Abigail's POV
Kailangan ko na bang magpatayo ng library? Ang dami ko kasing libro! Puno ang kwarto ko! Kanino galing? Kay Mike! Ewan ko ba dun sa lalaking iyon at ginawa niya akong bookshelf! Grr! Pero I'm happy, because ya know! Reading is my hubby. Kaya kulang nalang, hindi na ako kumain at maligo dahil busy ako sa pagbabasa ng libro.
O makapag pagawa nalang kaya ako ng banyo at lababo dito sa kwarto ko, para hindi na talaga ako lumabas. Pero... Haha, huwag nalang, baka pagalitan ako ni Mama, lagi na nga akong nasesermonan eh. Hindi na daw kasi ako lumalabas ng bahay sa tuwing day off ko sa trabaho ko.
" Abi! Pahiram naman ako ng kwento ni Owwsic " sigaw ni Vernon kahit nasa labas palang ito ng bahay namin. Napa iling na lamang ako. Kung an ikinatahimik ni Vera, ay siya namang ingay ng kapatid nito.
Nakangiti naman itong bumungad sa pintuan ko ng makapasok ito " Sige kuha ka lang, basta ibalik mo ha? "
" Oo naman! " atsaka na ito naghalungkat as mga libro ba nasa gilid ng kama ko " Sabihin mo sa nagbibigay ng libro sa'yo, Abi. Isama na niya ang bookshelf para hindi na maging makalat sa kwarto mo, ang dami na ng mga libro mo oh! " binato ko siya ng hawak kong libro na tumama naman sa ulo niya. Awang galing ko talaga!
" Para saan naman iyon? "
" For saying that! Alam ko namang mahirap tayo, pero hindi ko pinangarap na maging gold digger ako " napakagat siya sa kanyang ibabang labi " Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na ibalik ang lahat ng iyan kay Bakulaw, pero hindi ko magawa dahil ayaw niya, tapos hihingi pa ako ng bookshelf? Napaka kapal naman ng mukha ko nun Vern! Kaya nag-iisip ka pa ba? "
" Sorry naman, isa lang sinabi ko ang dami mo ng sinabi diyan " inirapan ko na lamang siya " Dalawa lang hihiramin ko ngayon, sige alis na ako "
" Ibalik mo yan ha? "
" Oo na! Gusto mo yung bagong balot pa eh! " sinibangutan konsiya. And the next day nga ay ibinalik niya saken yung dalawang libro na nakabalot. Gago talaga!
" Anong gusto mong kainin ngayon? "
" Wala akong ganang kumain ngayon eh, " nagtakha ako sa sinabi niya. Walang gana? Kelan pa nawalan ng gana ang lalaking matakaw na ito? Ang dami-dami kaya niyang kinakain, tapos wala siyang gana? Himala!
Simula kasi nung nagsimula akong magtrabaho sa kanya, ang dami-dami niyang kinakain. Tinanong ko nga kay Alfredo kung malakas bang kumain si Mike noon, pero hindi naman daw at ang lokong lalaki na nasa kabilang linya, ay tuwang tuwa pa sa narinig. Tss! Nagalit nga ako sa kanya eh. Paano kung masobrahan ang kaibigan niya at natigok? Makakatawa pa kaya siya ng ganun? Tss!
Pansin kong umupo siya sa dining table na hinang nina. Saan kaya galing kahapon ang lalaking ito?. Nilapitan ko siya at hinipo ko ang noo niya. My eyes widened. Shit!
" Mike! " sigaw ko ng bigla na lamang siyang nawalan ng malay at nahulog saken " Mike! Mike! "
Tinawagan kong muli si Alfredo, kaya nagtungo siyang muli dito but this time kasama niya na si Francis. Sa tagal kong nakilala ang tatlong magkakaibigan na ito, ngayon ko lang na titigan ng maayos si Francis. Gwapo siya, pero mas gwapo parin ang asawa ni Insan. Pero sana... Hindi siya tulad ni Alfredo, hindi sana niya babalaking saktan ang Babaeng napangasawa niya na hindi niya gusto.
" Ito ang mga napapala ng mga taong matitigas ang ulo eh, " ika ni Francis habang naiiling na nakatingin sa kaibigan na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa kanyang kama habang may bimpo ito sa kanyang noo. Ang taas kasi ng lagnat nito eh.
" Binawalan na kasing huwag maligo ng ulan, naligo parin! Kaya hayan! Bagay sa kanya yan! " ika naman ni Alfredo. Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Bagay nga lang talaga sa kanya. Matigas ang ulo eh.,para kasing bata! Kelan kaya mag mamatchurd ang Bakulaw na ito?.
" Ako na bahala sa kaibigan ninyo, magsiuwi na kayo "
" Pinapaalis mo na ba kami? Kakarating lang namin ah?"
" Oo, bingi ka ba? " sinimangutan ako ni Francis, si Alfredo naman ay tumawa. Wala pala eh, pare-pareho lang pala silang mga isip bata " Atsaka kailangan ng magpahinga ng kaibigan ninyo. Bukas niyo nalang siya dalawin ulit. Sermunan niyo na ah? At kung kailangan suntukin, suntukin niyo na! "
" Ang harsh mo naman, Gail " ngiwing ika ni Alfredo.
" Dapat lang! Para madala! "
" Your wish is our command, " Francis said then he wink at me, napairap na lamang ako sa kanya at ipiagpatuloy ko na ang pagbabasa sa librong hawak ko.
Umalis narin silang dalawa, kaya naging tahimik na ang mansion ni Bakulaw. Nagluto na ako ng soup at kumuha sa medicine kit niya ng kanyang gamot na iinumin.
" Mike, kumain ka na, iinom ka na rin ng gamot mo " panggigising ko sa kanya. At gaya nung una na ginigising ko rin siya, may pangalan na naman siyang binabanggit.
Jasmine...
Sino ba talaga ang babaeng iyon, at lagi nalang niya itong tinatawag?. Ewan! Na sasaktan ako! Na sasaktan ako sa tuwing naririnig ko na tinatawag niya ang pangalang iyon! Tss!
" Abigail pangalan ko, hindi Jasmine. Tumayo ka na at kumain, " inilalayan ko siya sa pag-upo sa kanyang pagkakahiga.
" My Heart, hindi ka umuwi? "
" How can I go home, if you're sick? " sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya " Kumain ka na at para makag pahinga ka na " atsaka ko na siya sinubuan ng soup na niluto ko.
Tahimik na kumain siya, at ganun din ako. Matapos ko siyang painumin ng gamot, ay inilalayan ko siyang humiga sa kanyang kama.
" Matulog ka ba, para bukas ay gumaling ka na " kinuha ko ang kumot nito at itinaas iyon hanggang balikat niya. Napatingin naman ako sa kanya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
" Thank you, " ika nito ng nakangiti. Dahan-dahan ko namang kinuha ang kamay ko at tumango na lamang sa kanya. Pagka tapos kong nagligpit ng pinag kainan niya atsaka na ako lumabas ng kwarto niya.
-
" My Heart! Magaling na ako! Wuhooo! " I made a face! Sana lagi nalang pala siyang may sakit, para walang maingay na isip bata dito sa loob ng mansion niya.
" Ang aga-aga ang ingay mo, " sita ko sa kanya na mabilis naman niyang ikinanguso. Hayy nako! Nasaan na ba ang mga kaibigan nito at ng madala na nila ang isip batang ito sa ibang lugar Tss!
" Masaya lang naman ako My heart eh, kasi in the second time. Hindi mo ako iniwan, tapos inalagaan mo pa ako. Ang sweet ng my heart ko! " napa iling na lamang ako sa kanya. At sinabihan na siyang kumain nalang ng kumain ginawa naman niya, ang takaw talaga niya. Pero in fairness hindi siya tumataba.
Nagdaan pa ang ilang araw na paulit-ulit kong naririnig kay Mike ang pangalang Jasmine, kaya nung may pagkakataon ako na magtanong kay Alfredo ay natanong na ako sa kanya.
" San, " nag hmp naman ito saken habang iniinom ang juice na itinimpla ko sa kanya " Sino si, Jasmine? " natigil siya sa pag-inom ng juice ng marinig niya ang sinabi ko, at ang nasa bibig nito na juice ay hindi niya na malunok. Napangiwi ako nung ibalik niya sa baso ang nasa bibig niya. Baboy!
" Paano mo nakilala si Jasmine? "
" Hindi ko siya kilala, pero kasi... Lagi kong naririnig ang pangalan niya na sinasabi lagi ni Mike kapag tulog siya, lalo na sa tuwing may sakit siya "
" Ahh, ganun ba? " tumango ako " Jasmine is an ex fiance of, Mike "
***
Awoooo! UneditedxD thank you for reading gals :) libre lait, I mean comment xD hahaha. Labya guyssss ❤❤❤
BINABASA MO ANG
Destiny of the Heart ( Completed-Editing )
RomanceMike and Abigail's Story Enjoy guys :D