Kabanata 3

95 7 0
                                    

Kabanata 3

Mabilis natapos ang oras at nasagutan ko naman lahat ng tanong sa test. Masyado akong nahirapan sa math dahil dito nag focus ang test para sa mga magpapaenroll sa department ng engineering. Sana nalang mataas ang score ko.

Nakaupo ako sa bench habang itinitext si Timothy. Nasaan na kaya 'yon? Tumitingin na lamang ako sa mga estudyanteng dumadaan sa hallway habang hinihintay ang reply ni Timothy. Lumipas ang ilang minuto ngunit hindi pa rin ito nagrereply kaya't napagpasyahan kong tumayo at maglakad lakad para hanapin siya.

Habang naglalakad ay dinala ako ng aking mga paa sa rooftop ng building. Mangha kong inilibot ang aking paningin sa paligid. May mga iba't ibang halaman ang narito, meron din parang dalawang maliit na cabin na pwedeng silungan. It's a garden. Covertny's air was known for it's clean environment, thus, it also has the freshest air.

Lumapit ako sa isang rose na kulay pula saka inamoy 'yon. Ito iyong gusto ko, simple lang at kalmadong atmosphere. Napalingon sa ako kabilang dulo ng garden nang may narinig akong nag-uusap.

May dalawang lalaking nakatayo roon. Nakatalikod sa akin ang isang matangkad na lalaking may makisig na pangangatawan kaya't natatakpan niya ang medyo maliit na lalaking nakaharap sa aking direksyon na kanyang kausap.

"Gab, please? We're done." Rinig kog wika ng lalaking mas maliit sa lalaking may matikas na pangangatawan.

"I am still your boyfriend, White. You cheated. Why did you do that?" Bakas sa tono ng pananalita ng matangkad na lalaki ang lungkot.

I am not the type of guy who would eavesdrop in someone's conversations. Ngunit biglang nanlaki ang aking mga nang hinalikan ng matangkad na lalaki ang kaharap niya. Mas lalo akong nagulat nang biglang mag ring ang aking cellphone dahilan upang mapalingon ang dalawa sa aking direksyon. Fuck this.

Sila 'yong nasa instagram photo na nakatag sa akin. What a small world. Pucha.

Agad akong tumalikod at naglakad pabalik sa hagdan saka tinignan kung sino iyong tumatawag.

Timothy is calling...

Ang wrong timing naman. Nakakahiya ng ginawa ko.

"Alam mo, ang wrong timing mo kung tumawag. Nasaan ka ba?" Bungad ko sa kanya sa tawag habang bumababa sa hagdan galing rooftop.

"Binalikan kita sa room mo tapos wala ka na roon. Ikaw ang nasaan na ba?" Sagot naman nito sa akin.

"I'm on my way."

Pinatay ko ang tawag saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Totoong hindi ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan nila. And also, I don't care if they were both men. You can love freely. We can love freely.

But cheating? A big NO for me. Cheating was never okay and will never be okay.

Nang makarating ako kung nasaan si Tim, kunot noo itong napatingin sa akin. Agad naman akong naconcious sa sarili dahil sa paraan ng pagtitig niya. May dumi ba sa mukha ko?

"You're sweating, kuya. Where did you go?"

"Rooftop. Ang tagal mo kasi mag reply." Sagot ko.

Natawa naman siya ng mahina. "Sige lang. You're still mabango naman, kuya eh."

I playfully pinched his nose before letting a slight laugh. "Tara na. Huwag mo akong maconyo conyo diyan."

Naglalakad na kami sa hallway habang padami nang padami naman ang mga estudyante. Mabuti nalang at maaga kaming pumunta ni Timothy kanina at hindi na namin kailangan makipag siksikan sa pila sa entrance.

That Summer Night of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon