PROLOGUE

11.7K 142 2
                                    

PROLOGUE:

   Saya at lungkot ang naramdaman ko , nang malaman ko na ako na ang papalit kay Mama sa paglalabada sa Mansion ng mga Bautista .

  Masaya dahil , makakatulong na ako sa pang-araw-araw na gastusin sa pamilya namen at makakatulong narin ako ng lubos kay Mama .

  Malungkot , kasi mahihinto nanaman ako sa pag-aaral .

Sanay ako sa tahimik na lugar . Ako kasi yung tipo ng isang babae na hindi mahilig makihalubilo sa ibang tao . Tahimik , mahiyain at tanging mga libro lang ang lagi kong kasama . Pero simula nung makilala ko siya , ay nagbago na ang lahat . Ang dating tahimik na mundo ko ay naging maingay na ng dahil sa kaniya .

  Nagsimula ito nung magkabungguan kami sa likod ng mansion ng mga Bautista habang ako ay nagsasampay . Simula nung pangyayare na iyon , ay hindi na ako nito tinigilan sa pangungulit saken .

 Nawala lahat ang pag-uugaling meron ako , nawawala ang pagiging tahimik ko at walang kibo ng dahil sa kanya at ang pinakamasahol pa doon ay ang mga hindi ko ginagawa noon ay nagagawa ko na ngayon , tulad ng pag sigaw , pagkainis sa isang tao at ang pagkawala ko ng pasensya .

Tumagal ito ng tumagal hanggang sa hindi ko namalayan na sa pangugulo nito sa buhay ko ay nabihag na nito ang puso ko na hindi ko naramdaman para sa iba .

I never been inlove , kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko . Hanggang sa nagkaroon ng away sa pagitan naming dalawa at hindi ko inaasahan na masabi ko ang noon pa na gusto kong sabihin sa kanya ,

at dahil nakita ko sa mga mata nito ang reaksiyon na nagsasabing hindi niya nagustuhan ang sinabi ko o ang narinig niya mula saken . Alam ko naman yun e , langit siya lupa ako . Pero hindi talaga iyon ang dahilan ... Dahil ang totoong dahilan ay may iba pa itong mahal , na kahit kailan hindi matutumbasan ng kahit na sino lalo na ako .

Kaya simula nang araw na iyon ay hindi na ako nagpakita pa sa kanya , hindi ako martyr para harapin pa siya at harapin ang mga bagay na magpapasakit pa saken at iyon narin siguro ang magandang paraan upang makalimutan siya ng puso ko ng utak ko at ng isip ko .

Pero napakalupit ni Destiny dahil pinagtatagpo niya talaga kami . Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na hindi lalo mahulog sa kanya , kahit na alam kong wala naman talaga akong pag-asa at spasyo sa puso at buhay nito .

Pero nagulat nalang ako , ng isang araw ay bigla na lamang itong umamin saken na mahal rin niya daw ako . Nung una hindi ako naniwala dahil kilala ko siya bilang isang dakilang Joker at lalong lalo na... hindi pa niya lubusang kinalimutan ang first love niya , pero nawala at naniwala rin ako agad nung gawin at patunayan niya kung ano ang sinasabi nito .

Bakit ba ganito si Destiny ? kung kelan umiiwas ka dun ka niya pagtatagpuin ng gusto mong iwasan . Pero kapag gusto mo naman siyang makita , hindi niya ito ipapakita sa'yo . Minsan ang sarap lang pektusan ni Destiny noh ? pero at the same time nagpapasalamat parin ako sa kanya . Dahil kung hindi sa kanya hindi ko na muling makikita ang taong unang nagpatibok ng puso ko . Maging Happy man o hindi ang ending ng storyang ito , I was thankful parin dahil nakilala ko siya .

-

ENJOY READING ...

Destiny of the Heart ( Completed-Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon