Kabanata 4

92 6 0
                                    

Kabanata 4

"Who was that?" Tanong ni Timothy nang makarating ito sa table namin habang dala ang mga orders. May dalawang staff na nakasunod sa kanya dahil tatlong tray ang pinaglagyan ng mga pagkain.

Umupo si Tim sa kaharap kong upuan. Nilapag naman ng dalawang staff ang dalawang tray sa lamesa, pinasalamatan ko ang dalawa bago sila umalis.

"He had my pen." I answered before mixing my sundae.

"How did he know you?"

I just shrugged. Sasabihin ko bang nakita ko iyong lalaki sa rooftop na may kausap at kahalikan tapos nagulat ako dahil tumawag si Tim kaya't dali-dali akong bumaba tapos hindi ko namalayang nahulog ang pen ko? Probably not. Wala rin namang dahilan para sabihin ko 'yon. As long as my pen is here, all is good.

Panay ako punas sa gilid ng labi ni Terry dahil sa sauce ng pasta. Ayaw kasi niyang subuan ko siya, puti pa naman yung damit niya. Baka madumihan. Ganito ako lagi kay Terry kapag lumalabas kaming tatlo na magkakapatid. Ewan ko ba at nasanay na akong inaalagaan ang bunso namin. Natatawa na lamang si Timothy habang nakatingin sa amin ni Terry dahil para ko na daw itong anak.

Tinignan ko siya ng masama. "Gusto mo rin bang subuan kita?"

"Oh, sure." Nanghahamong sambit nito saka ibinuka ang kanyang bibig.

Agad namang nabaling ang aking paningin sa table napkin katabi ng aking plato. Mabilis kong kinuha iyon at isinubo sa kanyang bibig. Napatawa ako nang iniluwa niya ito agad.

"What the fuck?"

I stuck my tongue out before continuing to eat my foods.

"Ang mature mo naman, kuya." Bulong nito ngunit tama lang para marinig ko. Natawa na lang ako.

Nang matapos kaming tatlo sa pagkain ay dumiretso kami sa store ng nikon. Hindi ko alam kung bakit kailangan na naman ng camera nitong si Timothy, hindi pa naman sira kahit isa sa mga camera niya.

Tumitingin tingin din ako sa mga lenses at ibang camera rito, ngunit ibinababa ko rin agad dahil sa mga presyo nito. Ang mahal. Tama na para ipangkain sa isang buwan. Ng unit hindi ko rin masisisi si Tim, spoiled kasi kaming tatlo kapag pera ang usapan. Lingid sa kanilang kaalaman na hindi pera ang kailangan naming magkakapatid.

Ironic, right?

Kung sino pa 'yong may maayos na estado sa buhay, sila pa 'yong naghahangad ng pagmamahal sa mga magulang nila. Simula noong magkaayos kami ni Timothy, lahat ng akala ko'y mas pinapaburan siya nina tita at dad ay nawala. Mali ako. Dahil hindi siya naging lamang kumpara sa akin. Pantay kaming dalawa.

We were both incomplete.

Pero noon 'yon, dahil ngayon ay kinukompleto naming tatlo ang isa't isa.

"Hey, kuya" napalingon ako sa gawi ni Tim nang tawagin ako nito. Sumalubong sa akin ang flash ng camera kaya't napatakip ako sa aking mga mata.

I heard him giggle. Lumapit ito sa akin saka ipinakita sa akin ang kuha niya. "You look good in here."

Tinignan ko 'yon. Inosente akong nakatingin sa camera, which, I really hate. Para akong tanga.

I have this comb-over hairstyle that consists of a long section of hair on top of the head that is parted to one side and combed toward the other. I like it. It's classic. I am also wearing my eyeglasses, it has an aviator frame. Ngayon ko lang din ito ginamit dahil mas komportable ako kapag contact lenses ang gamit ko.

I have looks, I can say that. I often hear it from my mom when I was a kid and during my high school days. Lagi nila akong nirerekomenda kapag may mga pageants sa school. But I always refused, I hated spotlights. I hated being in the center of attention.

"You should enter the modeling industry, sir." Napatingin ako sa saleslady ng store matapos niyang sabihin iyon.

I scoffed. Was she serious?

Tumango tango naman si Tim na parang dati pa ito naisip. "Yes. I've always wanted to tell you that, kuya. But I know you won't. It's a fine a camera. I'll buy it po." Humarap si Tim sa saleslady saka sila naglakad patungong counter.

Nang tumingin ako sa likuran ko ay hindi ko na makita si Terence. Biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib. Nilibot ko ang loob ng store kung nasaan kami ngayon ngunit hindi ko siya mahanap. Hawak ko lamang siya kanina. My hands was starting to sweat when Tim stood in front of me from paying his new camera.

"What happened?" He asked, looking around.

"Terry's gone" wika ko. Para na kong maiyak, kung ano-ano na ang pumapasok sa aking isipan. Baka dinukot siya at isinakay na siya sa puting van.

"Kuya, calm down. Let's go to the paging center of this mall." sabi nito saka kami lumabas mula sa store.

Naglakad kami kasabay ng madaming tao sa mall. Ito ang kauna-unahang hindi ko nabantayan si Terry. Para akong mabaliw sa kakaisip ng kung ano-ano. Nang makarating kami sa paging center, agad akong lumapit sa nag ooperate roon.

Agad akong pinigilan ni Tim. "Ako na. Just stay here and calm down, kuya."

Kinausap ni Tim ang operator. Lingon ako nang lingon sa paligid dahil baka narito lamang sa Terence. Sigurado akong umiiyak na 'yon ngayon. Dahil sa tuwing mawawala ako sa paningin nito, lagi ako nitong hinahanap.

"ATTENTION. A KID WEARING WHITE T-SHIRT, A BLACK PANTS, AND A WHITE SHOES IS MISSING INSIDE THE MALL. I'M CALLING ALL THE GUARDS TO FIND THIS KID AS SOON AS POSSIBLE. IT IS THE YOUNGEST SON OF ENGINEER YANEZ."

This was the perks of having a well known dad. Pero sigurado akong magiging usapan na naman 'to sa buong Covertny. Kilalang-kilala ang aking ama sa lugar na ito. Bumalik sa aking tabi si Tim saka inabutan ako ng bottled water.

"Drink."

"I'm sorry." Sabi ko saka napahilamos ng aking kamay sa aking mukha.

"Hey, kuya, this is not your fault."

It is. Kasalanan ko 'yon. Kahit saang anggulo ang titignan, kasalanan ko 'yon. Napatingin ako sa phone ko nang umilaw ito.

You received a new message...

Sa instagram iyon kaya't madali ko iyong binuksan.

Gabbyreal_ sent you a photo.

It was a picture of my brother...

Peacefully eating ice cream.

That Summer Night of AugustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon