"What happened to your lips, sweetie? Did you get into a fight?" Biglang tanong ni Tita Tiffany habang kumakain.
Napatigil ako at hindi agad nakasagot. Napatingin ako kay Gabriel na nag-aalangan pero halatang natutuwa, lalo na't kita ko sa mga mata niya na nagpipigil siyang humalakhak. Kumagat siya ng ibabang labi niya, parang pinipigil ang ngisi na gustong kumawala.
Si Dad, na nasa kabilang dulo ng mesa, ay biglang napakunot ang noo.
"Uh, it's nothing , Tita," sabi ko, pilit na ngumiti kahit medyo namumula pa rin ang sugat sa labi ko. "Nakagat ko lang po habang nagre-review kanina."
Timothy grinned as he scrutinized me. "You bit it? That looks pretty serious for a simple bite, Kuya."
I tried to keep my smile steady, but my mind was racing for a better excuse. I glanced at Gabriel for a split second, na tila ba nagpipigil ng tawa, pero alam kong nahahalata ni Dad ang mga palihim naming tinginan.
"It's not that serious," sagot ko na lang, hoping he would drop it. Pero alam ko na curious pa rin sila. Tim's eyes narrowed, parang nag-iisip pa siya kung paano nangyari iyon.
"Gabriel, have you noticed Dee being clumsy like this before?" tanong ni Dad bigla, binabaling ang tanong kay Gabriel.
Gabriel cleared his throat, trying to hide his amusement. "Not really, Tito. Maybe he was just too engrossed with his studies," sagot niya, pero halatang may ibang ibig sabihin ang mga salita niya.
Nagkatinginan kami ni Gabriel, at alam kong pareho naming iniisip yung nangyari kanina sa kotse. His hand in my hair, the taste of him, and how he bit my lip just enough to draw blood, pero sa halip na magalit, lalo lang akong natuwa.
"Just be careful next time, Dee," sabi ni Dad, ending the conversation, pero ramdam kong pinipilit niyang hindi na mag-usisa pa. "I don't want you getting hurt over something as trivial as studying."
"Yes, Dad," mabilis kong sagot, trying to end the topic once and for all. Si Tita Tiffany naman ay ngumiti na lang, halatang hindi na rin masyadong pinag-isipan ang sinabi ko.
Gabriel took a bite of his food, finally letting out a small chuckle. Pero bago pa siya matuluyang matawa, sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. Nagulat siya pero napatingin na lang sa akin, ngumingiti.
"Sorry," bulong niya, though his eyes were still twinkling with mischief.
I rolled my eyes at him, pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong ngumiti. It was our little secret, one that made the night more thrilling. I focused my attention to my youngest brother on my left side.
Nang matapos ang dinner, nagpaalam muna si Dad na pupunta sa kanyang office dahil may aasikasuhin pa ito. Ganoon din si Tita Tiffany, magre-release na naman kasi sila ng bagong product next month kaya't medyo busy ang schedule niya ngayon. Si Gabriel naman ay sinamahan sina Terence at Timothy sa sala.
Nag-umpisa nang magligpit ng pinagkainan si Manang Teresita kaya't agad ko na siyang tinulungan.
"Hijo, ako na rito. Samahan mo nalang ang mga kapatid mo at si Gabriel sa sala," mahinahong sambit ni Manang Teresita.
"It's fine, manang. Gabriel can wait," sabi ko sa kanya saka ngumiti.
"Ikaw talagang bata ka," natatawang sambit ni Manang Teresita sa akin. "Nilagyan mo na ba ng ointment ang labi mo?"
I shook my head as I continued placing the dishes on the dish washer. Napansin kong may gusto pang sabihin si Manang pero parang nagda-dalawang isip siya kung sasabihin niya pa iyon o hindi. Pero bumuntong hininga rin siya saka tumabi sa akin sa sink.
BINABASA MO ANG
That Summer Night of August
RomansaYanez Series #1 Aurelius Dee Yanez stood at a crossroads, uncertain about committing to a Civil Engineering program. Throughout Junior and Senior High, he excelled academically, a straight-A student, yet his journey lacked companionship. A painful p...