Kabanata Six

2.7K 80 1
                                    

Abigail's POV

” Anong... " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong niyakap sa bewang ko at doon humagulgol ng iyak.

" Na sasaktan ako, na sasaktan ako My heart " ika nito sa gitna ng kanyang paghahulgol. Nasasaktan siya... Nasasaktan siya... Bakit ba lagi nalang niyang sinasabi ito sa tuwing umiiyak siya sa braso ko? Anong ikinakasakit niya? Hindi ko naman siya sinasaktan ah? Inaaway ko lang siya.

O baka naman... Nakaalala na siya? at naaalala niya na ang taong dati niyang mahal na ngayon ay asawa na ng kaibigan niya. Kaya ba ganun?.

" A-anong sinasabi mo diyan? Anong nasasaktan ka? Hindi naman kita sinasaktan ah? Inaaway lang kita " atsaka na Ko kumawala sa pagkakayakap niya saken at ibinalik sa kanya ang mga kinuha ko. Problemado siya, kaya kailangan niya yan.

" Hindi ko na kailangan ito My heart, yakap mo lang sapat na! " sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba kahit napakahirap at napa kalaki ng problema niya ay nakakangiti parin siya at nakakapag loko?.

" Itigil mo nga yan! Kung nasasaktan ka, ilabas mo, hindi yung ganiyan na... Para kang tanga! " sita ko sa kanya, tinitignan naman niya ako, pero hindi parin mapoknat ang ngiti na nakaukit sa kanyang labi.

Hinawakan ko ang dulo ng labi niya at inalis ang ngiti doon " Nasasaktan ka, kaya hindi mo kailangang itago ang sakit na nararamdaman mo gamit ng ngiti mo. Hindi mo ba alam na dahil sa ginagawa mo, lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo?.

Kasi kahit anong gawin mong pag ngiti, kung hindi mo naman inaalis sa kalooban mo ang bigat ng nararamdaman mo, hindi ka rin magiging masaya, hindi ka rin magiging malaya. Kaya kung ako sa'yo, kapag may problema ka. Iiyak mo, at huwag yung itinatago mo "

" Pero lalaki ako, nakaka bakla naman yata iyon My Heart "

" Ano naman ngayon kung pagkamalan ka nilang bakla? Sino ba mahalaga sa'yo? Ako? o yang ibang tao na nakakakita sa'yo at sasabihan kang bakla? "

" Ikaw, My Heart "

" E ganun naman pala, e di iiyak mo! "

" Pero kasi... "

" Wala ng pero-pero, Bakulaw! Gawin mo ang sinasabi ko, kung gusto mong gumaan yang pakiramdam mo " atsaka na ako tumalikod at naglakad pabalik ng sasakyan.

Pero mabilis rin akong bumalik, itinayo siya at niyakap ng mahigpit.

" Umiyak ka na! Kapag hindi ka umiyak, ako na magpapaiyak sa'yo! Sige ka! " pagbabanta ko sa kanya. Effective naman yata dahil isang minuto lang ay naririnig ko na siyang umiiyak sa bisig ko at niyayakap narin ako ng mahigpit.

" Sige, umiyak ka lang. Pero tandaan mo, yang sakit na nararamdaman mo, na yang problema mo ay tanging mga pagsubok lang satin ng may kapal.

Kaya huwag kang gagawa ng ikakasakit mo. Basta umiyak ka! Umiyak ka ngayon, tapos bukas huwag na! Dahil tama na! Kasi sobra na!

Nasaktan ka na, kaya tama na iyon para pagdusahan mo ang problema na meron ka. Kaya huwag kang matakot umiyak, Mike. Dahil tao ka, hindi ka robot. Tandaan mo yan "

" Tinawag mo akong, Mike. Sana pala lagi nalang akong may problema para hindi mo na ako tawaging Bakulaw " Mabilis na hinambalos ko siya sa likod " My heart, masakit! " reklamo nito. Itinulak ko siya, na ikinakalas niya sa pagkakayakap saken.

" Anong klaseng salita ang mga lumalabas sa bibig mo ha?. Mas pipiliin mong magkaproblema para lang matawag kita sa pangalan mo? Baliw ka na ba! Kung oo ako na mismo magdadala sa'yo sa mental! "

" My heart naman, " kamot ulo nitong ika " Napaka sarap lang kasing pakinggan sa pangdinig na tinawag mo ako sa pangalan ko at hindi sa pet name ko "

Destiny of the Heart ( Completed-Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon