Slight mature content. Read at your own risk.
—
"Dee, do you want something? Pupunta ako sa cafeteria," sabi ni Veronica habang nagliligpit ng mga gamit niya.
I shook my head as I looked at Lawrence who's still fast asleep. Katatapos lang ng lecture ni Sir Cania at halos hindi ko maipinta ang mga mukha ng buong block.
"Okay," sagot ni Veronica bago siya tuluyang lumabas ng classroom. Tumingin ulit ako kay Lawrence, na para bang walang pakialam sa mundo habang tulog. Napabuntong-hininga ako. Katatapos lang ng lecture ni Sir Cania, at ramdam ko ang bigat ng pagod na bumabalot sa amin lahat.
I scanned the whole class to see my tired blockmates—halos lahat ay nakayuko, nagre-review ng notes, o di kaya'y nagmamadaling umalis. Matinding discussion na naman kasi ang nangyari, at sa sobrang daming information na binigay ni Sir. The midterm exam was fast approaching that's why the atmosphere was different.
Napatingin ako sa bintana. Ang init sa labas, pero hindi 'yon kasing tindi ng pagod na nararamdaman ko. Lahat ng utak namin ngayon, sigurado akong overworked na. May iba na mukhang gusto nang bumagsak sa upuan, habang ang iba naman ay nagpipilit pang mag-aral para sa susunod na klase.
Bumalik ang tingin ko kay Lawrence. Kung gaano siya ka-energetic dati, ganun din siya ngayon kapag kailangan ng pahinga. Nakakatawa rin isipin kung gaano siya kaseryoso sa mga bagay-bagay, pero heto siya ngayon, natutulog na parang wala nang bukas.
"Yanez."
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses na iyon. It was Jao.
"Do you have a minute?" He asked, not looking at me.
Tumango naman ako agad saka napatingin sa notebook na bitbit niya. What does he want?
I wondered why Jao suddenly needed something from me. We've been in the same block for a while, but we rarely talked. He's the quiet type, always focused on anything related to academics. So, I couldn't help but ask myself—what does he want now?
I stood up from my seat and approached him. "What is it?" I asked, trying to keep my tone casual despite my curiosity.
Iniabot niya sa akin notebook niya at napansin kong may ilang naka-bookmark doon.
"Can you take a look at these?" he asked, his voice as neutral as ever.
I opened the notebook and saw his handwritten notes. The handwriting was clear, but it was obvious how much information he had tried to compress into each page.
"Is there something wrong?" I asked as I scanned through his notes. Wala namang mali habang binabasa ko. Mas naiintindihan ko nga yung notes niya kesa nung sa akin.
"Not exactly wrong," he replied, this time looking directly at me. "I just wanted to know if you could help me review these. I'm having a hard time with some of the concepts Sir Cania discussed earlier."
Napatingin ako sa isang page ng notebook niya, blangko iyon at ang tanging nakasulat lang ay iyong title ng topic namin kanina. Agad ko namang kinuha ang notebook ko na may mga notes din saka iyon itinabi sa notebook niya. Umupo ako sa tabi niya saka kumuha ng ballpen mula sa bulsa ko.
"Okay, try natin intindihin muna 'to," itinuro ko iyong topic title na nakasulat sa blangkong notebook niya. "The concept that Sir Cania covered today was entropy, right?"
Tumango sa akin si Jao, pero kitang-kita pa rin sa kanyang mata iyong confusion. Well, kahit din naman ako ay nalito sa topic kanina. Hindi rin kasi iyon madaling topic kaya kailangan pa ng kaunting para maabsorb iyong information na iyon.
BINABASA MO ANG
That Summer Night of August
RomanceYanez Series #1 Aurelius Dee Yanez stood at a crossroads, uncertain about committing to a Civil Engineering program. Throughout Junior and Senior High, he excelled academically, a straight-A student, yet his journey lacked companionship. A painful p...