Kabanata Twenty

4.2K 86 15
                                    

Abigail's POV

Ilang lingo ko na bang sinabi sa Bakulaw na iyon, na ayoko na siyang bigyan ng second chance?

Dalawa?

Tatlong lingo na?

Pero bakit? Bakit ayaw parin niyang sumuko? Ganun na ba talaga niya ako kamahal ngayon, na kahit lagi ko siyang binabasted ay nagpapatuloy parin siya sa panliligaw saken.

At sa mga nagdaang lingo na iyon ay napakarami niya ng kalokohang nagagawa.

Tulad nalang nitong ngayon.

Pagbukas ko ng pintuan ng bahay ni Tita ay tumambad saken ang malaking teddy bear na kasing laki ko. Kulay pink ito at may dala itong malaking puso na may lamang love letter niya.

Good morning My heart. No matter what happen this day, don't forget this, okay?. That I love you everyday and forever. You're my life, my heart, please... Give me a chance.

Pagbabasa ko sa isip ko at kahit walang pangalan na nakalagay kung kanino galing ay alam kong kanya iyon galing.

Pang-ilang teddy bear na ba ito? Anong akala niya sa kwarto ko? Teddy bear shop?.

Napangiti ako ng bahagya nang may maalala ako.

Kung noon, puro libro ang ibinibigay nito saken na kulang nalang ay magpagawa na ako ng library dahil sa dami nito, ngayon... Kulang nalang ang pwesto para sa stall na pagpwe-pwestuhan nitong sandamakmak name teddy bear na binibigay niya saken araw-araw.

Binuhat ko ang teddy bear at pinasok sa kwarto ko. Itinabi ko iyon sa teddy bear na kulay red naman na may hawak na red roses.

Nakangiti ako na pinasadahan lahat ng teddy bear na bigay niya saken, pero agad ring nawala iyon nang maalala ko na naman ang sakit na naramdaman ko sa kanya noon.

Sapo-sapo ko ang dibdib ko na umupo sa kama ko.

Hanggang kailan ko kaya mapipigilan ang sarili ko?. Hanggang kailan ko mapipigilan ang sarili ko na mahalin ko siya?.

Ghad damn it!

Oo! Mahal na mahal ko pa siya!

Mahal na mahal!

Pero Ayoko ng masaktan! Ayoko na!

Kaya Anong gagawin ko? Ano ba dapat kong gawin?.

Hirap na hirap na ako! Huhuhuhu.

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa maliit na table sa gilid ng kama ko. Pag tingin ko... Si Insan, tumatawag si Insan.

" Hello, Insan " masayang bati ko sa kanya, pero agad ring nawala iyon nang biglang...

" Insan, si Mike nawawala! " isigaw niya iyon na ikina kabog ng malakas ng puso ko.

" Ano?! " tanong na sigaw ko na ikinatayo ko pa sa kinauupuan ko sa kama.

Nawawala siya? Pero paano? Kabibigay lang niya saken kanina ng teddy bear. Hindi ko man siya nakita pero alam kong minamasdan niya ako mula sa malayo. Alam ko iyon dahil nung una niya akong bigyan ng ganun ay nahuli ko siyang nakatanaw sa malayo. Kaya imposibleng mawala siya!

" Insan nawawala si Mike! Wala siya sa mansion niya, wala siya sa bahay na binili niya diyan sa Tarlac! Hindi rin namin siya ma contact! "  tarantang ika ni Vera sa kabilang linya kaya kahit ako ay nataranta narin.

Destiny of the Heart ( Completed-Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon