Kabanata 9

83 7 0
                                    

Nagising na lang na sobrang bigat ng aking pakiramdam. Nakahiga na ako sa aking kama. Paano ako napunta rito? Nang sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga ay ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking ulo at ang init ng aking katawan. Shit. This is what I get from crying under the pouring rain. Did I passed out?

I averted my gaze to my study table when I heard soft snores. Nanlaki ang aking mga mata nang makita roon ang natutulog na mukha ni Gabriel. Paano yan napunta rito? Sa kwarto ko pa talaga? I groaned softly as I tried to sit up again. Suot niya ang isa sa mga damit at shorts ko. Isa iyong plain white t-shirt at itim na versace shorts. Si tita ba nagpapasok sa kanya? O baka si Timothy? Hinayaan ko nalang na matulog si Gabriel dahil hindi naman ako ganoon kasamang tao na papaalisin agad siya. Tinignan ko ang alarm clock na nasa study table ko, katabi ng ulo ni Gabriel.

June 29. 7:35pm.

It's already 7:35pm...

Huminga ako nang malalim saka dahan-dahang tumayo, umiiwas na gumawa ng tunog. Nasaan ba ang nga kapatid ko? I should cook dinner for this guy. Nang makalabas ako sa kwarto ay sinalubong ako ng tahimik na hallway kaya dumiretso nalang ako sa kitchen island ng bahay. Naabutan ko roon si tita, naghihiwa ng karne ng manok.

Agad itong lumingon sa akin, "How's your feeling? Here, drink this." Sabi ni tita saka ibinigay sa akin ang isang gamot at isang baso na may tubig na agad ko namang ininom. "What happened, Dee? Nawala kayo dalawa bigla ni Timothy. You were soaked in rain when you went home. I was worried because your fever was too high. Mabuti at inihatid ka ni Zachary."

"Sorry dahil pinag-alala ko po kayo, tita. Pumunta ako sa puntod ni mama." Tita Tiffany's face softened.

"I see. Do you miss her that much?"

Tumango ako. "Yes, tita."

"I'm so sorry, Dee."

I smiled at her. "It's no one's fault, tita."

I just missed my mom. And I know also that mom would never blame Tita Tiffany. I know her too much. She was just so kind. Hindi siya marunong magalit. Hindi siya marunong mag tanim nang sama ng loob. That's why I hate kind people.

This world doesn't deserve my mom.

Matapos ng pag-uusap namin ni Tita Tiffany ay bumalik ito sa kanyang ginagawa kaya't tinulungan ko nalang siya. Noong una, nagpoprotesta siya dahil kailangan ko raw magpahinga ngunit hinayaan niya rin nalang ako dahil hindi naman daw ako mapigilan. Hindi na ito ang unang beses na tinutulungan ko si tita. Ito ang rason kung bakit mas napalapit pa kami sa isa't-isa dahil lagi ko siyang tinutulungan kapag nagluluto siya.

And as we became closer to each other, I became more comfortable around Tita Tiffany. I can see that her intentions were pure, that's why I gave her a chance.

"Where's Tim and Terry?" I asked in the middle of mixing the chicken into the crispy powder.

Gagawa raw kasi si tita ng air fried chicken.

"At Tim's room. I told them to not go to your room muna kasi you need to rest. And also, Zachary is there in your room."

Tumango lang ako kaybtita. "Did I passed out when we got here?" I asked again.

"When you two got here, basang-basa kayong dalawa ng ulan and Zachary was carrying you on his back. You were shivering, and you looked so pale. Your dad's doctor went here to check you up, he said that you just need to take meds and get some rest."

I guess I have to thank Gabriel. Pero naiinis pa rin ako sa presensiya niya. We will never be friends! Ever.

Nang matapos magluto si tita, umakyat agad ako sa ikalawang palapag ng bahay para tawagin ang mga kapatid ko at pati na rin si Gabriel. Medyo gumagaan na ang pakiramdam ko dahil na rin siguro sa gamot na binigay ni tita kanina. Pumasok ako sa kwarto ko, mahimbing paring natutulog si Gabriel. Napayakap ako sa akng sarili nang pumasok ang malamig na hangin sa aking kwarto, hindi pala naisara nang maayos ang glass window ng kwarto ko. Naglakad ako papalpit doon saka sinara. Napatingin ako sa labas, malakas pa rin ang ulan.

That Summer Night of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon