Kabanata 51

32 3 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nanatili rito. Ang bigat ng pakiramdam ko habang nakaupo sa ilalim ng puno, sa tabi ng lawa. Parang biglang huminto ang oras, pero sa loob ko, walang tigil ang gulo ng mga naiisip ko. Sinasampal ako ng katotohanan—ang mga larawan, ang mga message, ang ginawa ni Gabriel at ng pamilya ko. They thought they were protecting me, but all they did was lie, leaving me in the dark.

Huminga ako nang malalim, pero parang mas sumisikip lang lalo ang dibdib ko. Ang tunog ng tubig na humahampas sa pampang ay hindi na nagdadala ng kalmado tulad kanina. Para akong nababalot ng takot at galit, pero higit sa lahat, nandito ang sakit.

Naiisip ko si Gabriel, ang kanyang mga mata na puno ng kalungkutan kanina nang sabihin ko sa kanyang huwag akong hawakan. Alam kong nasaktan ko siya, pero paano naman ako? Paano ko haharapin ang sitwasyon na ito nang hindi binabalot ng takot na may mas susunod pang kasinungalingan?

Niyakap ko ang sarili ko at sumandal sa puno, sinusubukang pakalmahin ang sarili, ngunit ang bawat paghigpit ng yakap ay parang paalala na mas malalim pa ang sugat. Ang ganda ng tanawin sa harap ko, pero wala akong maramdaman na kahit anong ginhawa.

Nababasag na ang pader na matagal kong itinayo para protektahan ang sarili ko. For the first time in a long time, I let someone in. I let Gabriel in, thinking maybe, just maybe, I could let my guard down. But these people, these media, all they did was destroying someone.

I was in the middle of my thoughts when I heard steps coming behind me. Hindi ako lumingon, dahil baka kung lilingon ako at makita si Gabriel, tatakbo lang ako ulit papalapit sa kanya at yakapin siya. Pero habang lumalapit ang mga yabag, napansin kong hindi ito ang mga hakbang ni Gabriel—mas mabigat, mas mabagal.

"Dee," a familiar voice called out, softer than I had expected.

Lawrence.

Napapikit ako, pinipilit na pigilan ang mga luha na gustong kumawala. Gabriel must have called him. Alam ni Gabriel na si Lawrence ang isa sa iilang tao na maaari kong paghingahan ng lahat ng sakit at sama ng loob.

Alam din ba niya? Is he also part of this plan?

Of course, he knows. Kalat na nga sa social media.

Walang parte sa akin ang handang makipag-usap kay Lawrence ngayon, o kahit kanino. But his presence was unavoidable. He stood there quietly for a few moments, giving me space but not leaving.

Tumingala ako, tinakpan ng mga kamay ang mukha ko habang dinarama ang bigat ng sitwasyon.

"What are you doing here, Lau?" I asked. It was cold as ice.

"I drove as fast as I could to get here after Gabriel called. I told you before, right? Kahit saan ka pa, pupuntahan kita palagi."

I smiled bitterly. "I don't need anyone right now, Lawrence. Even you."

It was the truth. I'm so tired of hearing shits right now. I just wanna go home. Lawrence remained silent. Sumikip na naman ang dibdib ko nang maisip ang sagutan naming dalawa ni Gabriel kanina. Kitang-kita ko sa kanyang mata kung paano iyon nasaktan. It was painful for me too.

"Si Gabriel," I said softly. "Nasa'n siya?"

I clenched my fist. Alam kong kahit saktan man ako nang paulit-ulit ni Gabriel, o kaya'y paulanan ng mga kasinungalingan, a part of me will always run to him. And that's what's making me mad, because I knew I would ruin myself for him, even a million times.

"He's at my condo for now, he doesn't want to go home. He called me anxious. He can't even say words properly. I borrowed Roni's car to get here as soon as possible," Lawrence answered. "Gabriel wanted to stay here with you, but I convinced him to go to my condo for a while. Alam kong hindi mo siya kayang harapin ngayon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Summer Night of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon