Kabanata 8

84 7 0
                                    

Naglakad kami patungong parking lot ng mall. Sinusundan ko lamang si Gabriel dahil siya naman ang may alam kung saan niya pinarada 'yong sasakyan niya. Nang huminto siya sa paglalakad ay huminto rin ako. Inilabas niya ang remote at pinatunog ang kanyang sasakyan. Napalingon ako sa isang mustang na sasakyan. Lumapit siya roon at sumunod naman ako sa kanya.

He opened the shotgun seat for me. Tahimik lamang akong pumasok doon. It was so awkward. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng aircon at sinabayan pa ng ulan. Hihinto naman siguro ito mamaya pagkadating namin sa lugar. I don't hate rain, it gave me peace somehow. Pumasok si Gabriel sa driver's seat saka napalingon sa akin.

May inabot ito sa likod saka ibinigay iyon sa akin. It was a jacket.

"You can wear this. My heater got broken yesterday I still haven't bring it to their company for repairs." He explained. Hindi naman ako nagtatanong.

Agad ko namang sinuot iyon at amoy na amoy pa ang kanyang perfume sa jacket. It has a manly smell. A sandalwood, perhaps? Hindi masakit sa ilong ang kanyang pabango, which was kinda like addicting. What? I shook my head. I shouldn't be thinking stuffs like that.

"Why would you go at the cemetery with this kind of weather?" Biglang tanong sa akin ni Gabriel habang nasa gitna siya ng pagmamaneho.

That was because I just wanted to. I wanted to tell my mom how happy I was. Gusto kong malaman ni mama na nakapasa ako... na pangalawa ako sa nakakuha ng matataas na score. Kung narito lamang siya ay alam kong siya ang magiging pinakamasayang tao para sa akin. Pero hindi ko sinagot ang tanong ni Gabriel. I remained silent while looking outside the window of the car as the droplets of the rain crawled on the windshield.

May pinindot si Gabriel sa harap ng kanyang sasakyan kaya biglang nawala ang katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil sa tugtog. Napalingon ako kay Gabriel nang sinabayan niya ng hum ang kanta sa loob ng sasakyan. Doon ko lamang nakita nang malapitan ang kanyang mukha... ang kanyang matangos na ilong, makakapal na kilay, ang tila rosas niyang mga labi, at ang kanyang medyo magulong buhok. He effortlessly looked so gorgeous. Agad akong napaiwas ng tingin nang matauhan ako sa ginawa ko.

Since when did I start admiring a man like this?

I heard Gabriel chuckle but he didn't say anything. Napansin niya ba akong nakatingin sa mukha niya? Nakakahiya.

"Anyway, I'm so sorry for bumping you awhile ago." He said, his eyes were still on the road.

"Mabuti at naalala mong mag sorry." I joked which made him laugh a little. Bumalik na naman ang pagkairita ko sa kanya.

"Of course. I'm not a bad person, you know."

I scoffed. "Whatever you say." Ibinalik ko ang tingin ko sa daan at taka akong napatingin kay Gabriel nang mapansing iba ang daan na tinatahak ng kanyang sasakyan. "Where are you taking me? This isn't the right way."

I started to panic. Agad kong nilabas ang phone ko at tatawagan na sana si Timothy nang ihinto ni Gabriel ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang shop na puno ng bulaklak.

"Kalma. I am not kidnapping you and if I do, no one would buy you anyway because of your short temper." Sagot nito saka tinanggal ang kanyang seatbelt at dali-daling lumabas ng kanyang kotse.

He's so annoying! Motherfucker.

Biglang kumulo ang dugo ko at agad na sumunod sa kanya sa labas. Ngunit nang makalabas ako mula sa kanyang sasakyan, binungad ako ng nakakakalmang paligid. The lingering smell of wet street, the small droplets of rain, and the smell of the different flowers displayed outside the shop sent me a calming feeling. Nawala ang inis ko sa lalaking naglalakad papunta sa harap ng flower shop. No, It was a two-storey house with a flower shop on the 1st floor. It was cute.

That Summer Night of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon