KABANATA ONE

9K 107 7
                                    

KABANATA ONE

ABIGAIL'S POV

Isang buwan na ang nakakalipas simula nung may mangyareng trahedya sa buhay ni Insan , mabuti nalang at walang nangyareng masama sa kanya at lalo na sa pinagbubuntis nito . I feel happy for them too dahil nagbago na ang asawa nito na si Alfredo sa pakikitungo sa kanya .

Patungo ako sa kanila ngayon dahil laundry day ngayon . Mabilis akong nagtago sa likod ng malaking drum at tinignan ang buong pligid kung nandoon siya , ngunit wala akong nakita kaya lumipat ako sa kabila ngunit wala din akong nakita kaya nag decide nalang akong pumunta sa likod ng pader malapit sa pintuan ng kusina dito sa mansion nila Insan . Dahan-dahan ko naman iyong binuksan at sumilip sa loob , nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong bakulaw na nakita , walang bakulaw na i-istorbo saken at walang bakulaw na manggugulo saken .

Papasok na sana ako ng biglang ...

" Samahan ulit kitang mag laba ha ? " napaface palm naman ako sa sinabi nito at tuluyan ng pumasok sa loob ng laundry room . Tss ! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina , nandito pala ang bakulaw , may istorbo , may magulo -_- .

" Umuwi ka sa inyo , may pinagdamitan ka naman na marumi hindi ba ? iyon nalang ang labhan mo " kainis , kailan ba titigil ang bakulaw na ito sa panggugulo saken dito sa tuwing maglalaba ako ? . Ughh ! Imbis na maaga akong matatapos sa paglalaba nito baka tanghaliin pa ako dahil sa bakulaw na ito .

" Nalabhan na kahapon ni Manang e , kaya ikaw nalang ang tutulungan ko " -_- ang tigas ng tae ng lalaking ito , singtigas ng mukha ng gago ! Ughh ! Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako sa tuwing nakikita ko siya , ang dami nang ugali na meron ako ngayon na wala naman ako noon . Tss ! BI ang lalaking ito , kailangan na talaga niyang mawala sa landas ko , dahil kung hindi ko pa gagawin iyon ay baka masira ang buhay ko ng dahil sa kanya .

" Huwag na , baka puro reklamo lang marinig ko sa'yo at baka masupalpalan lang kita ng sabon sa bibig kaya manahimik ka diyan " last week kasi na naglaba ulit ako dito , puro siya reklamo , kesyo daw masakit yung kamay niya , marami siyang nakuhang paltos , nangalay ang kamay niya at hindi niya nagalaw na para bang napilayan -_- palibhasa kasi mayaman e . At alam niyo ba kung ano ang resulta kinabukasan ? nilagnat , nabalitaan ko iyon kay Insan , bagay nga niya , pasaway e -_-#

" Napaka brutal mo saken My heart " nakangusong sabi nito na akala mo bibi , hindi pala dinaig pa ang bibi dahil sa haba ng nguso niya .

" Heh ! Sige na pumapayag na ako " lumapad naman ang ngiti nito " Pero ... " nawala iyong ngiti niya " Ako nalang ang magkukusot at ikaw nalang ang tiga banlaw , okay ba yon ? " mabilis namang bumalik ang ngiti sa kanyang labi at tumango-tango pa ito . Mukha siyang tanga -_-!

" Pagkatapos sabay tayong magsasampay ha ? " inirapan ko nalang siya at inilabas na sa hamper ang mga maruruming damit ng mga Bautista .

" Oo na may magagawa pa ba ako ? " narinig ko naman siyang napahagikgik , tss ! Isip bata talaga ang isang 'to , ano kayang ipinaglihi ng nanay nito sa kanya at ganito ang lalaking ito -_- ughh ! Sarap patayin , kung free country lang sa pagpatay ng tao kanina ko pa siya pinatay .

" Tulungan na kita diyan " hindi na ako umimik pa dahil baka mag-away lang kami at lalong hindi na ako makatapos ng maaga . Alam narin naman niya ang gagawin niya dahil nung una naming pag-uusap na matino ( kung matino ba matatawag dun ) o matagal ay nasabi ko na sa kanya kung paano ( Ref : ALW . K7 )

Destiny of the Heart ( Completed-Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon