go of your Kuya Dee na." Tita Tiffany carried Terence in her arms. Inisubsob ng kapatid ko ang kanyang mukha sa balikat ni Tita habang mahinang humihikbi.

"Kuya will be here every weekends, baby. Don't worry." Sabi ko kay Terry saka hinalikan ang kanyang ulo.

"Are you sure you don't need my help moving your stuffs?" I quickly looked at Tita Tiffany when she asked.

Ngumiti ako sa kanya bago tumago. "Yes po. Nandoon na rin naman po si Gabriel. He'll help me tidy things up."

"Alright. Take care, sweetie." Tita Tiffany kissed me on my cheek. "Call me if you need anything, okay? I'll come visit soon."

That Summer Night of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon